pa follow nalang po
blog:senioritoaguas.blogspot.com
fb account:christian_136@yahoo.com
------------------------------------
… lumipas ang ilang mga linggo…
Hanggang sa dumating na ang araw ng kasal ni ken sa babaeng nagngangalang alexis…
Kahit masakit… kahit alam kong magmumukha lang akong gago dun… pupunta ako.. kasi iniisip ko na baka ito ng yung huling time na magkikita kame ni ken… ito na yung huling time na masisilayan ko ang itsura ng aking mahal
Syempre ako raw ang bestman kaya nagbihis talaga ako ng pagkapormal pormal… nangmakapagbihis na ako..lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng salas
Nasa bahay na muli ako namen.. bumalik na ako…
“anak sigurado kabang pupunta ka?”ang pagtatanung saken ni mama ng makita akong pababa sa hagdanan
Tumango na lamang ako… at tinumbok ang garahe para kunin ang kotse , si winona naman bumalik na sa America para ayusin ang ilang business na naiwan dun, sa kanya na binigay at pinamana ni lolo yon
“gusto mo bang magpasama ng driver?”ang tanung uli ni mama
Nilapitan ko siya at sinabing
“kaya ko ma… chaka kasal lang naman yung pupuntahan ko.. kaya ko namang magmaneho”ang sinabi ko nalamang at inistart ko na ang kotse
Sinasabi k okay mama na ok lang ako at kaya kong makitang ikakasal ang taong mahal ko pero ang totoo? Sobrang sakit?... ang daya!... pinalaban ko siya , nung nalaman kong iaarrange ni lolo ang kasal ko… anglayas ako at nilaban ko ang pagibig namen
Pero bakit ganto… bakit siya sumuko agad… di ba niya talaga ako mahal kaya ganun ganun na lang kadale ang pagsunod niya…
Habang nagmamaneho ako… nakabukas ang radio ….tila naman nananadya ang tadhana at biglang tumugtog ang kantang kinanta saken ni ken nung nandun ako sa swimming party
Hey, baby, how’s life been movin’ on?
I can’t deny it, now you are gone
This is the first time
Can I make it through?
Without you now, do the things I used to do
It’s getting harder to ease the pain
The feeling changes, love still remains
I don’t know how if I can get this right
Maybe given time
I’ll make the most of what I’ve got
Is this the price we pay
With all the good times we shared
Faithfully, we’ve got a reason to go on
I know it’s good to be true
Just spend the nights with you
Let me tell you that our love can make it through
Hold on, baby hold on
We’ve got to go on now
This feeling so strong
Hold on, baby hold on
It’s a burning desire
Comin’ right down the wire
Sweet talking it’s all in the line
There’s no turning back
Unless you make up your mind
The expectations after all of these years
Risin’ to the moment let’s forget all our fears
Is this the love we have
With all the good times we shared
Faithfully, we’ve got a reason to go on
I know it’s good to be true
Just spend the nights with you
Let me tell you that our love can make it through
Hold on, baby hold on
We’ve got to go on now
This feeling so strong
Hold on, baby hold on
It’s a burning desire
Comin’ right down the wire
And when the night is over
Well, no one can deny it
Got to believe in
We couldn’t ask for more
Than to hold each other tight
It’s just we’ll never take things for granted
Hold on, baby hold on
We’ve got to go on now
This feeling so strong
Hold on, baby hold on
It’s a burning desire
Comin’ right down the wire
Hold on, baby hold on (hold on)
We’ve got to go on now
(You can hold on to me while I hold on to you…)
Hold on, baby hold on… (hold on)
Tila naman nababasag ng pira-piraso ang puso ko habang pinakikinggan ko ang kanta… dumadaloy ang luha ko ng maybiglang motorbike na dumaan mismo sa harap ng sasakyan ko… pinahinto ko agad ang kotse at bumaba ako
“hoy ikaw! Kamuntikan mo na akong patayin ah! Hindi kappa tumitingin sa daan?!”bulalas saken ng lalakeng mokong
Astig na astig ang itsura nito kala may hikaw sa tenga… leather jacket.. na akala mo naman nasa malamig na lugar siya , jeans… naka hand cups pa… at take note! May shades pa…
“ Oy! Ikaw ang hindi natangin tingnan mo yung go light oh!... ikaw may kasalanan hindi ako!..”pagtataray ko sa kanya
“lalake kaba?”ang mahinahon na niyang sabe
Loko rin eh noh? Tanungin daw ba ako kung lalake ako? Baka gusto pa yatang maghubad ako sa harap niya!
Tinalikuran ko ang loko loko at bumalik na ako sa kotse… nang makasakay na ako… hindi parin siya naalis sa harap ng kotse ko…binusinahan ko nga… pansin ko talagang nagulat siya sa lakas ng busina ko … bute nga!!.. loko loko eh
At ayun nga umalis siya dun…. Muli ay nag drive na ako…
Ng makarating ako sa simabahan nandun na si ate Tanya… siya agad ang bumati saken at siya narin ang nakasama ko sa simabahan nayun
Isa isang nagdatingan ang iba pang ininvite sa kasal… maya maya ay dumating na si ken… ang gwapo parin niya sa suot niyang white American suit…clean cut ang buhok at talagang tingkad na tingkad ang kanyang kakisigan at kagwapuhan
Iniiwasan kong mapatingin sa kanya at makipag usap… dahil narin siguro sa ayaw kong lumuha sa harap niya…
Pero siya? Tila naman kung nasaan ako nandun din siya… ibat ibang bisita ang kinakausap niya basta makalapit lang sa lugar na pinupwetuhan ko.. ako naman dedma…
May isa pa akong napansin eh… may isang gay talaga dun na lantaran as in kinikindatan ako.. ako naman todo dedma… napagalaman kong kaibigan pala nung alexis sabi ni ate Tanya… matalik na kaibigan daw
Maya maya… dumating na ang bride, talagang mula sa pagbaba nito sa kotse.. titig na titig ako… ang ganda niya… pang miss universe…
Pinapwesto na ang lahat ng kailangang pumwesto… at dahil nga bestman ako.. katabe ko si ken.. pero syempre kunyare wala lang akong katabe…
Nang magsimula na.. tumugtog na ang tunog na pangkasal
TEN TEN TENEN
Paulit paulit.. hanggang sa nakita ko na palapit na ng palapit ang bride sa altar… wala akong ibang marinig kundi ang pagkabog ng dibdib ko…
Nangmakarating na sa harap ni ken ang bride.. tiningnan naman ako ni ken… napansin naman ito ni alexis na siya ring tiningnan ako ng matalim
Umiwas na lamang ako ng tingin at muli ay naglakas na sila papunta ng harap ng altar
Nangmagumpisa na nakaupo na ang lahat… maya maya ay lumabas si father
“naririto tayo ngayon upang saksihan ang pagiisangdibdib ng dalawang taong ito…. Kung sinu man sa inyo ang tumututol ay maaring sabihin ang kanilang hinaing”
Nakakaloko naman ang sabi ni father parang tinamaan ako dun ah!... katabe ko si ate tanya at talagang ramdam ko ang pagkurot niya sa braso ko…napa
“ouch!”
Naman ako..!!...
Ngayon lahat ng mata ay nasaakin… pati ang mata ng bride… talagang napakatalim ng mga matang iyon…
Hindi ko alam ang gagawin ko… tumungo nalamang ako… at talagang napahiya ako!!...
“walang tumututol?... simulan nanaten ang seremonya”ang sabi ni father
Talagang matagal rin ang seremonyang iyon
Hanggang sa dumating na sa main finally
“Kenneth gallatores do you take alexis as your honorly bride to poorer and rich”ang tanung ng father kay ken
Lumingon si ken sa lugar kung san ako naka upo iniwasan ko lang ang mga tingin niya… nangmasulyapan ko si ate tanya ,humahagulgol talaga ito sa iyak, maya maya ay narinig ko na ang
“I do” ni ken
Nangmarinig ko to hindi ko alam kung nabubuhay pa ako ng mga oras naiyon.. talagang napaka sakit para sa aken…
“you may kiss the bride”ang narinig kong muling sabi ng pari
Hindi ko na tiningnan pa ang pagsiil ni ken ng halik kay alexis baka mahimatay lang ako at mawalan ng ulirat, pigil ko rin ang mga luhang gusting dumaloy sa aking mga mata…mga luha ng sakit
Nangmatapos ang kasal di na ako sumama pa sa reseption hindi ko kakayaning Makita ang Masaya nilang pagdiriwang samantalang ako puno ng paghihinagpis ang puso
Umiwe ako ng bahay… pagdating ko dun… sinalubong agad ako ni mama
“oh anak kamusta ang kasal?”ang pamungad na tanung niya saken
Hindi ko na kinaya pa at talagang napayakap ako kay mama at nagiiyak , humagulgol ako sa balikat ni mama hindi, hindi ko na kasi kayang itago ang sakit…
“tahan na, anak”ang nasabi nalang saken ni mama
Dumaan ang mga araw na wala na akong balita kay ken, mga araw at buwan,,,
Halos magiisang taon naiyon at nasa office ako ng biglang may tumawag saken
“sir may tao hong naghahanap sa inyo”ang sabi ng secretary ko
“who is that?”ang pagtatanung ko
“mr kenneth gallatores raw ho”
Tila naman isang malaking bomba ang sumabog ng marinig ko ang pangalan ni ken
“what does he need?”ang tanung ko
“sir tungkol raw ko sa investment nila sa company naten”ang sagot ng secretary ko
“let him in”ang naisagot ko
Nangmakapasok si ken.. nakayuko lamang ako kunyare bising busy.. kailangan kong tandaan na kaya siya naruon ay dahil sa business
Tumayo ako para kunin ang papeles na nasa isang drawer box
“lets get to business”ang nasabi ko
Pabalik na sana ako sa table ko ng bigla akong niyakap ni ken
“namiss kita Jamie, mahal na mahal parin kita”ang sambit ni ken
“let go of me!”ang sigaw ko
Tila naman nag flashback ang lahat ng nangyare nuon.. ang sakit ang hirap ang lahat…
Di ko na namalayan lumuluha na pala ako… dumadaloy ang masaganang luha sa aking mga pisngi
Tinilak ko si ken palayo saken
“you’re here to talk about the business mr gallatores”ang sabi ko
Natahimik naman siya.. siguro ay napansin niya ang mga luha ko… pero wala akong pake kung napansin man niya o hindi… aaminin ko mahal ko pa siya… pero mali, may asawa na siya at ang alam ko buntis ito ngayon…
Natahimik nalang siya habang ako inaayos ko ang lahat ng papers na kailangan niya para makaalis na
Nangmatapos ko nangayusin ibinigay ko ito sa kanya at umalis na siya
Nangmakaalis siya dun muling dumaloy ang mga luha ko hindi ko mapigilan ang sarili kong lumuha at mabalikan ang lahat ng nangyare date
Sa loob ng ilang buwan napaka rameng nangyare…ako na ngayon ang namamahala ng isa sa company namen, ang ballatores industries…
Kaya lang naman nagkaron ng investment sila ken ay dahil narin kay mama at kay ate Tanya ewan ko ba pero parang talagang gusto nila na magkalapit kame ni ken…
Dumaan ang mga araw puro business at career ang inayos ko.. wala na akong oras para sa lovelife… wala naring oras para sa barkada… kahit pa tinatawagan ako ng bpc palagi ko nalang sinasabi ng sobrang bc ako…
Akala ko magiging ok na na ganto ang buhay ko.. yung habang buhay na single… na wala na akong iisipin pang iba kundi ang trabaho.. pero hindi pala
Isang araw habang nagiikot ako sa isang mall na pagmamayari ni lolo na pinapamahalaan ng isa sa mga pinsan ko
May isang lalake na biglang hinawakan at kwelyo ko at talagang parang laruan lang akong binitbit… kasama ko nuon ang secretary ko si jinky…
“nakowh!!”ang nasambit ni jinky
“ikaw!!.. kasangkot ka non noh!...”ang sambit saken ng lalake…
“kasangkot? Anung pinagsasabi mo?”ang sabi ko
“shop lifter ka rin noh?, nakita kong nilagay nung babae sa bag mo yung necklace…” ang sabi niya
“will you put me down! Asshole!”ang sigaw ko sa kanya
“hindi!! Ipapapulis kita”ang sabi niya
Hindi nga yata ako kilala ng siraulong to.. pero parang namumukhaan ko siya
“nakowh!! Mister!! Nagkakamali ka-“ang sabi ni jinky na hindi niya hinayaang magsalita
“hindi ako nagkakamali! Nakita ko!”ang sabi ng siraulo
“mister! Siya ho ang isa sa mayari ng mall naito!”ang sigaw ni jinky…
Pansin ko naman na talaga namutla ang itsura ni kumag…
Nang binaba niya ako.. talagang kumukulo na ang dugo ko
“jinky!! Naniningkit ang mata ko ilayo mo saken to!”ang sigaw ko
“eh pake ko naman kung naniningkit yang mata mo!”ang bulalas nito saken
Ang kapal rin ng mukha noh? Walang respeto, talagang sinapak ko siya…as in sakto sa mukha niya..
“ayun….tulog”ang sambit ni jinky
Nangmakarating kame sa office ng pinsan ko
“insan pasensya kana talaga dun sa nangyare kanina ah.. bago lang kase eh”ang pagbigay ng paumanhin ng pinsan ko sa nangyare
“ay nakowh insan!.. wala siyang modo!... wala siyang respeto!...”ang sabi ko naman habang inaabot ang ilang papeles
Mr ricardo Mercado ang pangalan nung kumag na bumitbit saken na parang laruan kanina… talagang naiinis parin ako pagnaaalala ko ang ginawa saken
Nang makalabas na kame sa parking lot… nandin dun si kumag…mukhang tinanggal sa trabaho bute nga…
Pinagmasdan ko siya habang inaayos ang motorbike niya..
“siya nga!”ang bulalas ko
“sino ?”ang tanung saken ni jinky
Siya yung lalakeng kamuntikan ko nangmabangga nung papunta ako sa kasal ni ken… hindi ko talaga makakalimutan ang itsura nung siraulong yun…
Napansin ni jinky na nakatingin ako sa kinaroroonan ni mr Ricardo ,
“oo siya nga yung bumitbit sayo kanina na parang stuff toy”ang sambit saken ni jinky
Tiningnan ko ng matalim si jinky “talagang ipaalala ba?”..
pasakay na sana kame ng sasakyan ng biglang may van na pumara sa harap mismo ng sasakyan namen…sabay naman ang paglabas ng mga lalakeng armado ng matataas na kalibre ng baril
Ang isa sa kanila ay agad na hinawakan at pilit akong pinapapasok sa van.. humingi ako ng tulong hanggang sa nakita kong maybiglang sumupa sa lalakeng nakahawak saken
Ang sunod kong narinig ay ilang mga putok ng bala ,ng wala na akong marinig na putok tiningnan ko na kung anung nangyayare.. tila karate guru kung humataw si mr Ricardo talagang bugbog sarado yung mga lalake… maya maya ay narinig ko na ang pagalis ng sasakyan
“ayos lang ho ba kayo?”ang pagtatanung nito saken
“si jinky?”ang tanung ko
“sir! Nandito ako!”nasa ilalim siya ng kotse…
Nangmalaman kong ok na si jinky
“magkano ang kailangan mong pera?”ang mataray kong tanung kay mr ricardo
Kumunot ang nuo niya sa narinig mula saken , muli kong inulit ang tanung
“magkano ang gusto mong ibayad ko sayo para sa pagkakaligtas mo samen?!”
Umiling nalang siya at sabay tumalikod
“hoy! Mister!.. tinatanung pa kita! …”ang sigaw ko sa kanya
“yan ba talaga ang mahalaga sa inyo? Pera?...sabagay ganyan naman kayong mayayaman eh kala nyo kaya nyong bilhin lahat”ang sigaw nito saken
Sumakay na ito sa motorbike niya sabay pinaharurot nito..umalis narin kame sa lugar naiyon
Sa bahay
Kinuwento ni jinky kay mama at papa ang lahat ng nangyare.. ang pagbitbit saken na parang stuff toy.. ang mga gusto kumidnap samen at ang pagtatanggol samen ni mr Ricardo ng walang kapalit
“bihira lang ang mga taong ganyan anak”ang sabi ni papa
“oo pa… mga taong walang modo”ang sabi ko
“hindi yon!.. yung mga taong tumutulong na walang kapalit”ang sabi ni papa
“mukang kailangan narin nateng kumuha ng body guard para sa iyo”ang sabi ni mama
“ha!.. ma hindi na po kailangan promice!!”ang sabi ko
“ahihihi… sige tita! Go!”ang sabi naman ni jinky na parang nangiinis pa..
“tama ka.. mukhang kailangan nanga,”ang pagsangayon naman ni papa
“pa naman!!.. ayoko ng ganun na maysumusunod sunod saken!”ang pagtutol ko
“anu nga ule palang pangalan ng lalakeng tumulong sa inyo kanina?”ang pagtatanung ni mama
“mr Ricardo Mercado ho tita”ang sagot ni jinky..
“cge na iho umakyat kana sa taas at marame kapang aayusin bukas hindi ba?”ang sabi ni papa
“kasi naman eh! Ayoko ng body guard pa!”ang pagmamaktol ko
“akyat na”utos saken ni papa
Padabog akong umakyat.. habang si jinky naman tila nangaasar pa…
“sandali iho may nakalimutan ka”ang sabi ni mama
lumapit ako sa kanila ni papa at nagbigay ako ng goodnyt kiss
hinampas ko na ng unan si jinky talagang nangaasar talaga yung tawa niya eh!
Kinabukasan
Talagang ginising pa ako ng maaga ni papa para lang sabihin na
“iho gising na pupuntahan naten ang ricardong iyon”ang sabi ni papa
“anu naman hong kailangan naten sa kanya papa?”ang pagtatanung ko
“siya ang magiging body guard mo”
Parang may bombang pumutok ng marinig ko ito galling kay papa… shet!! Ang siraulong,mokong at walang modo at wala ring respecting gagong yun??? Magiging body guard ko… parang gusto ko nang mangalansya!! Super!!
“IM NOT GOING!”ang madiin kong sabi kay papa
Pero wala rin akong nagawa.. ayun… nasa van ako habang sila papa at mama nagtatanung na kung saan nakatira si Ricardo Mercado
“tao po?”ang tanung ni papa
“anu ho yon?”ang sabi ng isang lalakeng nakasuot lang ng sando
“hinahanap namen si mr ricardo Mercado”ang sabi ni mama
“ako ho yon.. ano ho bang kailangan nyo?”ang masuyong sabi ni Ricardo
“ikaw ba iyon iho?... ako nga pala si mrs ballatores at ito naman ang aking asawa” at sabay turo nito kay papa
“mam?....ahmm ano ho bang aten?”ang tanung pa ni mokong!!
“nalaman kasi namen na natanggal ka sa trabaho, at nang araw rin nayon ay may sinagip kang tao?”ang sabi pa ni mama
“anak namen iyon iho..”ang pagdugtong pa ni papa
“ahh yon ho ba?.. date ho kasi akong kasama sa militar kaya hanggang ngayon ay nasa dugo ko parin ho ang pagsagip ng buhay ng iba”
“iho maari kabang lumabas jan?”ang sabi ni papa
Parang gusto kong isigaw… AYOKONG MAKITA YANG SIRAULO NYONG KAUSAP.. pero syempre super kakahiya naman teritoryo ni mokong yun eh…
So yun na nga lumabas na ako ng van… kasama si jinky..
“hi”pagbati ko..
“hi..”pagbati rin niya sabay ngiti…gusto ko sanang ihampas yung bag na maylamang loptap na hawak ni jinky sa kanya eh
Biruin nyo?? Smile pa eh samantalang ako ayokong Makita ang pagmumuka niya…
“naririto kame iho upang pakiusapan kang maging official na body guard nitong si Jamie”ang sabi ni mama kay Ricardo
“lampa kasi”ang narinig kong bulong ni jinky…
Kinurot ko naman siya sa tagaliran..
“ouch! Anu ba !! it hurts!...”ang malanding sabi ni jinky’
Pansin ko ah!.. kanina pa na mumungay ang mata ni jinky ay Ricardo… as if naman noh!!... pero imperness… may itsura rin kasi talaga itong si Ricardo…. Matangkad… machong macho lalo na ngayon na nakasando lang siya… at talagang Moreno…
“kinagagalak ko hong magtrabaho para sainyo”ang sabi ni Ricardo…
So yun.. simula ng day nayun… official body guard ko na si mokong
One day nga… pupunta ako ng office.. as in ng day naun ayoko ng mayiba akong kasama…
So sumakay na ako ng kotse ko… iistart ko na sana ang kotse…
“seniorito seniorito”ang pagtawag saken ni mokong at sabay pagharang sa daraanan ng kotse ko
“anu bang kailangan mo!”ang mataray kong sagot
“sabi ho kasi ng papa ninyo samahan ko kayo kahit san man kayo magpunta”ang sabi nito
“kung pupunta ako sa impyerno sasama ka?!”
“seniorito naman”
“umalis ka jan sasagasaan kita!...”paaandarin ko na sana ang kotse ng biglang lumabas si papa
“jamie!”pagtawag nito saken
“pa?”
“sir oh.. ayaw akong isama…”pagsusumbong ni mokong… sa time na to gusto ko na talaga siyang sagasaan ng kotse…
“Jamie…”muling pagtawag ni papa sa pangalan ko…
Lumabas ako ng kotse at sabay binato sa kanya ang susi..
“marunong kang magmaneho?”pagtatanung ko
“oho”ang pagsagot nito
So yun kasama ko siya , siya ang nagmaneho… ang gusto ko talaga ng time nayun ay yung ako lang basta maging tahimik lang muna ang paligid ko
Pero binasag ni mokong ang katahimikan…habang nagdadrive.. sipol ba naman ng sipol… nakakarindi!!
“di ka titigil??.nananadya ka eh!”
“nakowh hindi ho seniorito ah…”sabay ngisi nito saken
Hanggang sa matapos ang buong byahe nagsisipol parin tong loko lokong to…
“halika rito!...”tawag ko sa kanya
“anu ho yon?”ang tanung niya saken
“yan! Dahil mapilit kang sumama saken.. dalhin mo to lahat…”at isa isa ko nangnilabas lahat ng gamit na nasa likod ng kotse
At nangmatapos na
“yan!! Tara na!!!”ang sabi ko
“sandali lang ho seniorito… “ang sabi niyang hindi magkanda ugaga sa pagdala ng mga gamit ko
“kaya mo yan!”ang sabi ko sa kanya
Nang makarating kames a opisina ko..
“ibaba mo lang yan jan..”
Binaba naman nya, nangmaibaba niya nakatunganga na sa at nakatingin saken…
“oh? Anung ginagawa mo jan??.. dun ka sa labas at lahat ng papasok dito bago pumasok kapkapan mo muna!”ang utos ko sa kanya
“lahat?”ang tanung ni mokong
“oo!! Lahat!”
“ok.”
At lumabas na si mokong
Sa labas…
“good morning jinky”ang pagbati ni ken kay jinky
“nanjan ba si ser Jamie mo sa loob?”ang tanung nito
“oho”ang pagsagot ni jinky
Papasok n asana si ken ng biglang
“ops ops ser”
“jinky sino to?”ang pagtatanung ni ken kay jinky
“ahh body guard ho ni ser Jamie”ang pagsagot ni jinky
“body guard lang palang eh”
Papasok na sana sa office ko si ken ng biglang humarang parin si Ricardo
“ser pasensya na ho.. pero utos ni seniorito eh… kapkapan ko raw ho lahat ng papasok”
“kilala mo ba kung sinu ako? May position ako sa companyang to”ang sabi ni ken
“utos lang ho ser eh… kung ayaw nyo hong pakapkap di ko rin ho kayo papapasukin”
demanding si mokong no?
“no kapkap… no pasok”ang pagdugtong pa ni Ricardo
“wala palang modo ito eh, jinky tawagan mo nga si Jamie sa loob”ang utos ni ken
“cge ho ser”ang pagsunod ni jinky
“yes?”ang pagsagot ko
“Jamie, labas ka muna.”
At tumayo na ako
Pangkalabas ko
“anung nangyayare dito?”ang pagtatanung ko
“ito ho kasi seniorito eh…ayaw pa kapkap.. e diba utos nyo saken… lahat ng papasok kailangan kapkapan..”ang sabi ni mokong
Di ko talaga alam kung hahampasin ko pa ng pinto.. o bangko tong siraulong to eh ,,,
“executive yan… !! may position yan dito sa companya!”ang pasigaw kong sabi sa kanya
“eh seniorito sabi nyo lahat diba?”
Pilosopo talaga!!
“ken pasok na nga!!” talagang super sasabog na ang utak ko!!!!
(to be continued)
Tol ang ganda ng kwento mo... sana maupdate mona siya! thanks so much('',)
ReplyDeleteui wala pa po bang update ng Love Circle ganda po ng story ee :)
ReplyDelete