Followers

Thursday, February 9, 2012

angel of mine (19)

Rj bulabos

“babe, naghihintay lang ako lage dito, hinding hindi kita iiwan , mahal na mahal kita chris”

Yan ang mga kataga na sinambit ko ng araw na yon

Nasa ganuon akong kalagayan ng biglang may boses na tumawag saken

“iho” sambit nito

Nang tuluyan kong lingunin ito, nakita ko ang mama ni chris, nakangiti ito saken

May ilang mga luha na nasa gilid ng kanyang mata

Sa paglingon ko ring iyon agad niya akong niyakap

“wala nga akong sapat na kaalaman sa mga tulad ninyo, pero sapat na sa ngayon ang nalaman ko,” sambit niya at sabay ng pagbitaw sa pagkayakap saken

Hinarap niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita

“walang matigas at koncretong batas ang pagibig, kailan man hindi nararapat kwestyonin ang dalawang taong nagmamahalan,

At ang pagibig ay hindi kwestyon ng kasarian, ang tunay na tanong lang rito ay kung gaano nyo talaga kamahal ang isat isa” sambit niya na tuluyan nang lumuha

“patawarin mo ko iho,” sambit niya saken

Niyakap niya ko at muli siyang humagolgol sa aking balikat

Nang magbitaw kame ng yakap, isang napakatamis na ngiti ang namagitan sameng dalawa

“patawad rin po tita, napagsalitaan ko kayo nuon” sambit ko

Nasa kalagitnaan kame ng pagaayos ng biglang tumunog ang isang instrumento na nakakabit mismo kay chris

Nataranta kame ni tita , agad kameng tumawag ng doctor

Mabilis namang kumilos ang doctor at ilang nurse,

Ang kanina lang na ngiti sa aming mga mukha ay napalitan ng buong takot, takot sa kung ano mang maaaring mangyare

Nasa gilid kame ng kwartong yon ng patakbong lumapit narin samen sila emee, ang papa ni chris at si jenz…

“anong nangyare?” tanong ng papa ni chris

Pero ni isa man samen ay walang sumagot, pigil hiningang hinihintay ang sasambitin ng doctor

Ilan pang minuto nakita na namen na naglabas pa ng isang instrumento ang doctor, nilagyan ng parang isang gel,

At tsaka sinabing

“CLEAR!”

At ang sunod naming nakita ay ang pagsunod ng katawan ni chris sa instrumentong iyon

Nang makita iyon ni tita duon na siya lubusang nawala sa sarili , hindi kinakaya ng kanyang damdamin na makita ang sariling anak sa ganuong kalagayan

Ako naman sa mga oras nayon. Hindi ko alam kung nasa katawan ko pa ang kaluluwa ko hindi ko alm kung nahinga paba ako, kung buhay pa rin ba ko, ramdam ko ang masaganang pagtulo ng luha saking , yon lang ang tangi kong nararamdaman ng mga oras na yon

Ilang pang beses na ginawa yon ng doctor kay chris, pero sa huli,

Humarap ito samen

At muling humarap sa nurse

“time of death 7:30 pm” sambit ng doctor

Hawak ako ni emee sa braso, unti unting lumakad ang paa ko tungo sa katawan ni chris,…

Christian ballatores

“anong ayaw mo?”

“ayoko nang bumalik don, puro nalang pasakit, puro nalang hirap , ayoko na!” matigas kong sambit sa nagbabantay

Tahimik

“Christian, ano ang buhay kung puro nalang ito kaligayahan?, pano kang matututo sa iyong pagkakamali kung hindi ka parurusahan?. At higit sa lahat, pano mong masasabing maligaya ka, kung di mo mararanasan ang lungkot?”

“christian, kaakibat ng kasiyahan ang lungkot, ng hirap ang sarap, sa bawat paghihirap o problema man na daraan ay may iiwan itong isang aral na maaari mong dalhin sa buong buhay mo”

Naglakad tungo sa isang lugar ang lalakeng iyon, sumunod ako,

Tumingala siya at hinipo ang hangin

Unti unti, namulat sa akin ang luha ng taong mahal ko, yakap yakap ang sarili kong katawan , hindi ko alam kung saan pero nang makita ko ito lubusan akong nahabag sa sarili ko

Napakamakasarili ko,

Inisip ko lang ang sarili kong kapakanan, at hindi ko na naisip pa ang mga taong nagmamahal saken ng tunay

Humarap ako sa lalakeng iyon

“ibalik mo na ko ngayon ayokong nakikitang ganyan sir j , and taong mahal ko” sambit ko

“huli na chris” sambit nito

Nang marinig ko sa kanya ito tuluyang tumulo ang mga luha ko…

Rj bulabos

Unti unti akong lumapit sa katawan ni chris non, unti unti ring bumibigat ang aking paghinga, at ang kaninang luha ay domoble pa,

‘bat mo ko iniwan chris, nangako ka, walang iwanan diba’ mga katagang umiikot sa aking isipan

Nang tuluyan na kong nakalapit sa kanya

“babe, nangako ka diba, sabe mo hindi mo ko iiwan, magkasama tayo sa hirap at ginhawa, bakit ganto?... babe please wag mo kong iwan…” sambit ko at niyakap ko ang kanyang katawan

Nang yakapin ko ang kanyang katawan, tila sobrang init nito, na pinagtataka naman ng aking isipan,

“chris?” sambit ko

“chris gumising ka!,,, Chris!” pagtawag ko habang tuluyan akong humahagulgol

Hinawakan ako ng ilang lalakeng nurse na nanduon at inilalayo ako sa katawan ni chris, pero mas malakas ako ng mga oras na yon. Hindi ako magpapatinag

Christian balatores

“parang awa mo na, ibalik mo ko, nagkamali ako, hindi ko pinahalagahan ang buhay, isang bagay na meron ako, parang awa mo na., alam ko na ang pagkakamali ko, ibalik mo na ko” pagsusumamo ko

Pero tila bingi siya sa aking mga salita

Patuloy na dumadaloy ang luha ko…

Rj bulabos

Nasa kalagitnaan ako ng pagpiglas nang

“si chris” sambit ni emee ng nakatutok ang mata sa katawan ni chris

Nang tingnan ko ito, pansin at kitang kita ang masaganang luha na dumadaloy mismo sa mata nito

Agad na kumilos ang doctor

“kunan nyo ng pulse,” utos ng doctor

“doc walang pulse” sambit ng nurse

“paanong nangyare yon?.. mainit ang katawan niya” sambit ng doctor na talagang takang taka

Nagging tahimik ang buong kwarto

Christian ballatores

Nasa gitna ako ng paghagulgol ng

“ngayon, sambitin mo ang iyong natutunan” sambit ng lalake

“ang buhay ay isang bagay na hindi dapat sinasayang, tunay ngang mayroong dumarating na mabibigat na problema pero ang mahalaga rito ay ang kakayahan mong lagpasan ang bawat pasakit at hirap sa piling ng mga taong mahal na mahal mo” sambit ko

Ngumiti saken ang lalake

Bumalik kana

Hinagkan niya ko at napuno ng liwanag ang buong paligid

Rj bulabos

“keep on checking” sambit ng doctor

Lahat kame ay nakatanga at naghihintay

Ilan pang Segundo

“doc pulse ratings, vital signs stable” sambit ng nurse

Napatanga ang lahat, tulala sa nangyare milagro

“this is amazing” sambit ng doctor

“a miracle” dagdag pa nito

Unti unti akong lumapit kay Christian

Niyakap ko siya

“mahal na mahal kita chris” sambit ko habang yakap yakap ko siya

“rj” sambit ng boses ng mahal ko

“chris!!” sambit ko at niyakap ko pa siya ng pagkahigpit higpit

“oh sandale,,,aray,,, baka naman mapabalik ako niyan sa langit sa higpit ng yakap mo” sambit nito saken ng nakangisi

“namiss na kita , mahal na mahal kita chris”

“mahal na mahal rin kita”

“anak?” sambit ni tita Hannah

“ma, its not a question of a gender, it’s a simple question of true love” sambit ni chris

“alam ko anak , alam ko, patawarin mo si mama” sambit ni tita at hinawakan ang kamay ni chris

Kahit na anong masamang nangyare sa nakaraan, patuloy paren ang buhay,


(the end)