Followers

Tuesday, September 28, 2010

love circle (part 2)

blog:senioritoaguas.blogspot.com

pa follow narin po
-----------------
When we reach my class room everyone in the room was looking to us…by this time namumula ako

“ahmm thank you ah”pag papasalamat ko

“wala yun, cge ah may pupuntahan pa kase ako eh bye” pag papaalam niya

Pero nabigla ako nung bago siya umalis hinalikan niya ang pisngi ko, hindi ko maintindihan pero may kuryenteng dulot saken ang halik niyang yon parang lumulutang ako sa kakiligan ng mga oras nayon… at alimpungatan ko nalang na patalikod na siya at paalis … nung nakaalis siya di ko napigilan ang sarili kong ngumiti ….

“ay sus!... kinikilig si inday!” pagpansin ni ate selly

Sabay tawanan ng mga tao na nasa loob ng room

“teka nga! Kayo naba?”

Tiningnan ko ang taong nag tanung nito at nung nakita ko si mark,
Si mark ang pinaka mataas ang position sa aming grupo halos siya ang nagbuo at nagpapatatag ng grupong BPC , bi si kuya mark at siya ang pinaka mataas na nirerespeto ng buong campus bukod sa king ang queen ng 4th year highschool meaning 2nd siya sa pinakamataas

“oi kuya hindi po!!...”

“eh bakit parang kinikilig ka jan?”sabad ni selly

“eh kasi ano…eh … kasi naman ih!”

“ocge change naten ang tanung, nililigawan kaba ng lalakeng yon??”pagtatanung muli ni kuya

“ewan ko… wala naman siyang sinasabi ih”

“ay nakowh! Obvious naman na oo ih! Kitam hinatid pa talaga siya ditto sa room at may good bye kiss pa” sabad ni nicko

Super hiyang hiya na ko nito dame kayang nakikinig sa likuran at nag tatawanan pa na parang mas kilig na kilig sila saken

“tama na nga! Ayoko na! kuya mark promice po wala talaga”

“ocge ganto nalang bunso…kapag yan niligawan ka sabihin mo agad samen ah at kame ang baback up”

Ganyan sila kahit nga nung si ate sara ang nag ka boyfriend super support sila kaya nga hanggang ngayon si ate sara parin at kuya max, lalo pang tumitibay ang pag sasama nila napasama narin si kuya max sa barkada namen dahil kay at sara tuwing may problema sila mabilis na naaayos di lang dahil sa pag tulong namen dahil rin sa pag mamahalan nila

So nag simula ang buong class from 9am ,nung nag 1st recess 12nn kinuha ko ang money ko sa bag at nag retouch ng konte nakakahiya naman kung lalabas ako ng room na super haggard then palabas na sana ako ng Makita ko si ken na nasa labas ng room namen parang may hinihintay so lumabas ako at nilapitan siya

“sinu naman bayang hinihintay mo?”pagtatanung ko

“samakas lumabas Karin tara na”

“ha??”

“tara na kain na tayo , nagugutom na ko ih tagal mo lumabas ng room nyo”

“ano?? Teka ako ba ang hinihintay mo?

“oo”

Gulong gulo ako ng time na to dameng katanungan ang nasa utak ko

“eh bakit mo ko hinihintay?”

“kasi gusto kitang kasabay tara na nga kasi maya kana mag tanung”

Hinila na niya ako that time mag ka hawak ang kamay namen so kahit papanu may kuryenteng dala iyon para saken kaya napangiti nanaman ako

Ganun ang itsura namen ng makarating kame ng canteen magkaholding hands kame , ito pa ang nakakatakot nung umupo kame sa table namen nakita ko ang buong barkada ko at umupo silang lahat sa kabilang table lang namen so as in super matyag sila saken

“kain kana”

“ah oo cge”

Tahimik

“ahmm ken pwde mag tanung?”pag basag ko sa katahimikan

“cge lang anu un??”

“bakit mo to ginagawa?”

“ang alin?”

“ito ang paghintay saken at dala ng gamit ko kanina pag kiss sa cheeks ko pag sama saken sa recess … kasi ken kung para sayo wala tong malisya saken meron ih”

Natawa pa siya nung sinabi ko to

“ken! Ano ba??!”

“gusto kita, I like you”

“huh?” nagulat ako ng oras nato pero kahit kaunti lamang ang mga salitang kanyang sinambit para itong musica sa aking pandinig

“sabi ko I like you, simula pa nung mkita kita dun sa party may special something na agad akong naramdaman para sayo”

Hindi ko alam ang sasabihin ko ng time nato super speechless!!sinu ba nmang hindi noh first time na mangyare sa life ko to

“like mo rin ba ako??”

“ewan ko”

“huh? Anu bayang sagot nayan”

“kasi naman ih! Biglaan ka kaya!”

“ahh ganun ba sorry hehe, pero walang joke may special Karin bang nararamdaman saken?”

“cguro”

“so like mo rin ako?”

“oo?”

Kinuha niya ang kamay ko di niya alin tana ang tao sa paligid at sinabi niyang

“sana maging akin kana”

Nung sinabi niya to saktong nag ring ang bell

“oops nag ring na ang bell sige ah balik na ko dun sa room”

“hatid na kita”

Sabay sinundan niya na ako, nung nakarating na kame sa room hinalikan niya muli ang aking mga pisngi at binulungan niya ako

“akin kana I love you”

Super kuryente ang naramdaman ko sa buo kong katawan so pumasok ako ng room ko na super nakatulala hanggang sa umalis na si ken nakatulala parin ako dumating ang teacher namen ng chemistry at nahalata ni mam na nakatulala ako

“mr ballisteros? Is there something wrong??”

Di ko napansin ang pag tawag niya sa pangalan ko

“MR BALLISTEROS!”

“yes mam??”pag kabigla ko

“are you ok?? Kanina kapa nakatulala jan”

“ahmm sorry mam…” sabay tumingin ako sa kina roroonan nila kuya mark nag tatawanan sila ni ate selly

So natapos ang lahat ng classes sa oras na 7pm nag retouch ako at inayos ang mga gamit ko

“oy Jamie!” si ate selly

“yes ate??”

“sama kaba?punta muna kame ng mcdo”

“cge po”

“ahmm excuse me lang noh… kasi may nag hihintay kay Jamie dun sa labas eh”si kuya nicko

“huh? Sinu kuya?”

“eh sinu paba e d ang boyfriend mo” sabay turo kay ken na nasa harap ng pinto at nakatingin samen alam ko narinig niya ang sinabi ni kuya nicko kaya kumaway siya at nag smile

“imperness kinakarir niya pagiging bf niya” sabay tawanan sila ng malakas ni ate selly

“oh anu na? sasama kapaba samen?”

Di ko na sinagot ang tanung ni ate iniwan ko muna ang bag ko sa loob ng room at pinuntahan ko si ken

“oh ken? Bat ka nandito?”

“syempre sinusundo ko ang babe ko”

“sinung babe mo?”

“ikaw” sabay halik sa pisngi ko

“Alam mo pansin ko kanina kappa halik ng halik sa pisngi ko”

“ocge mamaya sa lips naman ahihihi”

“sira!...”

Naputol ang paguusap namen ni ken ng lumapit si ate selly

“ikaw si ken diba?”

“ako nga po”

“kasi itong si Jamie sasama samen sa mcdo at kame ay maggagala so kung gusto mong makasama to kailangan sumama kanarin samen”

“cge po”matipid niyang sagot

“oh yun naman pala walang problema tara na” sabad ni kuya nicko

Biglang nag ring ang cp ni ate selly si kuya mark tumatawag

“asan naba kayo?”

“ditto pa kame sa room pababa na kame jan sa grounds wait lang and may sasama nga pala saten yung boyfriend ni Jamie”

“ate naman! Wala pa noh”pag kontra ko

“malapit na…” bulong ni ken

“ano daw!? Narinig ko yun ah!... XD”sabay tawa ni kuya nicko

Nakababa kame ng grounds at saktong nandun na nga ang buong barkada so una nag hi muna sila kay ken at syempre pa casual lamang ang pansinan nila kay ken kasi bago pangalang pero nung nag tagal super kinukulit na nila

“so ken.. anu nabang level niyong dalawa ni Jamie?” pag tatanung ni ate sara

“ewan ko nga rin jan ih”sagot ni ken

Di na nahihiya si ken namakihalubilo magaling makisama si ken sa mga tao sa paligid niya

“teka lang ah… ikaw ba ken mahal mo talaga tong bunso namen?”

“syempre naman po kung hindi ko ba mahal yan mag eeffort ba akong gawin lahat ng ginawa ko kanina pang umaga”

“may point siya”sabi ni kuya mark

“eh ikaw ba Jamie do you love him?”

“itsusera para tayong mga padre kulang nalang mag sabi ng I DO itong dalawa ih”sabad ni ate selly sabay tawanan ang lahat

“well kuya mark kung ranking from 1-10 ang love ko para sa kanya ay nasa 7 na”
Sabay palakpakan silang lahat

Masaya ang gabing yon kahit late narin kameng nakauwe

“hatid na kita?” pagtatanung ni ken

“ok lang ba? Wala kasi yung driver ko ih”

“ok lang tara na sakay na”

So hinatid nga niya ako sa bahay …. Pag uwe ko ng bahay nandun sila lolo so nakita nila si ken ,parang ang sama ng mata ni lolo kay ken, nun pagkaalis ni ken

“san ka galling bat ngayon kalang??”

“nag kayayaan po kase ang barkada lo…”

“diba sinabi ko sayo nalayuan mo na sila”

“lo sila nalang po yung nag bibigay saya saken please naman po”

“cge na umakyat kana sa kwarto mo magpahinga kana”

“cge po lo good nyt po”

“good morning iho”

“ha??... “tiningnan ko ang risk watch ko 12:30 am na nga

“sorry po lo,, hehe,,, good morning lo”

At paakyat na nga ako ng kwarto

“at oo nga pala iho tumawag ang mama mo”

“ano daw pong kailangan?”

“uuwe nasila dito ng dad mo sa December”

“talaga po? Tapos na raw ho ba lahat ng kailangan nilang asikasuhin dun?”

“oo kaya kung ako sayo ayusin mo na ang dapat mong ayusin para sa pagdating nila”

“cge po lo…”

“at oo nga pala baka bukas gantong oras ka nanaman umuwe ha?”

“hindi na po lo”

Umakyat na ako ng room ko… nagbihis ako pagkatapos kong magbihis nag ring ang phone ko… si kuya mark

“hello?”

“bunso?? Nakauwe kanaba ??”

“opo kuya wait lang po ah may tao pa sa other line”

Ni loud speaker ko ang phone ko para sabay ko silang makausap

“oi Jamie!”

“yes ate selly?”

“imperness ah sarap ngang kausap nung boyfriend mo”

“pst! Selly”

“kuya mark??”

“oo ako to , anyway bunso kalian mo ba sasagutin yung mokong nayun?”

“di pa po ako sure kuya”

“pero sabi mo kanina love mo?”sabad ni ate selly

“oo nga po pero if ever first time ko lang pong mag kakarun ng karelation”

“ok lang yan bunso super support kame sayo kaya mu yan!”

“kuya ang plan ko po kasi I test muna siya titingnan ko kung ganu siya kadaleng magsawa”

“ahhh! So ang gagawin mo magpapaligaw ka pero patatagalin mo??” pag aanalisa ni ate selly

“ganun na nga po ate”

“well good luck bunso maganda rin yang plan mo ih para malaman mo kung ganu siya katagal anyway bunso super good luck kaya mu yan!”

“cge bunso kaya mu yan at akoy matutulog na , cge kuya mark akoy matutulog na”

“ako rin ay matutulog na bunso, ikaw rin bunso ha matulog na! may pasok pa bukas”


At binaba na nila ang phone at syempre natulog narin ako
(to be continued)

No comments:

Post a Comment