Followers

Wednesday, October 13, 2010

the more you hate the more you love

Isang maganda at masigabong araw sa lahat ng readers!!!
Ang sarap gumawa ng fairytale story ngayon noh?? Pasensya na sa mga pangalang nadawit sa storyang to.. sana di nila ito mabasa hahahha

This is el seniorito agua saying

…sometimes ang galit ay simbulo rin ng pagibig, may mga tao talaga dito sa ating mundo na hindi kayang ipakita ang tunay na sinisigaw ng damdamin, kaya imbis na ipakitang mahal nito ang isang tao, ay kabaliktaran ang pinapakita … sabi nga nila, the more you hate ,the more you love
-------------------

Si christian ay isang normal na studyante lamang na tulad ng iba ,may utak ,may alam, mataas ang tingin ng iba at nirerespeto narin…

Nagaaral si Christian sa isang pampublikong paaralan sa kanilang lugar highschool level na siya nuong maramdaman ang tunay na tinitibok at ginugusto ng kanyang puso… agad namang natanggap ito ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya

Sa eskwelahan naman ayos naman ang lahat pwera lang sa isa niyang kaklase

“sarji!!! Leche ka!!! Siraulo!”ang pasigaw niyang sabi sabay nang pagbato ng notebook

“panget!! Baboy!!!”ang ganting sigaw rin sa kanya

Si sarji ay isa sa mga matagal nang kaklase si Christian… may utak, tataas ang mga grado kung magsisipag at di narin siguro maikakaila ang taglay nitong kacutan

*Paglalahad ng nakaraan*

First year highschool palang ay magkaklase na sila…unang pasukan ay tila walang pansinan nagkakapaan sa isat isa

Tahimik

“hi ako nga pala si sarji”pagbati sa kanya at pagbasag narin sa katahimikang namumutawi sa kanilang dalawa

“Christian”ang tugon niya rito sabay abot ng kamay

Nang magpang-abot na ang kanilang mga kamay ay alam na nilang kahit papano ay magkakasundo sila… yun ang alam nila

Lumipas ang ilang mga araw at unti unti nang lumalabas ang katauhan nito… sweet kung minsan , makulet (sobra) at madaldal, na siya rin namang ugali ni Christian

Hanggang sa mag second year highschool sila ay magkaklase at magkatabe parin sa upuan, talagang nagging malapit sila sa isat isa magkasama tuwing sa breaktime at magkakulitan tuwing walang guro… at palaging nagdadamayan sa mga problema …

*Pagbalik sa kasalukuyan*

“oi! May assignment ka sa science?”pagtatanung ni sarji pagkatapos kumalabit sa balikat ni Christian

“oo meron at sure ako wala ka nanaman, asa kang pakopyahin kita”sabay belat nito kay sarji

“to naman parang wala tayong pinagsamahan niyan”

“meron ba?”sabay ngisi ni Christian

“dali na pacopya na!”

At syempre di rin naman matitiis ni Christian ang kanyang kaibigan kaya ibibigay narin niya rito ang assignment , maya maya ay seryoso na si sarji sa pagkopya
Pagkatapos kopyahin ay ibabalik na ito ni sarji sa loob ng bag ni Christian at magsisimula nang tumunganga…

Pagdating ng recess or breaktime magkasabay silang bababa at bibili ng pagkain sa canteen magkasabay kakain at makikipagkulitan sa iba pang mga kaklase

Ganyan ang almost everyday routine nila… pwera nalang ng dumating na sa pagkakaibigan nila ang isang babaeng nagpatibok ng puso ni sarji… isa narin sa mga kaibigan ni Christian si jona,

Si jona ang isa mga kaibigan naring maituturing ni Christian, nagging kaklase na nila ito ng tumuntong na sila ng third year highschool

“kilala mo yun?”pagtatanung ni sarji sabay turo kay jona na kasalukuyang nasa canteen

“oo ,si jona, bakit?”ang sagot at pagbalik na tanung narin ni Christian

“tinamaan yata ako sa kanya eh”ang sabi ni sarji

Nangmarinig ito ni Christian siya namang pagtaas ng kilay niya, di niya rin maintindihan ang nararamdamn pero tila naiinis siya sa kanyang narinig mula kay sarji

“anung tingin nanaman yan?”ang sabi ni sarji

“kung nakakamatay lang ang pagtingin baka namatay na ako ngayon”ang dugtong pa nito

“sira ulo!”ang sabi naman ni Christian

Nangmarinig ito ni sarji sabay naman itong tumawa

Nagwalkout si Christian dahil narin sa inis, ngunit hinabol siya ni sarji

“teka nga! Bakit ba biglang nag-init yang ulo mo?”ang tanung ni sarji

“wala kang pake! Leche ka!”ang sabi muli ni Christian

“nagseselos kaba dun kay jona?”ang mabilis na tanung ni sarji

“ulul!... ako magseselos??? Over my dead and sexy body…!”ang mabilis na sagot ni Christian

At iniwan na nga ni Christian si sarji sa harap ng canteen,

Papunta na si Christian sa classroom ng madaanan niya ang isa sa mga kaibigan niya..
Si annie, at si abbygail

“oh! Bakit nakabusangol nanaman yang mukha mo”ang sabi ni abbygail sa kanya

“ha?... mukha bang nakabusangol…”inayos ni Christian ang sarili at nagbigay ng isang pilit na ngiti

“yan ok na”ang sabi nito kay abbygail

“may problem sure ako ,,,,halika nga dito sa classroom”at sabay ng hatak ni annie kay Christian

“anung problem?”ang pagtatanung nito kay Christian ng makapasok na sa loob ng room

“di ko alam bat ako naiinis eh wala naman ako sa lugar para mainis!!”ang sabi ni Christian

“cge ikwento mo lang lahat”ang sabi ni abbygail

Nuon paman nagging hingahan na ni Christian si annie at si abbygail ng ibat ibang problema at mga secreto, ganuon rin naman si Christian sa buhay ni annie at abbygail…
Kinuwento ni Christian ang lahat ng nangyare sa canteen kanina

“INLOVE KANA SA KANYA!”ang bulalas ni annie

“impossible”ang pagkontra naman ni Christian

“possible”ang pagkontra ni abbygail kay Christian

“kasi ang nangyayare ngayon?, nagseselos ka kasi maynagustuhan siyang ibang babae”pagpapatuloy ni abbygail

“tama!”ang pagsangayon ni annie

“that’s not true!!.. I really hate him!!... pek syet siya!”pagkontra ni Christian

Maya maya pa ay nagring na ang bell simbulo na tapos na ang recess …isa isa nang nagakyatan ang ibat ibang studyante at pumunta sa kani-kanilang mga classroom
Si Christian naman nanatiling nakaupo na lamang siya sa kanyang upuan habang hinihintay na magakyatan ang iba pang mgakaklase,, di nagtagal umakyat na nga ang iba pa niyang kaklase kabilang na dito si sarji

“huy”sabay tapik sa kanya ni sarji

“bat kaba nagagalit?!”sabi nito

Di nalang umiimik si Christian kinuha ang notebook at nagsimulang magbasa ng ilang mga lessons, dahil narin sa inis ni sarji bigla niyang hinablot ang notebook at sinabing

“itatapon ko to”pananakot nito kay Christian

“give it back!”ang sigaw ni Christian

“makipag-usap ka muna saken ng matino!”ang sabi nito

“anu ba kasing kailangan nateng pagusapan!! Leche nagpapaepal ka nanaman ah”ang inis na sabi ni Christian

“bat kaba nagagalit saken?”muling tanung ni sarji

“sino ba kasing nagsabing galit ako!!..akin nayan!”

Sa panahon naito pinipilit ni Christian na maabot ang notebook na kinuha sa kanya ni sarji…tuwang tuwa naman si sarji na halos magkadikit na ang kanilang mga katawan dahil sa mga nangyayare

“oh ayan na”sabay lapag ng notebook sa lamesa ni Christian

Nangmailapag naito kinuha ito ni Christian at muling binuklat

“bate na tayo ah!?”ang sabi ni sarji

Tahimik…

“my love so sweet ,kapagkasama ka anung ligaya itong nadarama”ang simula ng pagkanta ni sarji

“habang buhay nilalaman ng pus-“ang pagpapatuloy niya na pinutol naman ni Christian

“kahit kailan ka talaga,,!!!”ang sabi ni Christian

“di mo narin ako matitiis pagkinanta ko sayo tong kantang to eh”sabi sarji

“habang buhay nilalaman ng puso kong ito, asahan mong ikaw ang tru-“

“itigil mo na!! baka bumagyo pa”ang pagpigil sa kanya ni christian

“hindi kana galit ah??”muling tanung ni sarji

“hindi naman ako galit eh”ang mahinahon na sabi ni Christian

“eh bat ka nagwalkout kanina sa canteen?”ang muling tanong ni sarji

“kasi gusto ko”sabay belat nito

“andaya mo talaga iniwan mo ko!”ang sabi ni sarji at sabay ng paggulo ng buhok ni Christian

Maya maya pa ay dumating na ang kanilang guro at nagsimula na ang pang apat na period
Nangmaguwian, katulad ng date sabay parin sila habang nasa taxi tila naman pagod na pagod ni christian….

Maya maya ay tumugtog ang isang kanta na talagang matagal nang nagdudugtong sa kanilang dalawa ni sarji

My love so sweet kapag kasama ka
anong ligaya tong nadarama
my love so sweet pangako sa iyo
ikaw lang iibigin ko
Habangbuhay nilalaman ng puso kong ito
asahan mong ikaw ang ‘true love’ ko
piliting iwaglit ang lahat ng pagkukulang
ikaw na ang buhay ko

[Chorus]

Di ko akala na tayo’y magkatuluyan
Sa dami ng ating pinag awayan
Hindi na sana tayo magpapansinan
salamat tayo’y nagkaayusan…
my love so sweet kapag kasama ka
anong ligaya tong nadarama
my love so sweet pangako sa iyo
ikaw lang iibigin ko
habangbuhay nilalaman ng puso kong ito
asahan mong ikaw ang ‘true love’ ko
piliting iwaglit ang lahat ng pagkukulang
ikaw na ang buhay ko
Repeat Chorus
habangbuhay nilalaman ng puso kong ito
asahan mong ikaw ang ‘true love’ ko
piliting iwaglit ang lahat ng pagkukulang
ikaw na ang buhay ko

… nuon paman ang kantang ito na ang palaging nagaayos sa lahat ng problemang dumarating sa kanilang dalawa

Lumipas ang ilang mga araw na ganuon parin ang pakikitungo nila sa isat isa ,pansin rin naman ito ng iba pero di sila nagbibigay ng iba pang malisya tungkol ditto batid nilang matalik nang magkakaibigan sina Christian at sarji

Pagdating sa bahay, agad na tinumbok ni christian ang kanyang kwarto ,nagpalit ng damit at nahiga.. maya maya ay nag ring ang cellphone niya

“hello!!”ang sambit ni sarji sa kabilang linya

“bakit ka napa tawag?”ang tanung ni Christian

“wala lang trip ko”ang pagsagot nito

“kumain kana?”ang tanung ni sarji

“di pa inaantok ako eh”ang sagot ni Christian

“ay ganun? Cge tulog ka muna”at sabay ng pagbaba ng telelphono
At sa gabing iyon nga ay natulog na silang dalawa…

Kinabukasan nagising si Christian dahil sa isang tawag sa kanyang cellphone

“hmmm?”ang paungol na sagot ni Christian

“good morning taba!”ang pagbati sa kanya ni sarji

“tadu”ang pangganting sabi ni Christian

“tayo na jan!!... malelet ka niyan!”ang utos ni sarji

Tumalima naman agad si Christian pasado alas onse na , alas dose ang pasok nila

“ayan naka tayo na po”ang sabi ni Christian

“ikaw talaga kung di kappa gigisingin di kappa magigising”ang sabi ni sarji

“thank youuuu, liligo na ako!!”ang sabi ni Christian

“ok kita kits mamaya”ang sabi ni sarji sabay ng pagbaba ng telephono

Di na nag sayang pa ng oras si Christian at agad na tumayo at pumunta sa bathroom upang maligo

Di nag tagal ay nakapagbihis na siya at kumain… at nakaalis ng bahay
Pagdating sa skwelahan di naman siya totally late,

“hoy!”ang pasigaw na tawag sa kanya ni sarji

“hoy Karin!”ang ganti niyang sigaw

“may sasabihin ako sayo”ang sabi ni sarji na talagang bakas sa mukha ang matinding kasiyahan

“ano nanaman yun?”ang pagtatanung ni Christian

“kame na ni jona!”ang bulalas na sabi ni sarji

Tila naman kinidlatan si Christian ng libo libong kuryente, nagging manhid siya at walang narinig kundi ang muling pagikot ng boses ni sarji sa kanyang utak na sinasabing….KAMI NA NI JONA!

Ilang minuto ring nakatulala si Christian

“hoy !! .. di kaba masaya para saken?? Kame na ni jona”ang tanung nito at muling pagsabi na sila na ni jona

Di nagsasalita si Christian nanatili siyang nakatunganga

“hoy!”ang sabi ni sarji sabay ng pagyugyog nito kay christian

Maya maya ay natauhan na si Christian

“im happy for you”yan nalang ang nasabi ni Christian at umalis na sa lugar naiyon

“teka san ka pupunta!”ang sabi ni sarji sabay ng paghabol nito sa kanya

“may ipapaprint lang ako… jan ka muna”ang alibi niya, at sabay ng pagalis

Naiwan si sarji na nagtataka kung bakit ganun ang reaction ni Christian
Pumunta si Christian sa pinakamalapit na park , nandun siya at nagiisa

‘bakit ba ako ganto? Imposibleng mahalin ko yung gagong siraulong yon’ ang sabi ng isip niya

“ah!!!!!!!!!” sigaw niya.. dahil sa pagkalito…

Maya maya ay din a napigilan ni Christian ang mapaluha.

“puta naman oh! Leche kang luha ka wala kang karapatan”ang sabi niya na parang nababaliw

Maya maya at may naramdaman siyang biglang tumapik sa kanyang likuran
Nanglingunin niya ito … si jona

“hi chris”pagbati sa kanya nito

“hi”ang sabi niya

“tara na? baka mallet pa tayo”ang sabi nito

Sa totoo lang ayaw naman talaga niyang sumabay pero nakakahiyang tanggihan si jona… taglay ni jona ang isang ganda na hindi na tatanggihan nino man

Sabay sila pumunta sa school at sa room

Nangmakarating sila duon ay wala pa ang kanilang guro, kaya napagpasyahan ni Christian na lumabas muna ng class room

Palabas n asana siya ng class room ng bigla siyang tawagin ng isang boses
“hoy chris!”ang pagtawag nito sa kanya

Ng lingunin niya ito, si sarji

Nung una ay di na lang niya ito pinasin pa,patuloy siya sa paglalakad papunta sa labas ng classroom

“anu nanaman bang problema mo”ang sabi nito at sabay ng paghawak sa kanyang braso

“ano nanaman bang kailangan mo!”ang sabi ni Christian

“bakit ba galit na galit ka nanaman?”ang tanung ni sarji

“anu bang probema mo?”ang tanung muli nito

“ikaw ang problema ko!”

bitiwan mo ako!”ang sabi ni Christian at sabay narin ng pagsigaw

Malakas rin ang sigaw naiyong ni Christian na siyang nagging dahilan para pagtinginan sila

Di nila na pansin na may guro na palang nasatabi lang nila

“what is happening here laos?” ang tanung ng kanila guro
“mam LQ!” ang sigaw ng isang studyante
Binitawan na ni sarji si Christian

“mam sorry po”ang sabi ni Christian sabay ng pagpasok sa loob ng room
Nangmakapasok na sila pati ang guro sa loob ng classroom


“I cant imagine”ang panimulang sabi ng kanilang guro

“mr laos and mr lantican fighting?, eh samantalang palaging nahuhule ng aking mga mata na palaging naghaharutan ang dalawang iyan at tila sweet na sweet”ang sabi pa ng kanilang guro

“mam hindi ko naman po siya inaaway eh”ang sabi ni sarji

Nakatungo lang si Christian , hiyang hiya sa mga nangyayare

Ang iba naman nilang kaklase ay tila kinikilig at nagtilian ang iba
‘kasalanan to ni sarji’ ang sabi ni Christian sa kanyang isip

“tsk tsk tsk” ang sabi ng kanila guro sabay ng pagiling nito

Nang magsimula na ang lesson hindi tumabi si Christian kay sarji… sa ibang upuan siya umupo.

Nangmagbell para sa recess agad na tumayo si chris at lumabas na agad ng room, siya namang paghabol sa kanya ni sarji, pansin ni Christian ang paghabol sa kanya ni sarji kaya tumakbo siya at nilayuan si sarji, nagtago sa isang lugar na hindi pinupuntahan ng iba lalo na ni sarji

Nang wala na sa paningin ni chris si sarji siya naming pagtulo ng luha niya
Nakayuko siya roon at nakaupo na nakasandal sa pader

Matagal ring ganun ang position niya roon ng makarinig ng isang tinig

“kanina pa kita hinahanap ditto ka lang pala” ang sabi ng tinig, nangtiningnan ito ni Christian si sarji

Sa pagharap ng mukha ni Christian siya naman pagbigla na halik sa kanya ni sarji
Kinagulat niya iyon… pero wala na siyang nagawa dahil na huli agad ni sarji ang kanyang mga labi , lalong pumatak ang mga luha niya sa pagdampi ng labing iyon ni sarji

Nangmatapos ang halik na iyon

“tahan na”ang sabi ni sarji at sabay ng pagpunas ng kanyang mga luha

“mahal kita”ang sabi ni sarji

Nangmarinig ito ni Christian di niya alam kung ikatutuwa ba niya o ikagagalit ang lahat

Tumayo siya at tumakbo palayo kay sarji, muli naiwan si sarji na nakatunganga at gulong gulo

Tumakbo si Christian patungo sa classroom, wala na siyang pakeelam kung pagtinginan man siya ng dahil sa pagtakbo habang umiiyak

Nangmakarating sa classroom… nandun muli sina annie and abbygail na nagaayos ng ilang test papers

“oh? Anu nanamang nangyare”ang buong pagaalala na pagtatanung ni abbygail

Ikinuwento lahat ni Christian ang lahat ng nangyare mula sa paghalik ni sarji hanggang sa sinabi nito na mahal siya nito

“talaga sinabi niya yon?” ang tanung ni annie

“teka! Kala ko ba sila ni jona?”ang sabi ni abbygail

“basta galit nag alit na talaga ako sa kanya! Ang gulo niya!”ang sabi ni Christian

“ikaw ang magulo eh, ayaw mo na kasing aminin sa sarli mo na mahal mo talaga siya!”ang sabi ni annie

“at anung mangyayare kung aminin ko? Masasaktan lang ako!”ang sabi ni Christian

“cant you see? And didn’t you heard it kanina? Mahal ka raw niya!”ang sabi ni annie

Gulong gulo si Christian hindi niya alam ang gagawin mahal na nga niya ngayon si sarji pero di niya alam kung paano ipapakita ito, maya maya ay nagring ang bell pinunasan na ni Christian ang luha niya sa kanyang mukha

Nag akyatan na ang iba pang mga studyante kasabay ang ilang mga guro.
Maya maya ay nasaharapan na ang kanilang guro

“good afternoon class”ang pagbati sa kanila

“good afternoon mam”ang pabalik na pagbati nila

“ok… I have an announcement to make”ang sabi ng kanila guro

“your going to have a group presentation, each of you will be paired with someone”ang pagpapatuloy nito

Maya maya ay umupo ang kanilang guro at nagtawag na ng mga taong ipepair

“mr laos will be paired with mr lantican”ang sabi ng kanila guro

“but ma--” ang pagangal sana ni Christian

“yes mr laos? Any problem?”ang sabi nito sabay ng matalim na titig sa kanya

“N-nothing mam”ang sabi niya sabay yuko

At muling pinagpatuloy ng kanilang guro ang pagpair, nang tiningnan ni Christian si sarji,. Nakita niya itong nakangising aso pa

Binigay ang bawat topic at pinabunot sila kung sinu ang mauunang magreport

“ok , nakanino ang no1” ang sabi ng kanilang guro

Na sa sobrang kamalasan nga naman ay nakuha pa ni Christian
nagtaas siya ng kamay

“ok mr laos bukas na bukas ay iprepresent na ninyo ang topic ninyo” ang pagbigay ng instruction nito

Wala nang nagawa pa si Christian kundi sumunod sa gusto ng kanilang guro , baka mapahiya pa siya

Kaya kinagabihan

“hayssss”ang sabi ni sarji sabay ng pagupo nito sa sofa

“ano start naba?” ang tanung ni sarji kay Christian

Di umiimik si Christian

“alam mo kanina kappa hindi nagsasalita jan ah”ang sabi ni sarji
Di parin umiimik si Christian

Tumayo si sarji at lumapit sa kanya

Muli ay aktong hahalikan siya nito umilag si Christian sa halik na ibibigay muli ni sarji

“magdinner na muna tayo bago magstart sa pagaayos ng iprepresent”ang sabi ni Christian

Nagluto si Christian at maya maya ay nakain na sila
Habang nakain…

Tahimik

“sarappp”ang sabi ni sarji , pagbasag narin sa katahimikan

Di nagsasalita si Christian

“hoy!”ang sigaw sa kanya ni sarji

Tiningnan niya si sarji

“ano?”

“bat kasi di ka nagsasalita”

“ano bang pake mo?”ang sabi niya sa mataray na boses

“ayan ka nanaman”ang sabi ni sarji

Nangmatapos kumain ay tumayo agad si Christian at nilagay sa lababo ang kanyang pinagkainan, sumunod naman si sarji…

Mula sa likod ay niyakap ni sarji si Christian

“ano ba!”ang sigaw ni Christian sabay ng pagharap kay sarji at pagtulak dito

“ano bang kailangan kong gawin? Mahal kita! Di mo ba naiintindihan yon?”ang sabi ni sarji

“mahal rin kita pero di ko alam kung pano ipakitang mahal kita natatakot ako!”ang sabi ni Christian na dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata

“paano si jona?!”ang tanung ni Christian sa mataas na boses

“wala kame… ginawa ko lang yun para pagselosin ka”ang sabi ni sarji sa malumanay na boses

Nilapitan ni sarji si Christian at muli itong hinalikan,,, matagal ang halik na iyon nagaalab at puno ng pagmamahal,,, ginantihan ni Christian ang mga halik na iyon mula kay sarji…

Hanggang sa hindi na namalayan ni christian ay nasa hagdanan na sila paakyat sa kanyang kwarto…

Nang makapasok sa kwarto ay sinara ni sarji ang pintuan at pinahiga si Christian sa kama bago muling siilin ng halik si Christian ng halik

“mahal kita chris”ang sabi nito

“mahal rin kita , sorry hindi ko maipakita ng maayos”ang sabi ni chris

At nanggabing iyon ay pinagsaluhan nila ang sarap ng kanilang pagiibigan

(the end)

No comments:

Post a Comment