Followers

Tuesday, September 28, 2010

love circle (part 9)

pa follow nalang po...

blog:senioritoaguas.blogspot.com
fb account:christian_136@yahoo.com
----------------------------------
“wake up!! Sleepy head”pag gising saken ni kuya nicko

“morning kuya”pagbati ko

“maghilamos kana mag bebreakfast na daw sa labas sabi nila kuya mark mo”

“cge po kuya , susunod nalang po ako”

At lumabas na nga si kuya nicko sa room nayun…

Ako naman naiwan sa loob, habang nagiisa ako nasa isip ko parin ang lahat ng nangyare kagabe ,, ang party, si ken at ang huli naming pagkikita, at syempre ang matinding sakit

Pumunta ako ng comfort room at dun ako nag refresh ng sarili ko , naghilamos at nagayos ng sarili , paglabas ko nakita ko ang isang pamilyar na mukha si joseph

“morning seniorito”pagbati niya sa aken

“morning”pagbati ko rin

“umupo kana jan bunso,”sabi ni ate selly

Napansin ko na si joseph lang yata ang nandun na servant so sinabi ko

“joseph take a sit sumabay kana rin samen”pagimbita ko sa kanya na sumabay na

Di na ito kinagulat nila ate selly , yun rin naman ang gagawin talaga nila naunahan ko lang sila sa pagsabi kay joseph

“sigurado ho kayo?”pagtatanung ni joseph

“umupo kana jan , sumabay kana samen”pagsabad ni ate selly

“sige ho seniorita”sabay ngiti ni joseph isang ngiti na talagang nag pa tunganga saken

“ehem!!!... bunso kain na”pag gising saken ni kuya nicko

“yes kuya”

So yung nga sumabay samen si joseph

After ng breakfast bumalik ako sa room ko at naligo ,pagkatapos kong maligo lumabas muna ako para libutin muna yung resort , sa hapon pa kasi ang alis namen

Naglalakad lakad ako nun sa tab eng pools ng tawagin ako ni joseph

“seniorito”pagtawag niya saken

Tiningnan ko siya na patakbong lumapit saken

“bakit?”pagtatanung ko

“wala lang ho, bakit ho ba nandito kayo sa labas?? Andun ho sa loob ang iba pa ninyong mga kaibigan”sabi ni joseph

“gusto ko kasi sanang libutin muna tong resort bago kame umalis”pagsagot ko sa kanyang tanung

“may alam ho akong lugar dito sa resort!”bulalas niyang sabi

“talaga? Sige! Ikaw na magiging tour guide ko”

“cge po!”pagsang ayon niya

“pero syempre!... bago tayo umalis may ilang rules ako”

“rules ho? Anu hong mga rules seniorito?”pagtatanung niya

“1st rule itigil mo na ngayang pagtawag mo saken ng seniorito , naiilang na ako!,2nd tanggalin na rin yang po ,opo,at ho… ok?”pagbibigay ko ng mga kondisyon

“pero—“

“wala nang pero pero tara na!”sabay hila ko sa kanya

Hinila ko siya palabas ng pool corner lumabas kames a gate ng resort at napunta kames a dalampasigan… katabe lang kasi ng resort ang dagat

“san tayo?”pagtatanung ko

“dun “sabay turo niya sa may batohan

Nung makarating kame dun , ang ganda nga di kasi tulad ng buhangin na tinatapakan namen kanina maitim at parang matigas

Ang buhangin na tinatapakan namen ngayon ay maputi at talagang buhangin ,

“sabi ko sayo eh ok dito”sabay upo sa buhangin at sumandal sa isang malaking bato

“taga rito ka kasi sa resort”

“hindi ah”

Nagulat naman ako sa sinabi niya, buong akala ko kasi taga rito siya sa resort kaya alam niya ang pasikot sikot

“kala ko taga rito ka?”
“taga manila ko, sinama lang ako nila seniorita selly dito noh”pagbibigay liwanag niya

“ahh!!...gets ko na!, eh pano mo nalaman tong spot na to?”pagtatanung ko

“kasi nung dumating ako dito nilibot ko agad tong resort kaya nakita ko tong spot na to”

At marame pa kameng napagusapan… di ko rin alam sa aking sarili pero ang gaan ng loob ko kay joseph ,marame kameng napagkakasunduan na bagay bagay .

Nagtatawanan kame ni joseph nang mag ring ang phone ko

“bunso mag ready kana uuwi na tayo”sabi ni kuya mark

Tiningnan ko ang orasan ko ang bilis dumaan ng oras!

Nangbinaba ko ang phone

“tara na mukang una tayo”sabi k okay joseph

At sabay na kameng tumayo, nang makarating kames a room nag aayos na ng gamit sila ate selly

“grabe ah, kanina kapang morning nawawala”pagsita ni kuya nicko

“naghanap kasi ako ng maganda view”

“at ang napili mong iview si joseph”

Sabay tawanan sila ni ate selly at ate sara

“hindi ah!,, naging tour guide ko lang yung tao”pagpapaliwanag ko

Pagkatapos nun nag ayos na rin ako ng gamit ko ,

Sa paguwe sa kotse parin ako ni kuya mark sumakay

“did you had fun?”pagtatanung ni kuya mark

“yes kuya, kuya thank you po ah, gumawa kayo ng paraan para magusap kame , kaya lang kuya talagang wala na eh sorry kuya”

“ok lang yun bunso… we understand , tsaka di pa naman end of the world diba? Andito pa kameng barkada mo umaalalay para sayo”

“thanks kuya”

Pag uwe ko ng apartment ko agad akong nahiga sa kama , halos makatulog na ako nun ng biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko

Nang binuksan ko ito ang landlady namen

“iho pasensya kana sa pagistorbo ko, may babae kasi dito na dumating kanina, kasing tangkad mo lang at maganda tinatanung nga kung nasaan ka? Eh hindi ko rin alam kung san ka galing ang paalam mo lang kasi mawawala ka ng isang araw ,ito oh ipinabibigay niya sayo ito”at sabay abot ng isang sulat

“sige ho manang salamat ho”

At umalis na ang landlady , sa pagdescribe palang alam kong si winona ang nang galing sa apartment ko ,binuksan ko ang letter at binasa iyon

“jamie

Hindi ako naririto upang manggulo sayo… gusto ko lang na malaman mo… ang lolo mo..maaaring mawala siya anumang oras , matanda na siya at dumaranas na siya ng ibat ibang sakit at karamdaman , nagsisisi siya sa lahat ng nagawa niya sayo bago man lang daw sana siyang mawala sana mapatawad mo siya at Makita ka niya
Winona”

Nangmabasa ko ang sulat na ito ni winona hindi ko alam kung anung gagawin ko? Ang tawagan sila sa bahay at sabihing pupunta ako sa ospital para Makita si lolo , o hayaan at paniigin ang galit na nasa puso ko parin?

Matagal rin akong nakapag isip , kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang no. ng telephono sa bahay

“hello?” si winona ang nakasagot ng telephono

“pupunta ako jan sa bahay mamayang gabe”

“Jamie?, cge hihintayin kita, sabay na tayong pumunta sa ospital gabe rin ako dadalaw sa lolo mo, sila tita at tito baka sa isang lingo paraw maka uwe ditto sa pinas, yung mga pinsan mo nakadalaw na kanina”pagkwento ni winona sa mga nangyare

“samalat winona”

“wala yon Jamie, Masaya akong nakakatulong sa inyo”

Pagbaba ko ng telephono ,nag pahinga na ako wala akong pasok sa araw na iyon
Paggising ko ng tanghali nag ayos ako ng gamit

Tinawagan ko uli si winona para sabihin na magkita kame sa bahay hinatayin niya ako

Nangmakarating ako sa bahay nakita ko sa pintuan si winona naghihintay siya saaken ,nangmakapasok na ako sa main gate agad siyang lumapit sa aken

“tara na?, gamitin nanaten ang sasakyan ko”sabi niya sa akin

Agad naman akong sumakay sa kotse niya , nangmakasakay na ako rito siya namang pagsisimula niya sa pagkukwento, halos ibang iba ang winona na nakilala ko talaga date, ang dating winona hindi masyadong nagsasalita.. mahinhin kung titingnan, pero ngayon… nagsasalita at nagkukwento siya… bakas rin sa mukha niya ang matinding pagaalala,

“simula nang malaman nila na nawala ka.. agad namang pinahanap ka ng lolo mo.. pero patagong pinatitigil ng mama mo ang lahat ng pagiimbistiga kung nasaan ka… alalang alala ang lolo mo kung nasaan ka… kaya naisipan ko na ring magpaimbistiga ng patago hanggang sa natunton ka ng isa sa aking mga tauhan,, pero huli narin ng matunton ka… nagka break down na ang lolo mo,…. Di na kasi ito kumakain at di narin nagkakaron ng maayos na tulog… alalang alala talaga ito sayo Jamie ., sising sisi ito”

Tahimik lamang ako na nakikinig

“simula pa nuon Jamie alam mo na ang tanging gusto lamang ng lolo mo sa iyo ay ang magkaron ng ka magandang buhay, ginagawa lang ng lolo mo ang sa tingin niya ay tama para sayo”

Maluha luhang sabi ni winona

“walang magulang na gusting saktan o pahirapan ang kanilang anak Jamie… lahat ng magulang gustong mapabute ang kanilang anak ,”

“winona please!..”

Nasa highway na kame biglang nagtrapik pa!... binuksan ko nalang ang radio dahil mukang malayo layo pa ang hospital

“bakit ba naman kasi dun pa ninyo siya sa malayo pinaconfine!”sabi ko

Maya maya tahimik kaming dalawa ni winona nangtumugtog ang isang kanta… isang kanta na kahit kalian ay di ko makakalimutan ang kanta na bata palang ako kinakanta na saaken ni mama…

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw
nang munti pang bata sa piling ni nanay
nais kong maulit ang awit ni inang mahal
awit nang pag-ibig habang ako’y nasa duyan
(Repeat 1)
(Verse 2:)
Sa aking pagtulog na labis ang himbing,
ang bantay ko’y tala,ang tanod ko’y bitwin,
sa piling ni nanay langit ang buhay,
puso kong may dusa,
sabik sa ugoy ng duyan
(Repeat 1,2)
coda:
nais kong matulog
sa dating duyan ko inay
o,inay…

“Jamie… magpinsan tayo!...”maikling salita na lumabas sa bibibig ni winona

Nabigla naman ako sa kanyang sinabi

“di mo ako kilala dahil kahit kailan ay di pa talaga tayo nagkita… pinalaki ako nila lolo sa states si mama at papa namatay nuon sa isang aksidente , buong buhay ko ang pagmamahal lamang ng lolo naten ang palaging umaakay saken… jamie patawarin mo ako kung sumangayon ako sa gusto ni lolo, ang sabi niya makatutulong sa iyo ito para lang matigil ang pagkasira ng buhay mo sa pagsama sa mga kaibigan mo ,,,Jamie! di ko kakayanin jamie pagnawala si lolo”pagpapatuloy ni winona sa pagsasalita

At dina niya napigilan pa ang paghagulgol ako nalamang ang nagmaneho, ilang oras pa ay naruon na kame

Nangmakapasok ako sa confinement room dun na saken pinaliwanag ni winona ang lahat lahat
Maychansa pang mabuhay muli ng normal si lolo… pero maliit na chansa lang ito, pero si winona patuloy parin na umaasa na magiging maayos ang lahat.. ilang buwan na palang naratay si lolo,,, nagising na daw ito nang nakaraan , sabi raw ng doctor isa daw miracle at nakakayang lumaban ng aming lolo… kung patuloy daw na ganito, mapabibilis pa ang paggaling nito

“nung last time na nagising siya, hinahanap ka niya Jamie, gusto raw niyang makausap ka, gusto niyang humingi ng tawad sa iyo”

Lumapit ako sa hinihigaan ni lolo

“lo patawarin nyo po ako… ako po ang maykasalanan”at dahan dahan nang tumulo ang aking luha

Maya maya pa…

“Jamie?”mahinang tawag saken ni lolo…
“Jamie? Iho ikaw bayan? Iho patawarin mo ko”

“wala po kayong kasalanan lo.. ako po ang maykasalanan, lo magpagaling ho kayo.. pangako di naho ako magpapakaselfish di ko na ho susuwayin ang gusto niyo”

“iho, ito ang tatandaan mo.. lahat ng ginagawa ni lolo.. para sayo.. kasi mahal na mahal ka ni lolo… ang lahat ng sa tingin ko ay mali ay aayusin ko para sayo.. patawarin mo lang ako apo ha.. nagging protective yata masyado ang lolo”

Kita ko na sa lolo ang isang ngiti , ngiti na parang nagsasabi na lahat ng bagay ay magiging maayos na..

Simula nung araw naiyon araw araw na akong nadalaw sa ospital, nung pangalawa kong araw nakita at nagyakapan agad kame ni mama , sa lahat siya ang pinaka namiss ko, hanggang sa dumating ang araw na sinabi ng doctor

“maari nyo na siyang iuwi next week”
Masayang Masaya naman kame sa aming narinig sa susunod na lingo pwde nang umuwi ang lolo

Konteng examine nalang…
Hanggang sa gumating ang araw ng Friday.. abala na kames a pagaayos ng bahay… pinalinis namen ng todo para sa muling bagbabalik ni lolo

araw naman ng Saturday.. pumunta kame duon ng tanghali.. masayang Masaya si lolo dahil kinabukasan ay uuwi nasiya

akala namen magiging ok na ang lahat… nang biglang may isang malaking balita ang dumating sa amin

“hello? Jamie!”si winona

“oh?? Bakit?? Bat ka umiiyak?? May nangyare ba?”buong pagaalala kong sabi

“si lolo!!! Jamie!!!”

Binaba ko na ang cellphone at pinaharurot ko ang kotse papunta sa ospital.. pagdating ko roon ang daming pulis… nakita ko si kuya max na dala dala ng mga pulis.. duguan ang mga kamay ni kuya max at sinisigaw niya

“ang matandang yan ang dahilan kung bakit naghihirap ang pamilya namen ngayon!”

Pinuntahan ko ang room ni lolo pero bago pa ako makalapit humarang ang mga pulis

“teka!!!!!!! Padaanin nyo ko!!!!!.. lolo ko ang nasa loob!!!!!!”pasigaw kong sabi

“Jamie.”pagtawag saken ni winona…
“piñata ni max si lolo..”sabay hagulgol niya

Di naman ako makapagsalita… parang na blanko ang utak ko di ko alam kung nahinga pa ako ng mga panahon na iyon…

Ang lolo ko.. ang pauwe ko nang lolo… ang magaling ko nang lolo… piñata ng isa sa mga kabarkada ko…
Di ko na namalayan nawalan na pala ako ng malay

Pagkagising ko.. nasa bahay na ako… nagriring ang cellphone ko

Si ate sara..

“Jamie… pinasara ng lolo mo ang companya ng dady ni max dahil sa pagsama mo samen.. di lang si max ang nahirapan pati ang buong bpc.. simula nung nag layas ka.. pinahihirapan na kameng lahat ng lolo mo.. hindi na namen ito sinabi saiyo pero hindi kinaya ni max ang nangyare sa pamilya niya dahil sa pagsara ng companya , na depress ang mom niya na dahilan para mawala ito sa katinuan”pagpapaliwanag ni ate sara

“ate… hindi ko na alam kung anung mangyayare… wala akong magagawa ang pamilya na ang magpapasya kung anung mangyayare.. ate gulong gulo na ako… please” at binaba ko ang cellphone..

Ang kasiyahan na dapat ay mamamalagi sa buong bahay dahil sa pagbalik ng aming mahal na lolo.. ay nagging kalungkutan at iyakan…

Imbis na magkaruon kame ng party sa pagbabalik ni lolo… burol tuloy ang kinalabasan…
Si kuya max naman.. nakulong… dahil sa salang pagpatay

At ako? Heart broken na nga… namatayan pa ng relative…

(to be continued)

No comments:

Post a Comment