Followers

Tuesday, September 28, 2010

love circle (part 7)

pa follow na lang po

blog:senioritoaguas.blogspot.com
fb account:christian_136@yahoo.com
--------------------------------
Nang makauwe ako ng bahay

Nakita ko si lolo na nanduon sa sala`s agad ko siyang nilapitan

“oh iho nariyan ka napala kanina pa kita hinihintay gusto ko sanang ikaw na ang mamili ng singsing para sa—“

“wala hong mangyayareng kasal!”mahina ngunit madiin kong sabi

“tama ba ang narinig ko ?,hindi kamagpapakasal?”biglang tumaas ang boses ni lolo

“oo lolo hindi ko ho hahayaang diktahan nyo ang puso ko may sarili ho akong buhay”pagpupumilit ko sa aking kagustuhan

Biglang tumahimik ang paligid nakakabinging katahimikan ang nanaig sa loob ng bahay , nabasag lamang ang katahimikan ng marinig kong bumaba galing sa 2nd floor sila mama at papa

“anu bang nangyayare dito?” pagtatanung ni mama

Kasama nila si winona na bumaba galing sa itaas, napatingin ako kay winona malungkot ang kanyang mukha na para bang gusto nang-umiyak

“subukan mo lang na suwayin at—“

“hindi ho pwdeng kayo ang magpatakbo ng buhay ko may sarili akong isip at damdamin”

“Jamie!” pagsita saakin ni papa

“kung hindi lang rin ninyo ako matanggap pwes mas maganda nangang itakwil nyo na ako”

Patakbo akong umakyat sa aking kwarto pag akyat ko agad kong kinuha ang aking bag at pinuno ko iyon ng aking mga damit at personal na gamit ,kinuha ko ang aking credit cards at ang perang naipon ko


Dumaan ako sa pangalawang pintuan na nasa likod ng bahay para walang makapansin saken , pero bago ako makaalis

“Jamie? , san ka pupunta?”mahinang sabi ni winona

“san sa tingin mo?”

Natahimik siya

“please Jamie wag mong ituloy yan, hindi mo alam ang hirap na maaari mong danasin sa labas”

“ano bang pakielam mo?”

Bago ako makaalis patakbo siyang lumapit saken at hinawakan ang braso ko
“Jamie”

Tiningnan ko siya ,isang tingin na nagsasabing bitiwan mo ako pero hindi ko siya natinag , nangtingnan ko ang muka niya pansin ko talaga ang gandang taglay niya at sa lalo pang pagtagal ng titig ko sa kanya para nasabi ko sa sarili na ‘parang nagkita na kame dati’, pero di ko na yun inintindi pa agad kong tinabig ang kanyang kamay at umalis ako

Nangmakarating na ako sa sakayan di ko alam kung san ako pupunta dala dala ko ang cellphone ko at nag text ako kay kuya mark

“kuya sorry sa istorbo ah, baka pwdeng jan na muna ako makitulog sa inyo ngayong araw lang”

Agad naming nag reply si kuya

“sige bunso, “

Agad na akong sumakay ng taxi at pinuntahan ang bahay ni kuya mark pagdating ko dun nag door bell ako at di katagalan binuksan ni kuya mark ang gate

“oh bat ba ang dami mong dalang damit?”pagtatanung ni kuya

“kuya pwde sagutin ko nalang yan sa loob”

“cge pasok ka”

Pagkapasok ko agad akong pinaupo ni kuya sa sofa niya , para naman akong lantang gulay na agad na naupo siguro ay dala narin ng stress at pagod sa nangyari ng buong araw

“cge mag pa hinga ka muna jan mamaya ka na magpaliwanag kumain kanaba?”

“di pa nga kuya ih”

“teka lang iinitin ko yung pagkain”

“cge kuya salamat talaga”

“walang anu man yun bunso”

Nang matapos kumain nagsimula na akong mag kwento kay kuya lahat ng nangyare sa bahay kinuwento ko pati ang nangyare bago ako umalis at ang kasal na pinipilit saken ni lolo

“anung balak mo ngayon?”pagtatanung ni kuya mark

“hindi muna ako papasok bukas , maghahanap muna ako ng bahay na matutuluyan, at isa pa hindi naman problema saken ang pera bago ako umalis kinuha ko lahat ng pera ko sa bahay”

“Jamie kung kailangan mo ng matutuluyan pwde ka naman dito sa bahay ko eh”

“salamat nalang kuya pero nakakahiya naman bakamaging pabigat pa ako sayo, tsaka pwde rin naman na akong magtrabaho “

“teka !! tama ba ang narinig ko? Magtatrabaho ka?”

“oo kuya sa tangkad at postura ng katawan hindi nila aakalain na high school palang ako at hindi rin nila mapapansin ang edad ko”

“ikaw ba sigurado na?”

“oo kuya”

“cge kuya san ba ang kwarto ko ditto at matutulog na ako maaga pa ako bukas”

At tinuro saken ni kuya ang guest room, ipinakikita k okay kuya na malakas ako kahit ang totoo ay sobra nang sasabog ang puso ko

Yan ang turo saken nuon ni mama na kahit anu pang problema meron ka wag mong hayaan na madala ka nito maging matatag at malakas ka kasi sa bawat problemang dadanasin naten nanjan ang panginoong diyos na lagging gagabay saten , kaya wag na wag kang malulungkot at panghihinaan ng luob

Kinaumagahan

Maaga akong nagising nagpaalam ako kay kuya na maghahanap na muna ako ng room for rent pinayagan naman niya ako hindi nga lang daw ako masasamahan dahil marame daw siyang aasikasuhin nainutos sa kanya ng papa niya

Nagikot ikot ako dala dala ko ang perang inipon ko 10 thou ang dala kong pera yun lang ang tinalaga kong budget para sa bahay na uupahan ko

Sa pag iikot ko may nakita akong nakapaskil na room for rent sa isang building na may pitong pintuan agad kong kinontack ang no. na nakalagay sa nakapaskil na iyon

Kahit papano nagustuhan ko na rin ang bahay na kinuha ko mura lang ito 5000 ang kuha ko 1 month deposit at 1month advance wala pa gaanong kagamitan ang bahay na iyon kaya bumili narin ako ng maliit na tv at maliit rin na ref, may kama na kaseng nanduon at lutuan

Ang natitirang pera na hawak ko ay binili ko na lamang ng mga pagkain para narin siguro saakin di ako gaanong marunong magluto pero may alam rin naman ako dahil narin sa pagtuturo sa aken ni mama

Bumalik ako sa bahay ni kuya mark pagdating ko kakarating lang rin galing sa school

“oh kamusta ang paghahanap mo ng bahay?”pagtatanung ni kuya

“ok na kuya meron na akong nakuha bukas makakalipat narin ako, problema ko nalang ang trabaho”

“may kaibigan akong makakatulong may restaurant siya hiring daw ngayon ng mga waiter”
“cge kuya saan ba yan?”

“malapit lang rin dito saten”

“cge pupuntahan ko na bukas nakahanda narin naman ang resume ko”

“di nga bunso? Talagang pinaghandaan mo na lahat?”

“syempre kuya”sabay ng pilit kong ngiti

Kinaumagahan pinuntahan ko agad ang lugar na sinabi ni kuya mark kakatuwa naman at natanggap agad ako start narin ako bukas sakto rin na ok na ok ang oras ng pasok ko sa school at sa trabaho ang pagkakalam ko kasi nagpahalf day na ang school namen morning na kame kaya pagdating ng tanghali sa trabaho na agad ang punta ko

Kinuha ko ang gamit ko sa bahay ni kuya mark at nag paalam sa kanya at nag sabi na sana walang makaalm na dun ako sa kanya nakitira

Nakapg isip isip narin ako na tama narin siguro ang ginagawa ko hindi naman talaga habang buhay mabubuhay ako sa karangyaan kaya mas maganda na ngayon palang sanayin ko na ang sarili ko na mabuhay sa isang mundo na walang makikielam sa mga desisyon ko

Natulog ako ng maaga at pumasok pagpasok ko agad na lumapit saken ang mga kabarkada ko namiss daw nila ako hinahanap ko si ken pero di ko siya Makita
“ate si ken?”pagtatanung ko

“nandun sa room niya”

“sige puntahan ko muna ah”

“papunta n asana ako ng room ni ken nangmarinig ko mula sa announcer na

‘mr Jamie ballisteros please proceed to the principals office’

Wala akong magawa kundi sundin ang utos nila, pagdating ko sa office ng principal

“mr ballisteros take a sit, alam ko ang nangyayare at inabisuhan ako ng iyong mga magulang na ako na muna ang bahala sa iyo”

“magulang? Si lolo ho ba?”

“hindi siya iho, ang mama mo , isa rin akong ina at ramdam ko ang pagaalala niya sa iyo kaya naiintindihan ko siya , umalis na silang dalawa ng iyong ama patungong Canada at saakin ka hinabilin ng iyong ina”

“so anu po bang merun dito mam?, its not a big deal , ano to? Bibigyan nyo ako ng special treatment?”

“hindi mr ballisteros pero I will take my eye on you”

‘ha? Ok?’ nasabi ko nalang sa sarili ko

“this conversation is done mr ballisteros you may go now”

“thank you mam”

At agad na akong lumabas ng principals office , pumunta na ako ng room ni ken nakita ko siya nakaupo sa silya niya at nakatunganga agad akong pumasok ng room niya dahil narin wala pa silang guro tumayo ako sa harap niya at nang tumingin siya saken namilog ang kanyang mga mata at tumayo at niyakap ako niyakap ko na rin siya di alintana ang mga kaklase niyang nakatingin saamen

Nangmagkalas kame sa pag yayakap

“miss na miss kita”sabit ko

Ang saya saya ko ng oras na ito pakiramdam ko , parang nawala lahat ng problema ko dahil kasama ko ang taong mahal ko

“miss na miss rin kita”

Umalis ako ng room ni ken nangmarinig ko ang bell gusto ko pa sana siyang makasama pero parating narin ang teacher nila, naisip ko na sa break time nalang kame magsama

Ngunit dumating ang oras ng break time , pumunta ako sa room nila para sunduin si ken pero hindi ko siya mahanap

Tinawagan ko ang cellphone niya pero walang sumasagot nalaman ko nalang sa isa sa classmates niya na umuwe daw si ken at kinut ang class dahil may aasikasuhing importante, nadismaya at nalungkot ako gusto ko pa talagang makasama siya, pero wala akong magagawa may importanteng aasikasuhin yung tao

So I have no choice but to accept na may mas mahalaga siyang kailangan na asikasuhin , umakyat nalang ako sa room ko wala ako sa mood na kumain ng lunch hanggang sa mag end na ang bell for the last subject

Umuwi ako ng bahay para magpahinga Kinaumagahan nagising ako dahil sa pag vibrate ng cellphone ko Halos mapuno na ang inbox ko ng message nila ate selly
Una kong nabasa
“Jamie pumunta ka sa ospital na to!! Si ken naaksidente!”
Agad akong kinabahan nangmabasa ang sulat na ito agad akong naligo at nag bihis

Pagdating ko sa ospital nandun sila ate selly at si kuya niko may kasama silang babae na umiiyak lalo akong kinabahan

“ate anung nangyare”

Sa pagtatanung ko nito agad na tumingin saken ang babae

“ikaw ba si Jamie?”pag tatanung niya

“oho ako nga po”

Nabigla nalang ako ng maramdaman ko ang isang malakas na sampal sa aking pisngi, agad namang pumagitna saamen si ate selly at hinawakan ni kuya nicko ang babae

“dahil sayo ginustong mamatay ng kapatid ko! Dahil sayo kamuntikan na akong mawalan ng kapatid!”mahina ngunit madiing sabi ng babae

“tama na to, Jamie ako nang magpapaliwanag mamaya sige na dun na muna kayo ni nicko”

At umalis kame gulat na gulat ako sa pangyayare at hindi ako mapagsalita nang manumbalik ang katinuan ko agad akong nakapag isip ‘kapatid siya ni ken? Nag pakamatay si ken dahil saken?’

“kuya anu po ba talagang nangyare?” pagtatanung ko

“si Tanya ang ate ni ken isa siya sa matalik na kaibigan ni kuya mark mo ,kilala namen siyang dalawa ni ate selly mo, small world nga at magkapatid pala silang dalawa ni ken , tumawag siya samen dahil kailangan daw niya ng tulong ang kapatid daw niya puno ng dugo ang katawan binigay niya saamen ang address niya ng makarating kame sa bahay nila laking gulat namen ng nakita namen na si ken ang duguan, pagdating rin namen dun nandun na ang ambulansya kaya sinamahan lang namen si Tanya,
Nag iwan ng note si ken hindi niya raw kayang saktan ka “pagpapaliwanag ni kuya nicko

Lalo akong naguluhan kahapon lang kayakap ko si ken at parang walang problema bakit ngayon parang may napakalaking bagay na hindi ko alam

“kuya hindi ko maintindihan”sabay ng pagluha ko

“ipapakasal si ken sa America, may malaking utang ang papa ni ken at bilang kapalit ipapakasal si ken sa anak na babae ng pinagkakautangan ng papa niya”

Nabigla ako sa nalaman ko , bakit di man lang sinabi saken ni ken to, bakit sinarili lang niya ang problema , hindi ba siya nagiisip na pwde niya rin akong sandalan? Nagkaron ako ng tampo sa kanya, ipinaglaban ko sa pamilya ko ang pagmamahal ko sa kanya tapos siya susuko at magpapakamatay?

Hinintay kong magising si ken nandun parin ang ate niya, sabi ng doctor ayos naman na daw ang lagay ni ken babalik lang rin daw ang dugong nawala sa pagkain ng mga food na masustansya

Di ako pumasok ng school at binantayan ko si ken, umalis na sila ate selly at kuya nicko dahil papasok daw sila , kaming dalawa lang ng ate ni ken ang nandun

“bakit nandito ka pa? hindi ba may pasok ka?”malumanay na sabi ng kapatid ni ken

“hindi ho ako papasok”sagot ko

Tahimik
“kumain ka muna”sabay abot saken ng tinapay at kape

“alam mo mahal na mahal ko ang kapatid ko,at ayokong nasasaktan siya… kaya nung sinabi ni papa na ipapakasal si ken sa babaeng di niya naman mahal ako ang unang tumutol , sinabi ko na ako nalang ang magpapakasal , wag lang gawing pambayad ng kapatid ko”

Maluha luha si ate Tanya ng masabi niya ito

“pero wala akong nagawa eh, nag pirmahan na ng kontrata , at alam mo ba kung anung mas masakit? Yung Makita ko nanahihirapan yung kapatid ko sa nangyayare, kahit di niya sinasabi alam kong sobrang nahihirapan siya, dalawa kasi ang pinagpipilian niya eh, ang isuko ang buhay ng papa hayaan itong makulong , o ang iwan ka upang iligtas ang aming papa”pagpapatuloy niya

Pagkatapos niyang mag salita humahagulgol siya sa pag iyak napasandal siya sa balikat ko niyakap ko si ate Tanya para maibsan narin ang sakit na nararamdaman niya

Maya maya nagising si ken

“jamie?” ang agad na sambit niya

“Jamie asan ka?”

Tumayo agad ako at nilapitan si ken

“andito ako di kita iiwan”

“wag mo kong iwan mahal na mahal kita”
Parang nag didinubyo si ken
Nang hawakan ko ang kanyang kamay napakainit nito agad kameng nag patawag ng nurse ni ate Tanya
Di nag tagal may pumasok na nurse at chineck siya

“ok na ho siya mam”sabi ng nurse kay ate Tanya

Nangmakalabas ang nurse niyakap ako ni ate Tanya
“ngayon sigurado na talaga akong ikaw nga ang mahal na kapatid ko”

Ilang oras pa ang ihintay namen , bandang alasais ng gabe nagkamalay si ken
“ate?nagugutom ako”sambit niya

Ng marinig ni ate Tanya ang sabi ni ken bakas sa kanya muka ang saya na samakas mukang magaling na si ken

“sige sandal lang at bibili ako ng food sa baba”

Nangumalis si ate Tanya lumapit ako kay ken

“bakit mo ba ginawa yon, sabi ko naman diba? Andito ako di kita iiwan, wag kang sumuko lakasan mo ang loob mo kasi mahal na mahal kita”lumuluha ako sa kanya
“sorry Jamie, hindi ko kasi makaya tuwing naiisip ko na mawawala ka saken”

“di ako mawawala sayo, i`ll be in your heart always”sabay pagbitiw ko ng isang pilit na ngiti
Di ko na pinakita ang tampo at ang lungkot na nadarama ko dahil sa pangyayare at nalaman

Nang gabing iyon ng makasigurado na akong ayos na si ken nag paalam na ako kay ate Tanya na uuwe at magpapahinga

Paguwe ko ng bahay nagpahinga na lamang ako at natulog dahil maya maya ay papasok ako ng trabaho
Bago ako magpahinga nagisip isip na rin ako ‘ano kaya kung wag ko nalang ipagpatuloy ang pagaaral ko?’

(to be continued)

No comments:

Post a Comment