konting batian
amphnes.
@jaejae? ... opo!.. always na po kong magpopost ... para narin sa ikatutuwa ng mga readers na tulad mo.. salamat po :)
guys!... be ready.. cause your el seniorito is on the road of writing...
----------------------------------------------------------------------
CHRISTIAN BALLATORES
Nang araw na yon.. pagkatapos kong maihatid si rj sa sakayan agad narin akong bumalik sa opisina.. pagsunod naren sa kasunduan namen na tatapusin ko lahat ng kailangan kong tapusin sa araw na to
Pagbalik ko ron
“sintia” pagtawag ko sa secretarya ko
“yes sir?” pagbigay pansin naman nito sken
“could you give me some more contact info`s for the applicant named rj bullabos” pagbigay ko ng pabor sa kanya
She gave me a grin , nagtataka na, this is the second time I asked na ibigay niya saken ang contact info ni rj, I didn’t care kung anong iniisip niya
Nginitian ko lang siya
Tumango tango siya at sinabing
“yes sir, right away” pagtalima naman niya sa hiningi kong pabor
Tinungo ko na ang opisina ko,,
Pagkapasok na pagkapasok ko dito, sinumulan ko nang basahin ang lahat ng mga documento at projects na gagawin para sa mismong companya
Ilan pang minuto dumating si sintia
“sir, eto na po yung hinihingi nyong papers”
Lumapit siya sa table ko at inilapag ang ilang papers na naglalaman ng mga information tungkol kay rj
“salamat sintia” sambit ko
“any time sir”
Sabay narin ng pagtalikod niya
Paglabas na paglabas ni sintia , binuksan ko agad ang ang papers, kinuha ang mismong cell no. ni rj at tinawagan ito
“hello?” isang boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya,
naaalala ko ang boses na to… itong boses rin nato ang sumagot ng telephono nila
“ahmm si Christian to, tumawag narin ako kanina sa telephono nyo, pwde ba kay rj?”
“wait lang”
At ang sunod ko nang narinig ay mga yapak ng paa
Maya maya, may narinig pa kong boses
“bilisan mo na kaya?! Prince charming mo naghihintay!!” sambit pa ng boses ng babae na kanina rin ay sumagot ng telephono
Natawa nalang ako sa narinig ko,
Maya maya pa
“hello?”
“hello?,musta!”
“hanep ah? … parang hindi mo ko kasama kanina ah?” sambit niya sabay ng isang mahinang tawa
“eh, na… ano eh… namiss kita agad eh,”
“hmm, tapos mo naba kailangan mong tapusin? …like paper jobs?” pagiba niya ng usapan
“hindi pa” diretso kong pagsagot
“mr ballatores, tapusin mo na muna yan… don’t call again, at hindi ko na sasagutin.. and don’t even try to tell me a lie na tapos mo na ang mga obligation mo, i`ve been studying psychology for how many years,” pag utos nanaman niya saken
“ok ok, ito na.. gagawa na”
“good… cge.. talk to you later,…. Bye”sambit niya at pagbaba ng telephono
Nang naibaba na ang telephono agad ko nang sinumulan ang trabaho,
Habang nag tatrabaho ako, naiisip ko na…
swerte narin ako kung sakasakali mapasaken siya
nung una pala ,, alam ko na.. kakaiba siya.. isang tao na talagang magdodomina sa isang tulad ko,
dame niyang karakteristics na dapat ang buong lipunan naten sa ngayon ay may taglay
pursigido
alam ang mga dapat isauna
at higit sa lahat, ang dame niyang mga aral sa buhay na pwde niyang ipamahagi sa ibat ibang mga tao sa paligid niya
ito ang mga taong dapat pagpursigihan, mga taong may magandang maidudulot sa buhay ng sinoman,, sabe nga ng mama nuon..
“siguraduhin mong sa lahat ng oras, ang kabutihan ang siyang iyong lageng lalapitan”
Habang nasa seryoso akong paggawa ng trabaho.. napangingiti ngiti ako.. konti nalang… masisigurado ko nang mahal ko nga siya…
sana lang mahal rin niya ko… sana lang.. mabigyan niya ko ng pagasang maging kame…
kung magkataon.. ngayon nalang ule ako magmamahal ng ganto,… magmamahal ng tama…
handa na ko… handang handa na…
No comments:
Post a Comment