Followers

Thursday, December 29, 2011

angel of mine (8)

RJ BULLABOS

Kinaumagahan

Bumaba ako sa salas ng inuupahan naming bahay ni jenz

“gandang umaga”bati ko sa kanya

“kapatid, mas maganda kapa sa umaga!” sabay bonggang ngiti niya

“loka loka ka talaga” sambit ko ng nakangiti

“oh bilis na kapatid, habang mainit pa ang coffee!”

Ganto ang halos araw araw na routine ng buhay namen, salitan kame sa pagluluto ng food for the day… nasira lang ang routine namen ng nagpakaseryoso ako ng todo sa hule kong nobya.. pero ngayon back to normal na ang routine

Habang iniinom ng kape

“nga pala kapatid, may tumawag dito kanina eh…..”

“oh? Sino raw?”


“christian ballatores raw? …”sambit niya

Napangiti naman ako ng narinig ko ang pangalan niya…

Tumingin saken ni jenz at sinabing

“wwwuuussshhhu! … syota mo kapatid?, imperness ang hot ng boses” sabay halakhak niya

“sira ! hindi noh! .. boss yon sa companya na pinasukan ko”

“cge ikaila mo pa!” pagpilit ni jenz at sabay ng isang malakas na halakhak

“sira ka talaga!... oh ano nga ba raw ang kailangan?”

“ayon pinapabalik ka raw sa opisina.. miss kana ng iyong prince charming” sambit niya at isa pang malakas na halakhak

“anong oras naman raw?”

“after lunch kapatid”

Nagisip isip ako ‘matatanggap kaya ako?’

“kapatid!, sa galing mo sa pagtatrabaho at sipag, for sure matatanggap ka”,, ganyan si jenz, basang basa niyan ang bawat galaw at iniisip ko…

“good luck kapatid!”

Ng dumating ang tanghale nagayos na agad ako at preskong presko at pumunta ng opisina

Pag dating ko don, ang dame pang ibang applicant

May isang babae na lumapit saken, sekretarya niya yata

“excuse me sir?, are you mr, rj bullabos?” paninigurado niya

“yes I am” pagsagot ko

“hinihintay kapo ni sir sa kabilang opisina, ang iba rin pong applicants na qualified for
the job eh nandon na rin po” pagbigay niya ng impormasyon saken

“ahh ganon ba”

“sumunod po kayo saken” sambit ng babae

Sinundan ko siya hanggang sa marating namen ang parang isang meeting hall

Nangmakapasok kame.. all eyes on me ,SHET!

“mr bullabos, take a seat” narinig kong sambit ni chris

Sobrang gwapo at propesional ng dating niya sa suot niyang white cream colored slacks at dark blue long sleeved polo and a tie of black, and a well comb dark hair

Ngumiti ako sa lahat ,at diniretso ang upuan na maaari kong upuann

Tahimik

Ilan pang minuto

“magandang hapon sa lahat, hindi na naman siguro lingid sa kaalaman nyo na ang pwesto sa companya na to na nais nyong mapasainyo ay nakuha nyo na” sambit ni chris ng may ngiti sa labi

Pagsambit niya non.. binigay ng seckretarya niya ang mga papel na nagsasabi ng skeds at mga dagdag na obligation namen

“uulitin ko… congratulations ho sa lahat at magandang araw” sambit ni chris

Nag tayuan na ang lahat upang lumabas, natagalan lang ako ng konte para ayusin sa bag ko ang mga papers na pinamigay ,nang matapos ko yon tumayo na ako at lumabas, nasa pintuan na ko ng biglang

“mr bulabos,”

Nilingon ko ang boses na yon,

“yes?”

“pinapatawag po ni sir sa opisina niya”sambit ng babae na kanina lang ay nagturo rin saken papunta sa hall na to

Muli sinundan ko ang babaeng yon patungo sa opisina ni chris, pagdating ko don,

“may I invite you? May bago raw kaseng bukas na restau jan sa baba eh, gusto ko sanang subukan kaya lang.Magisa ako.Baka pwde mo kong samahan?” diretchahan niyang pagimbita sabay ng isang malambing na ngiti

“Hmmmm”

“please?, treat ko” dagdag pa niya mapa oo lang ako

Natawa nalang ako, kabisado ko na ang mga gantong uri ng tao eh… yung tipong.. gagawa at gagawa ng paraan makuha lang ang gusto nila

“may magagawa paba ko?” sambit ko.. hudyat na rin ng pagsama ko sa kanya

“ayos!" sambit niya at bigla narin siyang tumayo at nagayos ng mga gamit niya

Maya maya pa nilalakad na namen ng sabay ang daan patungo sa sinasabi niyang bagong bukas na restaurant, nang makarating kame ron… umorder na agad kame ng makakaen

Habang naghihintay sa order

Casual na paguusap lang kame, yung tipong biruan… tipong tamang tawanan lang, hanggang sa mapunta na sa kung ano ano ang usapan

“alam mo rj, you look hot,” he said, out of the blue, he just said that

Natawa nalang ako, ewan ko ba kung anong kailangan ng taong to saken,, pero his doing a lot of favor to me, at alam ko naman na sa mundong to, nothings for free

Nang dumating ang order namen, same paren sa kanina tawanan, kung ano anong pinaguusapan

Nang matapos na kame , he called the waiter at nagsabi na bill out na kame nang dumating yung bill

Ako ang kumuha,

“oh? Treat ko to diba?”sabi niya

“dala ko kase wallet ko ngayon eh” sabi ko sa kanya

At kasabay non ang isang na halakhak

At that time its almost 2pm in the afternoon…

“so I think I better go now, at ikaw, kailangan mo nang bumalik sa opisina” sambit ko sa kanya

“oh no no no , jan ka nagkakamali” sambit niya sabay ng isang nakakalokong ngiti

“huh?”

“I want the both of us to watch a movie” sabe niya out of nowhere

This time talagang tumaas na ang kilay ko,

“alright mr ballatores , cards on the table right now!” I said ng mahinahon naman syempre

“i know na spoiled brat ka, ok?... and look, hindi ako tanga para hindi mahalata ang mga bagay bagay, ngayon palang mr ballatores sasabihin ko na sayo.. wala tayong chansa, I WONT GO WITH SOMEONE WHO JUST EVENTUALLY WANTS ME,,, “ inayos ko ang sarili ko at akmang patayo na ko ng

“I just need some time to understand myself, naguguluhan ako sa nararamdaman ko sayo rj, a-ano, kase,ganto yon… kakakilala ko palang sayo, hindi ko alam,!!!.... Im just asking na sana bigyan mo ko ng chance na alamin tong nararamdaman ko ng kasama ka” yan ang mga salitang sinabe niya , seryoso ang mukha niya non… kakaiba sa taong una kong nakilala

“maybe some other time , marame kang dapat tapusin sa opisina”

“I could leave it all” walang patumpik tumpik na sinabe niya

“no, chris, hindi ka dapat nag aaksaya ng oras, you have to do every progressive things na magagawa mo sa buhay mo, hindi pwdeng puro nalang saya, you have to be serious and get your life straight”

“I don’t need to work hard, nakikita mo naman diba? … I have everything that life can offer me”

Ang hangin din niya noh? Gosh!! Maloloka ako sa lalakeng to!!

I seated myself comfortably sa upuan and talked to him seriously

“chris, hindi sa lahat ng oras nasa taas ka,,, kapag dumating ang panahon na nasa baba kana… pano ka makakaahon kung ang alam mo lang ay puro sarap?”

Wala na siyang sinabe pa non, naka tungo na lang siya

Napaka childish , ilang taon na ba tong nasa harap ko? Gosh para siyang highschool student!

“ill be going, see you tomorrow,, ok?” ang sambit ko sa kanya

Nang tumayo na ko

“pwde bang ihatid nalang kita sa inyo?”

“hindi na… pero, you could walk me sa sakayan”

He looked at me, his eyes grew big and I could see his smile…. I smiled at him and we started walking papunta ng sakayan…

1 comment:

  1. ngayun ko lang nakita ung blog mo pero nbasaa ko na ung forbiden love tska demon loves angel..sana lagi ka pong magpost..hehehe..

    ReplyDelete