Christian ballatores
Tumatak sa isip ko ang mga sinabe ng pinsan ko non, alam ko, alam ko na mahirap ipaintindi kila mama at papa ang situation ko bilang isang BI, pero eto ako, at tingin ko oras narin naman para malaman nila,,
Lalo nat nasa aken na ang taong plano ko nang makasama sa habang buhay, si rj, sa bawat araw pang dumaraan na kasama namen ang isat isa, lalong tumitibay ang pagsasamahan namen,
Dagdag pa ang pagkatagumpay namen sa isa sa mga sinasabe nameng pagsubok ng aming pagsasama…
Dumaan ang mga araw, lingo at buwan halos mag iisang taon na kame non ni chris
“sigurado kaba?” tanong niya
Nasa condo ko kame non, nakahiga kame sa kama ko, parehas na walang saplot sa aming mga katawan, nakayakap siya saken at nakasandal ang kaniyang ulo sa aking mga bisig
Tiningnan ko siya at sinabing
“oo naman” sambit ko sabay ng isang ngiti
“pano kung magkagulo” sambit niya
“pano kung paghiwalayin nila tayo? … ayokong mawala kapa saken chris ,” sambit niya ng may pangamba
“ngayon ka pa ba matatakot? …mag fifirst anniversary na kaya tayo” sambit ko
“kaya nga natatakot ako eh, yung isang taon na yon, baka sa isang iglap, mawala” sambit niya
Humarap na ko ng tuluyan sa kanya at itinapat ang aking mukha sa kanyang mukha
“ilang beses ko nabang sinabe sayo na hindi ako mawawala?” sambit ko sabay ng isang matamis na ngiti
Muli ay hinalikan ko siya sa labi , at simula nanaman ng mainit na tagpo sa pagitan nameng dalawa… buong gabe yon, buong gab eng pagsasalo ng aming pagmamahalan
Pagdating ng umaga
Nagising ako ng dahil sa tunog ng naglalagasgas na mantikan
Nang minulat ko ang aking mata, wala sa tabe ko sir j
Agad na akong tumayo at tinungo ang comfort room
Nang pumunta ako sa kitchen nakita ko ron si rj, bcng bc na naghahanda ng aming agahan
Linapitan ko siya at yinakap ko siya
“huuummm, ang bango naman niyan” sambit ko habang nakayakap sa kanya at hinahalik halikan ang batok niya
“uyyy , ano ba baka matapon to oh” sambit niya ng nangingiti ngiti
Pero patuloy paren ako sa aking paglalambing sa kanya
Nasa ganuon kameng paglalambingan ng biglang magring ang telephono na nasa sala
Agad na akong pumunta sa sala at sinagot ang telephono
“hello?” pagsagot ko rito
“chris!” pagsagot ng nasa kabilang linya
Kilala ko ang boses na to, si papa
“yes pa?”
“kamusta na ang pinaayos ko sayong party para sa mama mo?,tandaan mo. Dlawang araw nalang kaarawan na niya, at syempre hindi papayag yon na walang magarang party na naman” sambit ni papa na nasa tono ng paguutos niya
“don’t worry pa, ayos na lahat, na imbitahan na ang lahat ng guest, at ayos na rin ang mga catering ,” pagbigay ko ng impormasyon kay papa
“ok good, salamat anak” sambit ni papa at binaba na ang telephono
Nang bumalik ako sa kitchen ayos na ang breakfast
“oh lets start eating, habang mainit pa” sambit ni rj ng nakangiti
Agad na kong umpo sa lamesa at nagsimula na kameng kumain
“so sino yung tumawag?” pagtatanong niya
“si papa, tinatanong yung tungkol sa bday celebration ni mama” sambit ko
Tahimik
“oh ayan ka nanaman” sambit ko
“kase babe, hindi ba parang wrong timing?” sambit niya
Ngumiti lang ako sa kaniya at sinabing
“ayoko nang nagsasama tayo at may nangyayare saten pero tago naman sa pamilya ko” sambit ko
Ngumiti siya,
“ why is it that each time na nagiging negative ako, ayan ka, straight forward to fight and to say to me the right things to do” sambit niya
“babe, iba paren kase diba yung pakiramdam na nagmamahalan tayo na alam nang lahat, proud ako sayo , masaya ako na mahal kita at mahal mo ko, kaya tingin ko, dapat malaman yon ng pamilya ko, ang pagmamahal na tulad nito. Hindi dapat na itinatago , dapat ipinagsisigawan,” sambit ko
“hindi rin tayo dapat matakot, dahil mali ang sinasabe nila na ABNORMAL ANG RELATION na meron tayo, ang relation na tulad nito, ay relation na dapat na ipagmalaki sa iba” sambit ko
Ngumiti siya saken ng pagkatamis tamis
Samakas napanatag ko na ule siya
Ngumiti rin ako sa kanya ng pagkatamis tamis
At sinumulan nanamen ang pagaayos para sa party celebration ni mama..
No comments:
Post a Comment