Followers

Wednesday, January 11, 2012

angel of mine (11)

CHRISTIAN BALLATORES

Sa bawat araw na dumadaan pakiramdam ko nasa kamay ko ang mundo. Ngayon nalang ule ako nagmahal ng ganto, yung pagmamahal na parang wala nang kulang saken,,, wala na kong hihingiin pa

Araw araw kameng nagkikita sa opisina.. pero wala pa kameng official date ng taong mahal ko… kaya gumawa ako ng plano , inayos ko lahat ng schedule ko, tinanung ko rin siya tungkol sa scheds niya,, pagkakatanda ko araw 1st monthsary namen yon nang natuloy na ang 1st official date namen

“teka! San nga ba kase tayo pupunta?” tanong niya saken

“basta” sambit ko sabay ng isang matamis na ngiti

Sinakay ko siya sa kotse, nagbyahe kame non mula sa paranque hanggang qc , una kase sa plano ko non eh may pupuntahan kameng park

Nang makarating kame ron … bumaba na agad ako pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at inalalayang makalabas mula rito

“andito na tayo” sambit ko pa sa kanya

“eco park?!” sambit niya

“edi sana sinabe mo nalang saken , ibat ibang lugar pa tuloy hinulaan ko” sambit niya

“nakapunta kana dito?” tanong ko sa kanya

“manila people kame ni jenz ,, kapag trip nameng mag nature tripping mga gantong lugar pinupuntahan namen” pagsagot niya sa tanong ko

“ganon….” Sambit ko na parang nadismaya

Agad naman siyang kumapit sa balikat ko at sinabeng

“babe ? , nakapunta na nga ako dito… pero iba paren ngayon.. kase kasama na kita” sambit niya sabaay ng isang napakatamis na ngiti

Sa mga sinabe niyang yon napangti ako

Gumalaw na ko papunta ng kotse para ilabas yung konting mga gamit na dinala ko
“babe” pagtawag niya saken

“aayusin ko na muna yung entrance naten ,” paalam niya saken,

Tumungo ako bilang pagbigay ng pahintulot

Nang maayos ko na lhat ng gamet, kinuha ko ang kaha ko ng sigarilyo at akmang sisindihan ito, ng biglang may humablot sa stick ng sigarilyo kong yon

Nang lingunin ko, si rj , sa paglingon ko ring yon ay ang mabilis na paghalik niya sa labi ko,, napakasarap ng halik nayon,, romantiko , maalab,, kakaiba,…..

Nang matapos ang halik niyang iyon saken, tumingin siya sa mga mata ko at sinabing

“ayokong mabuhay ng mas matagal kesa sayo,,,” sambit niya

“gusto kong mabuhay ng magkasama tayo” dagdag pa niya at muling paghalik sa aking mga labi

Wala kameng pakeelam sa mga iba pang tao na nandon din.. may mga matang nakatingin pero wala kameng pake…

Ganto kase talaga kapag may mahal ka noh? … yung pakiramdam na parang gusto mong ipagsigawan sa lahat ng tao na.. MAHAL KO TONG TAONG TO..mahal na mahal!

Nang makapasok na kame sa loob.. ibat ibang bagay ang ginawa namen … nag zip line kame.. at habang nakasakay pa kame non sa zip line na yon.. andon yung isisigaw namen ang pangalan ng isat isa at kung gano namen kamahal ang isat isa

“mahal kitaaaaaaaaaa christiaaaaaaaaaaannnnnnnnnnnn” sigaw niya habang nasa zip line

“mahal rin kitaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa rrrrrrrrrrrrrjjjjjjjjjjjjj” sigaw ko rin

Sa bawat daan na daraanan namen hindi maaaring magkalayo ang mga katawan namen.. anjan yung.. lalapet siya saken at siya mismo ang kakapit sa braso ko o minsan naman kakahawakan ko ang kamay niya at lalapit mismo sa kanya

Nag picture taking rin kame,, ibat ibang litrato ang kinuhaan namen sa isat isa,, mga litratong magkasama ang aming mga labi… mga litratong magkadikit ang aming mga kamay ,, ibat ibang litrato,,,

Napakasarap sa pakiramdam… nang dumating na ang alasais

“hay grabe!” sambit niya ng makapasok na siya sa loob ng kotse

“oh bakit? Pagod kana?” tanong ko namn sa kanya

“medyo” pagsagot niya

“wag muna!, may pupuntahan pa tayo eh” sambit ko na siya namang dahilan para tingnan niya ko

“at saan naman?” tanong niya

“secret” sagot ko sa kanya at pagbigay ng isang ngiti

“aahh ganon?” sambit niya at lapit saken para gawaran ako ng isang halik… hindi ko pa non na sstart and kotse kaya wala akong takot baka may mabangga,,

“do you trust me…” tanong ko sa kanya

“yes, take me anywhere.. as long as I have you besde me I know im safe” sambit niya

Inistart ko na ang kotse at diretso na kame sa susunod na lugar,

Isang oras rin ang inabot namen para makarating sa sunod na lugar

Nang makarating kame..

“andito na tayo” sambit ko

Nakikita ko ang tuwa sa kanyang mga mata…

“resort to ng ballatores family diba? … resort nyo?” sambit niya

“a-huh… at dito tayo magpapalipas ng gabe”

Lumabas ako ng kotse at kagaya kanina, pinagbuksan ko siya, at inalalayang makalabas

Tinunton ko ang likod ng kotse para kunin ang mga gamet namen

“hala pano yan!., wala akong dalang extra na damet” sambit niya

“babe don’t worry,, pinaayos ko na kay jenz damet mo,,, kaya yung bag nayon” sabay turo ko sa bag

“andon mga damit mo”

“aahh ganon!? So kakutsaba mo pa dito ang babaeng yon?” sambit niya

“medyo” sambit ko at sabay ngiti

Lumapit siya saken para halikan ako ….pagkatapos ng halik na yon

“I love you babe, so much” sambit ko

“I love you too babe” sambit niya

Bitbit ko ang mga gamet namen ng pumasok kame sa resort

“good evening sir” pagbati samen ng staff

“good evening” pagbalik nameng paggbati


Hanggang sa isang matabang babae na ang lumabas mula sa staff room

“good evening sir chris, nakowh!,, hindi naman po kayo nag sabi na ngayon na pala yung sinasabe nyong pagbisita” sunod sunod at walang hinto nilang pagsasalita

“halina na ho kayo at ako na ho mismo ang maghahatid sa inyong kwarto” sambit nito
Pero bago pa ito gumalaw, tiningnan nito si rj, dalwang nagtatanong na mata ang nakita ko sa kanya

Nang bumaling siya ng tingin saken, nakita niyang nakita ko ang ginagawa niya

Ngumiti siya at bumati kay rj

“good evening po sir”

Ngumiti na lamang si rj

Nang tumalikod ang babaeng yon.. siya namang tingin sken ni rj,,, alam kong nagaalala siya.. nakatatakot

Pero imbis na sabayan ko ang pagaalala niya

Inakbayan ko siya… na siya namang dahilan para lalo kameng pagtinginan ng mga staff na nandon, sa isip isip ko.. ano bang pake nila.. mahal ko tong taong to.. at wala silang pakeelam don!

Nang makarating kame sa kwarto

“babe” sambit ni rj so boses na parang nagaalala

“babe kase—“

“babe don’t worry, nothing bad will happen.. mahal kita,, at gusto kong malaman yon ng lahat,, ayoko nang minamahal kita ng patago.. proud ako na akin ka.. at mahal mo ko..” sambit ko bago pa siya mag salita

Nagging tahimik ang paligid

Lumapit ako sa kama kung san siya nakaupo

Nakayuko siya ng mga panahon na yon

Iniluhod ko ang isa kong paa para makapantay sa pagkakaupo niya, hinawakan ko ang magpabilang pisngi niya at tinapat ito sa mukha ko

“wala silang magagawa saten, ipaglalaban kita kahit ano pang mangyare” sambit ko at hinalikan ko siya

Nagaalab ang halik na yon… unti unti.. napahiga siya sa kamang kinauupuan niya… unti unti ring gumagalaw ako hanggang sa nakapatong na ko sa itaas niya

“ayokong mawala ka saken chris” sambit niya

“hindi ako mawawala sayo” sambit ko

Muli ay hinalikan ko siya

At nang gabi ring yon.. pinagsaluhan namen ang pagmamahal ng isat isa… isang mainit na gabi ang nangyare… isang gabi na pinangako namen sa isat isa… ng magkasama kame sa hirap man o ginahawa

Nang dumating ang umaga

Namulat ang mga mata ng nasa tabi ko si rj

Tulog pa siya nong nagising ako… pinagmamasdan ko siya habang natutulog..
Nasabi ko non sa sarili ko

‘may kasama pala akong angel’ nangumiti ngiti ako sa bagay na yon

Maya maya , napansin kong namumulat mulat na ang kanyang mga mata

“gandang umaga babe” sambit ko at aktong hahalikan ko sana siya

Pero tinakpan niya ng kanyang kamay ang bibig niya

“oh baket?” tanong ko

“bad breath” sambit niya sabay turo niya sa bibig niya
Natawa naman ako don

“babe, kahit ano pang amoy niyan hahalikan ko paren yan” sambit ko at tinanggal ko ang kamay niya sa kanyang labi at hinalikan siya
Nang matapos ang halik na yon

Di siya nagsasalita, mukang hinihintay ang reaction ko

Nginitian ko siya at sinabing

“babe… I can see your imperfections as a perfect thing..mahal na mahal kita at perpekto ka sa paningin ko” sambit ko sa kanya

Ngumiti siya saken

Maya maya nagring ang telephone na nasa table

“yes?” pagsagot ko

“good morning sir,” pagbati ng babae sa kabilang linya

“would you like to have your breakfast in your bed sir?... just tell us what meals do you want and we will fix it for you” sambit ng babae sa kabilang linya

Tinakpan ko ang telephono at tinanong sir j

“what do you want for breakfast?”

“anything” sagot niya

“all right” sambit ko

Binigay ko nalang sa babae lahat ng maisip kong breakfast na pwdeng iakyat
Maya maya pa may kumatok na sa pinto ,,, bihis na kame non ni rj at ready to take a little walk sa resort

Nang maayos na lahat ng kakainin namen at lumabas na ang staff

“ ang dame naman nito?!” sambit ni rj

“sabe mo anything”

“pilosopo ka noh?” smbit niya ng halos matawa tawa narin sa sagot ko

“medyo lang naman” sambit ko sabay ng isang nakakalokong ngiti

“ah ganon” sambit niya at lumapit siya saken.. nakipag bunuan siya saken

nasa kama ako non nakaupo kaya napa higa ako habang nakikipagbuno siya saken,, bisig sa bisig kame, mas malake ang katawa ko kaya mas malakas ako,, kung kanina siya ang nasa taas ngayon napatungan ko na siya … puro tawanan ang namutawi sa kwarto non… halinghing at kasiyahan nameng dalawa
nasa ganun kameng position ng…

“ehem” … sambit ng isang boses na pamilyar saken

Nang lingunin ko to

“hi insan”sambit nito saken

Nabigla naman si rj ng marinig ito at agad na tumayo mula sa pagkakahiga

“insan” sambit ko na halatang nabigla rin

Tuluyang pumasok ang babae sa kwarto namen ni rj

“so.. aren’t you going to hug your precious cousin?” tanong niya ng makarating ito sa harap ko

Niyakap ko siya at pinakilala kay rj

“ahmm insan si rj ….” Pagsisimula ko

Tahimik

“boyfriend ko” sambit ko…

sa narinig niyang yon… pansin ko ang pagtaas ng kilay ng pinsan ko

“ahmm.. rj .. si—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsabat ng pinsan ko

“emee… emee ballatores soledad” sambit niya sabay ng abot ng kamay niya, inabot yon ni rj at nakipag kamay

“so … boyfriend…” tingin niya kay rj

Bumaling ang tingin niya saken at sabay sabing

“alam ba to nila tita?” isang madiin na tanong niya

“hindi pa insan” pagsagot ko

Tumango siya

“lets talk about this later,, ill be here for 5 days.. ako na muna kase ang pinamamahala ng buong resort, as if I have a choice to say no… so maybe… mamaya .. sa lunch.,.. magkasabay sabay tayong tatlo” sambit niya sabay ng ngiti at pagtalikod at paglakad palabas ng kwarto

Nagkatinginan lang kame non ni rj… alam kong natatakot siya… lumapit ako sa kanya at hinagkan siya..

“kaya naten to” sambit ko

Nang araw na ren na yon sinubukan pa ren naming ni rj na maging Masaya.. naglakad lakad kame sa bawat sulok ng resort…

Tipong lakad habang magkaholding hands… may mga tumitingin samen, may mga ngiti,,, meron ring mga taong, walang expression pagnakikita kame… at marami rin ang mga taong tila sinisilyaban ng Makita kame

Kahit na nakikita ko siyang ngumingiti alam ko sa loob loob niya andon ang pagaalala,.. at gusto kong mawala yon.. gusto kong patunayan sa kanya na wala siyang dapat ipagalala
Nang makarating kame sa pool…

Kame lang ang nandon, tong pool kase na to nasa bandang likuran ng resort kaya hindi masyadong nararating ng iba pang mga guest

Tinulak ko siya sa pool.. nang nandon na siya ako naman ang patakbong tumalon dito
Nang umahon ako agad ko siyang niyakap

“mahal na mahal kita rj” sambit ko

“mahal na mahal rin kita chris” sambit niya

Magkadikit ang mga ilong namen… ang kamay niyay nasa balikat ko.. at ang kamay koy nakayakap naman sa beywang niya ngiti at tawanan lang kame …sa mga mata niya kita ko ang ligayang nararamdaman niya…. Pakiramdam ko ng mga oras na yon… nasa langit ako…

Kahit alam kong pagkatapos ng ilang oras ay maaaring magsimula na ang mga pagsubok sa aming pagsasama , wala akong pake.. basta kasama namen ang isat isa.. wala akong dapat ikatakot

“hindi ako papayag na mawala ka pa” sambit ko sa kanya

“hindi ako papayag na mawala pa ako sayo” sambit niya at sabay ng ilang mahinang tawa

Halos isang oras rin kame ron… nagpakasaya sa mainit na tubig at paglangoy.. nang mapansin namen ang oras

Mag aalas dose na…..

No comments:

Post a Comment