Followers

Sunday, January 22, 2012

angel of mine (14)

Rj bulabos

Dumating ang araw ng birthday ng mama ni chris, araw na magkahalo halo ang mga nararamdaman ko, may kaba, may excitement, may takot,

Hindi ko alam kung tama ba ang timing nato, sa totoo lang, naiisip ko na parang na kakabastos sa side ng mama ni chris

pero pilit namang sinisiksik ni chris na tama ang oras nato para sabihin sa lahat sa kung sino at ano siya

sa mga panahon na to. Hindi lang to tungkol sameng dalawa eh, tungkol ko sa sarili niya, sa kung ano siya

“ready?” tanong niya saken nang pumasok siya ng kwarto

Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya,

“ikaw ang dapat kong tanungin niyan” sambit ko

Nang tingnan ko ang mukha niya, nakangiti lang siya saken

“babe, ilang taon na kong nakikinig sa kanila.. at sa oras naman na to. Kailangan sila naman ang makinig saken”

Kasunod non ay ang halik niya saking labi

Nang matapos ang halik na yon., agad nrin kameng pumunta sa venue ng party

Isang napaka lawak na hacienda ang venue ng party, isang lupain na pagmamayari ng mismong pamilya nila chris,

Nang makarating kame ron lubog na ang araw ngunit napakaliwanag ng bawat sulok ng hacienda at tila napakarami nang tao, ibat ibang tao na nakasuot ng magagarbong kasuotan, mga tao na alam mong sa ngiti at galaw nila, ay talagang may mga class

Lumabas kame ng kotse ni chris , sumalubong agad samen si emee

“insan, rj, don na tayo sa loob, parating narin daw sila tita at tito mamaya” sambit nito samen

Agad na naming tinunton ang napakalaking bahay nang makarating kame sa salas nito naupo na agad kame

“kinakabahan ako” sambit ni emee

“mas lalo ako” sambit ni chris

Hindi ko alam ang sasambitin ko, hinawakan niya ang mga kamay ko , nagyeyelo sa lamig ang mga kamay niya

Tiningnan ko ang mga mata niya, kitang kita ko ang kabang namumuo dito , hinalikan ko siya at sinabing

“hindi kita iiwan, magkasama tayo dito” sambit ko sa kaniya

“salamat mahal ko” sambit niya at sbay ng pagyakap niya saken

Nakikita ko naman si emee, na tila maluha luha sa mga nasasaksihan niya

Nasa ganun kameng position ni chris ng marinig namen ang isang matining na boses

“salamat sa pag dalo mare, cge cge, sandali na lamang at magsisimula na ang mumunting programa” sambit ng boses na to

Nang marinig iyon ni chris agad siyang bumitaw saken, kinabigla ko yon, pero nang iluwa ng pinto ang taong may ari ng boses na ito , dun ko na pagtanto. Ang mama ni chris kasabay ng pagpasok nito ay ang kanyang papa

“iho” sambit nito ng makita si chris

Agad na tumalima si chris at tumayo

Tumayo narin kame non ni emee

“salamat sa party na ito, napaka ganda” sambit nito ng yakap na nito si chris

Aaminin ko ng mga oras na to, kinakabahan na ako, sa tindig kase ng mama ni chris kahet anong oras ay pwde itong sumabog, yung tipong pagtitingnan mo eh parang napaka istrikta

Simple lang ito kung manamit, kokonting abubot sa katawan at hindi naman ito katandaan, tingin ko nasa mid 40’s na ito

Nang matapos ang pagkayakap nito kay chris, ay saken naman natuon ang pansin nito

“maganda gabi” sambit nito saken ng may ngiti

“magandang gabi rin po” pabalik kong pagbati

Ngumiti lang ito saken

Nagging tahimik ang paligid

Sa mga oras na to, hinihintay kong magsalita si chris at ipakilala ako, pero tila pipi siya at nakapako lamang sa kinatatayuan

Ilan pang minuto

“madam, magsisimula na po ang programa, nais po sana munang lumabas kayo at magpakita sa lahat ng guest” sambit ng isang babae na nagaayos rin ng party

Tumungo lamang ito bilang hugdyat ng pagsang ayon

Nang lumabas ang babae, akto namang susunod na ang mama ni chris ng

“ma sandale” sambit ni chris

Sa pag tawag nato ni chris agad na lumingon ang kanyang mama , sa paglingon na yon ay may isang malumanay na ngiti na taglay ang mga labi ng mama ni chris, gayon din sa kanyang ama,

“ma, pa, si rj po,” sambit ni chris

“rj” sambit ng mama nya sabay ng isang ngiti

Lumapit ito saken at pinakilala ang kanyang sarili

“Mrs ballatores, mrs, Hannah ballatores” sambit nito saken at sabay ng isang pagkamay

“ma, si rj po, kasintahan ko” buong buo na sambit ni chris

Mula sa mahigpit na pagkamay nito saken ay lumuwag ito, ang ngiti nito ay unti unting naglaho, tumingin ito kay chris , sa pag talikod nito saken , nakita ko naman ang papa ni chris, wala itong kareareaction sa narinig mula sa anak, blanko ang mukha nito
Tahimik

“anong sinabe mo?” tanong nito ng may tono ang boses

“ma, bakla ko po ako, ang lalakeng nasa harap nyo, ay nobyo ko” sambit ni chris

Tumingin saken ang mama ni chris

“umalis ka ng pamamahay ko” matigas na sambit nito

“ma!” sigaw ni chris

“naririnig mo ba ko iho?..” sambit nito saken

“umalis ka ng pamamhay ko” pagulit nito

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung anong ikikilos ko, napako ako sa kinatatayuan ko, dala ng takot, kaba at halo halong imosyon , gusting pumatak ng mga luha saking mga mata, pero pilit ko itong pinipigil

Lumapit saken si chris

“hindi siya aalis ma” matigas na sambit ni chris

“mahal ko siya” dugtong pa niya

“alam mo ba kung anong mga sinasabe mo chris? Hndi ka pwdeng maging bakla! .. … isang kasalanan sa diyos ang ginagawa mo naka saad sa bibliya na ang pagiging bakla ay isang abomination! !” matigas na sambit nito

“at isa pa!, nagiisip kaba?... alam mo ba kung anung maaaring mangyare, kung sakaling malaman ito ng buong pamilya? … ng mga taong nakapalibot saten? Hindi mo ba naiisip ang sasabihin ng iba?… masisira tayo chris, hindi ka talaga nagiisip!”

“ma iisipin mo pa ba ang sasabihin ng iba? … kesa sa sariling kapakanan ng anak mo?” sambit ni chris

“sariling kapakanan mo lang ang iniisip mo, hindi ka nakikinig samen!” sambit nito kay chris

“ma!...for 19 years, kayo lang ang nagpatakbo ng buhay ko, kayo lang ang pinakingan ko, sana naman sa konting oras na to. Ako naman ang pakinggan at intindihin nyo” sambit nito

“lahat ng ginagawa namen ay para sayo!”

“pero tinanong nyo ba saken kung Masaya ako sa mga ginagawa ninyo na para saken?”

Tahimik

Tumingin saken ang mama ni chris

“ipahahatid ka nalang namen sa driver, sabihin mo nalang ang eksaktong address mo, makakauwe kana” sambit nito saken at sabay ng pagtalikod at lumabas ito

“N—“

“chris” pagtawag ko kay chris

Tumingin siya saken

Yinakap ko siya

“susundin naten ang mama mo sa ngayon pero wag kang magalala, hindi nila tayo kayang paghiwalayin”sambit ko sa kanya habang naka yakap

“sumusuko ka naba?” sambit ni chris

Hinarap ko ang mukha niya saken

“mahal hindi kita kayang sukuan, minsan talaga kailangang umurong ng isang hari sa isang laban dahil kung hindi pati ang buhay ng kanyang mga sundali ay malalagay sa piligro” paliwanag ko sa kanya

“mahal na mahal kita rj” sambit nito saken

“mahal na mahal rin kita chris”

Yon ang huling mga salita namen sa isat isa tuluyan na akong lumakad palabas ng mansion na yon,

Ng gabing yon, natulog ako ng may luha saking mga mata, hindi dahil sa nasasaktan ako.
Kundi dahil natatakot ako na mahirapan si chris sa sitwasyong ito,


No comments:

Post a Comment