Christian ballatores
“Christian” sambit ng boses
Boses na kay tagal nang umaaligid sakng mga panaginip
“imulat mo ang iyong mga mata, gumising ka” sambit pa muli nito
“sino ka?” tanong ko rito
Ngunit walang sagot na bumalik sa aking katanungan
“christian” muli niyang pagtawag saking pangalan
Kasing lamig ng boses niya ang paligid ng aking kinahihigaan
‘nasan ako?’ tanong muli ng aking kaisipan
Nararamdaman ko saking mga kamay ang makakating damo
Naaamoy ko ang lupa na aking kinalalagyan
“imulat mo na ang iyong mga mata, oras na para ikay magpasya” sambit nito muli sakin
Unti unti ko nang minulat ang aking mga mata
Kasabay ng aking pagmulat ay ang dilim na lumulukob sa buong paligid
Nasan ako? … ito naba ang impyerno? Ito naba ang sinasabe ng mama na kapalit ng tinahak kong landas?
Unti unti, may pulang anyo na lumabas sa aking harapan
Di pang karaniwan na nilalang,
“kamatayan” sambit nito saken
Natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong,
Unti unti kong nasilayan ang liwanag na nasa likod ng di pang karaniwang nilalang
“lumakad ka at lampasan mo siya, isa kang nilalang ng dyos ,, taong may puso at may kaluluwa, gamitin mo ang biyaya ng dyos,, gamitin mo” sambit ng boses na kanina lang ay gumigising saken
“natatakot ako, makasalanan ako, san ako pupunta!” sambit ko
Unti unting dumaloy ang mga luha aking pisngi , hindi ko alam ang gagawin ko
Ito naba ang tuluyang kamatayan ng aking kaluluwa?
Ito naba ang impyerno para sa mga katulad kong bakla?
“makinig ka sakin ..” sambit ng boses
“maniwala ka sa sarili mo, dahil sa iyong paniniwala, walang impossible, dahil sa iyong paniniwala sa sarili walang sinoman ang kayang makasakit sa iyo” sambit nito
“maniwala ka sa sarili mong kakayahan, walang impossible!” sambit muli nito
“HUMAKBANG KA ANAK NG DYOS AMA!” sigaw nito saken
Unti unti, naramdaman ko ang init na lumulukob sa buo kong pagkatao ,, lalong lalo na saking puso,
Tumayog ang aking isipan,
“anak ako ng ama, wala akong sakit, walang problema sa akin,, at higit sa lahat MAHAL AKO NG DYOS!” sigaw ko
Unti unti akong naglakad pasentro mismo sa di pang karaniwang nilalang
Bawat hakbang ko unti unting nagliliwanag ang aking katawan
Unti unti , napalapit ako sa di pangkaraniwang nilalang na iyon
Unti unti rin siyang nawala, hanggang sa nawala narin ang tumatakip sa liwanag
“nasa iyong mga kamay ang pagpapasya Christian… nasa iyong mga kamay ang kapalaran” sambit ng boses
Nilapitan ko ang liwanag
Pumasok ako rito
Liwanag ang siyang bumabalot sa buong paligid
Muli ay sinara ko ang aking mata dala ng pagkasilaw
Nang tuluyan na akong nakapasok , muli kong dinilat ang aking mata
Tumambad sakin ang kay gandang tanawin, puno ng kaluwalhatian
“maligayang pagdating Christian” pagbati sakin ng boses
Nang tingnan ko ito, ay isang matayog na lalaki ang tumambad sakin
“nasaan ako?.. sino ka?” mga tanong na agad kong inusal
“ito naba ang langit? … patay naba ko?” muli kong tanong
Ngumiti lamang ito saken at isa isa niyang sinagot ang aking mga katanungan
“narito ka sa lugar ng pahingahan, ako si raphael, wala kapa sa langit at hindi kappa patay” pagsagot nito mga aking mga tanong
“kung hindi pa ko patay, anong ginagwa ko rito?”
“narito ka para maagpahinga, at higit sa lahat, para magpasya”
Kumunot ang aking noo
“magpasya ng ano?”
“magpasya kung nanaisin mo pabang mabuhay sa mundo , o mananatili ka rito?” sambit niya sakin ng nakatingin sa aking mga mata
Natahimik ako
“alam mo kasi Christian, totoo, tunay, at walang duda, na talagang napakataas ng discrimination ng ating lipunan sa mga taong di lang katulad mo, kundi ng bawat tao, bastat may makita lang silang mali, o di nila gusto ay agad agad na nila itong didiscriminahin” sambit niya
“sa totoo nga niyan eh, hindi makakagalaw ang sinomang tao sa mundo nyo ng hindi nadidiscrimina ng sinoman”
Tumungo tungo ako bilang pagsangayon
“pero ang mahalaga sa lahat Christian, ay ang paniniwala mo sa iyong sarili, na kahit ano pang sambitin ng iba, laban sayo, alam mo sa sarili mo na hindi ikaw yon, dahil naniniwala ka sasarili mo eh”
“yong ginawa mo kanina? … ang pagtayo mo laban sa takot, isa yan sa mga paniniwala… naniwala ka na mahal ka ng dyos, at higit sa lahat, naniwala ka sasarili mo na kaya mong lagpasan ang halimaw na kanina lang ay humahadlang sa iyong kaligtasan at kasiyahan”
“pero paano kung sarili ko nang magula—“
“kahit sino pa ang makalaban mo.. tumayo ka, at ipakita mo na kaya mo,na hindi ka magpapabagsak sa pamamagitan ng kanilang mga masasakit na salita”
Lumapit siya saken at niyakap ako
“oras na Christian, kailangan mo nang bumalik” sambit nito saken habang akoy yakap yakap niya
“ayoko,” biglaan kong nasambit
No comments:
Post a Comment