RJ BULABOS
Kinabukasan
Nasa gitna ako ng paliligo nang marinig ko ang boses non ni jenz
“kapatid anong oras pasok mo?” tanong nito saken
“12 to 8 ako kapatid.. bakit?”pag sagot at pagbalik narin ng tanong ko sa kanya
“aalis ako kapatid mamaya ng 9:30,, may racket ang banda malake lake ren ang kita don” pag sagot naman ni jenz
“cge kapatid, ako nang bahala dito sa bahay”
Nang matapos na ko sa paliligo inayos ko na ang sarili ko 11 na . magbabyahe pa ko.. baka malate na ko nito
Pagdating ko .. parang natural lang ang lahat,, walang kakaiba… ibat ibang natural na tao… mga taong subsob sa trabaho…
pinuntahan ko na agad ang table ko non, iniayos ang mga gamit ko at nagsimula naren sa ibat ibang calls na dumadating
ilan pang mga oras ang lumipas nang may narinig na akong mga boses sa pintuan palang ng hall
“good afternoon po sir”
Mga boses na bumabati….
Sigurado na ko.. si chris
Maya maya pa nakita ko na ang isang lalaking pormal na pormal sa kanyang suot ,
Malaki ang ngiti nito at bumabati rin sa ibat ibang tao na bumabati sa kanya
Tumingin sa kinaroroonan ko ang lalakeng yon… isang matamis na ngiti ang binigay niya saken at kumindat ito..
Natawa na lamang ako sa tinuran nito …
Nang makapasok na siya sa sarili niyang opisina balik narin sa trabaho ang lahat
Natapos ang office hours ko non ng puro calls at pagkilala sa ibat iba pang tao na nandon din sa floor
Nang time ko na non para umuwe, inayos ko na ang mga gamit ko , bago man ako tuluyang lumabas.. tumingin muna ako sa pinto non ni chris
Ngumiti at lumabas patungo sa sakayan
Nasa taxi na ko non nang magring ang phone ko , nang tiningnan ko ang screen naka register na number ay si chris
“hello?”pagsagot ko
“uuwe kana?.. di mo man lang ako hinintay? … may sasabihin pa naman ako sayo” sabi ng lalake sa kabilang linya
“marame ka pang dapat tapusin jan sir…nakita ko po lahat ng papers na nakapile up jan sa table mo” pagsagot ko
“half papers na lang.. natapos ko na kanina pa lahat”pag sagot niya
“oh,, edi tapusin mo na yan”
“ito na nga eh… cge tatawag ule ako mamaya”
“ok.. I’ll wait for your call”
At binaba na nya ang phone
Nang makauwe ako ng bahay,.. andon pa si jenz handang handa narin sa kanyang lakad..
“kapatid.. ayos ba?” tanong ni jenz . tinatanong kung ayos ba ang kanyang suot na damit
“ayos na ayos kapatid… rakistang rakista” sambit ko sabay ng isang mahinang tawa
Tumawa rin si jenz
Dumiretso narin ako non sa kwarto ko para magpalit
Ilang minuto lang.. narinig ko ang pagkatok sa pinto.. inisip ko non na baka kasamahan ni jenz sa raket niya
Pero hindi pala
“kapatidddddd!!!!... prince charming alert!” sigaw niya
Nabigla naman ako…
‘ano raw!’
Agad agad na kong nagbihis ng damit sa sobrang pagmamadali ko para malaman kung sino ang nasa labas .. kung tama ba ang hinala ko… boxers at fit na tshirt lang ang naisuot ko
Paglabas ko ng kwarto.. tinunton ko ang pintuan sa labas… laking gulat ko naman ng sa salas palang andon na ang bisita.. si chris nga!
“wow kapatid… ADONIS? IKAW BAYAN?” sambit ni jenz sabay ng isang malakas na halakhak
Tiningnan ko nang matalim non si jenz.. at lalo pang lumakas ang tawa niya
“anyway!!!... paalis narin naman ako ngayon.. may raket eh…” sambit ni jenz at binitbit na nito ang kanyang mga gamet
Nang nasa pinto na si jenz
“nga pala sir.. hindi po nakain si chris ng chocolates” sambit ni jenz sabay ng isang nakakalokong ngiti
“cge kapatid! Babusshhh… paki video nalang mangyayare ah… panuorin ko bukas!” sambit niya sabay ng isang malakas na halakhak ule at tuluyan nang lumabas ng bahay
Nang makaalis na si jenz
Nakatingin lang saken ni chris pinipigil ang sarili na tumawa
“so ?”sambit ko sa kanya ng may mataray na boses
maya maya huminahon na siya at nagging seryoso na
“hindi ka nakain ng chocolates?” tanong niya saken
“hindi eh.. lalo na yung may mane..or almonds”
“eh cake naman siguro nakain ka?” tanong pa niya ule
“oo naman…” sagot ko
“yon naman pala eh” sambit niya sabay ng isang ngiti
Tumalikod na ko para kumuha ng maliliit na plates at mga fork at knife
Pagbalik ko…
“oh ikaw na magslice niyan ah” sambit niya
“hindi ka marunong magslice noh?” sambit ko
“marunong naman kaya lang tabingi “ sambit niya na medyo nahihiya
Natawa naman ako
So yon nga ako na ang nagslice
Habang nagsslice naman ako… kinalikot niya ang mga cd`s and dvd`s na nasa ilalim ng lamesang yon
Pag balik niya sa maayos na pagupo.. hawak na niya sa kamay niya ang isang bala
THE LOVE OF SIAM
“wow ah” sambit niya sabay ng tingin saken
“eh sa mahilig akong manuod ng mga pampakilig eh” sambit ko
“pwde panuorin naten?” tanong niya saken
“seryoso ka?” pabalik kong tanong sa kanya
Isang matamis na ngiti lang ang binigay niya saken
“ocge” pagsang ayon ko nalang
Sinalang namen ang bala
Habang nag peplay ito siya namang kain namen ng cake
Nang maubos na ang nasa plate namen.. inilapag nalang namen ito sa lamesa
Magkadikit kame na nakaupo sa sofang iyon ni chris
Unti unti napapasandal ang ulo ko sa makisig niyang balikat
Nang tuluyan na kong sumadal… hinawakan niya ang kamay ko… ang nasa scene non ng movie eh yung magkasama na ule ang dalawang pangunahing tauhan
Maya maya narinig kong sinabe niya
“mahal na kita rj”
Napatingala ako at nagkatinginan kame
Muli inulit niya ang mga katagang yon
“maha na kita rj..”
Ngumiti ako…
“mahal na rin kita chris”
Unti unti.. naglapat ang aming mga labi…
Sa gabing yon… nagging opisyal na… kame na ni chris..
Ooppss! Wala pa pong nangyayareng something something!
Simple love kiss… at holding hands palang.. dahil unang una… nirereserve namen yon para sa isat isa… ;)
Sabe nga niya
“hindi naman naten kailangang magmadale.. tayo naman ang may hawak ng oras nateng dalawa… basta ang mahalaga ngayon.. mahal kita at mahal mo ko”
No comments:
Post a Comment