Followers

Monday, March 28, 2011

demon loves angel (15)

tumulo ang luha ni wanson

nais niyang sabihing mahal niya rin si jerson , pero alam niyang mali,
maraming hadlang

umugong sa isipan ni wanson ang sinambit ng matandang madre

'ang pagibig ang pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat'

'pero mali parin! parehas kaming lalake!,hindi pwde to!!, pero aaminin ko mahal ko na rin siya'nasambit ni wanson sa kanyang isipan

nagtatalo ang kanyang isip at puso..

ano bang dapat sundin? ang sinasabi ng isipan na wag gawin ang mali, o ang sinasabi ng puso na walang mali sa pagmamahal ng isang tao

humarap si wanson kay jerson

"jerson, mahal rin kita, pero, --"sambit ni wanson na hindi naipagpatuloy

"kung mahal mo rin ako bat hindi natin ipagpatuloy ito sa isang relasyon?"mabilis na sambit ni jerson

"mali ito, jeson hayaan mo muna akong magisip"sambit ni wanson habang patuloy ang pagdaloy ng luha

"bibigyan kita ng space at oras para magisip, pero wanson ito ang isipin mo, mahal na mahal kita. maging akin ka man o hindi, basta ang alam ko mahal na kita, ngayon lang ako naging ganto"sambit ni jerson

tumalikod muli si wanson at patakbong umakyat sa kaniyang kwarto

naiwan si jerson naghihintay,nagmamahal at umaasa

Tadhana – Up Dharma Down « Song & Lyrics


Sa hindi inaaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Bakit hindi pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga at kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo

Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Bakit hindi pa sabihin
Ang hindi mo aminin
Ipaubaya na lang ba ito sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…

Lalalala…
-----------------------
nang makarating si wanson sa kanyang kwarto
dun na siya nagiiyak at lumuha

'mahal kita! pero mali ito sa ng ama!, hindi ko na alam kung anung susundin ko! ang puso ko o ang isip ko!' sambit ni wanson sa kanyang isipan

sa kalagitnaan ng paghagulgol ni wanson
biglang tumunog ang pinto
ilang katok ang kaniyang narinig


inayos ni wanson ang sarili
pinahid ang luha at pinilit na pahimasmasin ang sarili

"bukas... ho yan"sambit ng boses ni wanson na nasa tono ng basag

nang bumukas ang pinto, si father ang iniluwa nito

laking gulat naman ni wanson ng makitang si father ang kumatok

"magandang araw sa iyo iho"pagbati ni father

"magandang umaga rin po"pagbalik na pagbati niya rito

"nakita ko ang lahat iho"tuwirang sambit ni father

nang marinig ito ni wanson, inihanda na niya ang sarili para sa parusa na kanyang matatanggap

pero

"sundin mo ang nais ng iyong puso"ang nasambit ni father

nagulat man si wanson sa narinig, may ligaya parin itong dulot

"pero father---"ang sambit ni wanson ngunit hindi niya ito maituloy

"nakasaad din sa sinabi ng ama na malaya kang gawin ang lahat ng nais ng iyong loob, bastat wala kang masasaktan, at matatapakang damdamin"sambit ni father

niyakap ni wanson ang pari

"salamat po father"sambit ni wanson na bakas sa loob ang kaligayahan

(to be continued)

No comments:

Post a Comment