nang matapos libutin ng grupo ang san huwaquin, sunod na ginalugad ang san tyermo
dakip silim na ng marating nilang tatlo ang san tyermo
lugar kung saan sinasabing pinagpugad ng mga taong satanista
"naririto na tayo"ang sambit ni michael nang makababa ng tricycle
"parang may pyesta ah"sambit naman ni abraham
puno ng kulay ang buong barangay ng san tyermo, di tulad sa dalawang napuntahan na barangay, mas maganda ang paligid nito, at mas mababait ang mga tao, ni hindi mo maiisip na ito ay pugad ng mga demonyo
"magiingat po tayo, hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay ang tunay na anyo"ang matalinhagang paalala ni michael
"magandang gabi ho sa inyo"pagbati ng isang matandang babae ng madaan sila isang kumpulan ng mga tao
"magandang gabi rin ho"pabalik na pagbati ni wanson
"ako nga ho pala si marsela, isang matandang taga pangalaga ng lugar na ito, mukang mga dayo ho kayo?"ang pagpapakilala at pagtatanong ng matandang babae
si abraham ang siyang nakipag usap
"oho eh, nais lang ho sana nameng maglibot ng kaonte.. galing pa ho kame ng maynila, ang sabi ho kase sa maynila ang lugar raw ho ninyo ang pinaka magandang lugar upang magpahinga"ang buong pagsisinungaling ni abraham
"ay ganuon ho ba, nakow!, mukang sikat na ngang tunay ang aming barangay, sige ho naway magustuhan ninyo ang pagdalaw rito"ang sabi ng matandang babae at sabay nang pagtalikod
nang makaalis sa kanilang harapan ang babae
"sigurado kang pugad ito ng mga demonyo?"mahinang tanong ni abraham kay michael
"tulad ho ng aking sinabi, ang nakikitang panlabas na kaunyuan ay panlabas lamang"ang pagsagot ni michael
di na nagsalita pa si abraham, at nagpatuloy ang kanilang pag gagalugad
tahimik lamang si wanson habang nililibot ng kanyang mata ang halos lahat ng paligid ng san tyermo, inaasam na matyempohan ang lalakeng nais tulungan
'ni hindi ko pa alam ang kanyang ngalan'ang nasambit ni wanson
"sandale"sambit ni abraham ng may kasamang paghihingal
kanina pang naglalakad ang tatlo at tila pagod na pagod na itong si wanson
"pwde bang magtigil muna tayo ng sandale? uminom ng tubig? kumain? kanina pa tayo lakad ng lakad ah?"buong pagod na pagmamaktol ni abraham
"hindi ho tayo maaring uminom at kumain ng pagkaing galing sa barangay na ito, lalo pat ang alam nila ay mga dayuhan tayo"pabulong na sambit ni michael
"gutom na ko eh"pagmamaktol muli nito
naglinga linga si michael, nang may nakitang isang kainan duon niya dinala ang dalawa
nang makarating sa maliit na kaninan
"maupo na tayo"ang sambit ni michael
at agad namang naupo si abraham
maya maya pay may lumapit na babae
"ano hong nais ninyong kainin?"ang pagtatanung nito kasabay ng isang matamis na ngiti
"ahhh---"si abraham
biglang nagsalita si michael
"tatlong kape lang ho"ang pagbigay nito ng nais inumin
"yon lang ho ba?"pagtatanung muli ng babae
"oho"mabilis na sagot ni michael
nang makaalis ang babae
"tae naman oh, bat ba ayaw mo kameng pakainin!?"buong pagmamaktol ni abraham
"kakaen ho tayo"sambit ni michael at sabay kinuha ang kanyang bag at mula dito ay kinuha ang mga pagkaing binaon galing sa kumbento
"yown naman pala eh!"halos maisigaw ni abraham
"shhh"sambit ni wanson pahiwatig na wag magingay
maya maya pay dumating na ang babae dala ang kanilang sinabing nais inumin
nang mga panahon na ito ay nakain na ang tatlo ng pagkaing dinala ni michael
"eh pano to?"mahinang sambit ni abraham
kinuha ni michael ang isang tasa at pasimpleng tinapon ito sa halamang nasa gilid lamang nila, sumunod naman sa ginawa ni michael ang dalawa
No comments:
Post a Comment