Followers

Wednesday, March 23, 2011

demon loves angel (2)

"wanson wanson!!!"pagtawag ni abraham kay wanson

kararating lang nuon ni wanson sa kumbento

napalingon naman siya at hinintay na makalapit sa kanya ang kaibigan

"tol bute nalang kasama kita dito sa kumbento noh? kung hindi talagang mababaliw ako rito, sabe nila ang dame daw hindi pwdeng gawin dito eh, dameng mga patakaran"
ang sabi nito ng makalapit na kay wanson

"natural tol, lugar ito kung saan maaring makipagugnayan sa ama, at tayo ang mga taong susunod na magpapakalat ng mabuting balita, kaya dapat i train tayo ng maigi,"sagot naman ni wanson

"kung di lang talaga para sa nanay ko tol"sabi naman ni abraham
sabay ng pagiling

"kaya pagbutihan mo tol, para sa bilin ng nanay mo" sabi naman ni wanson

ilan pang hakbang ang kanilang nilakad upang makarating sa kwartong paghahatian nila habang na nanatili sa kumbento

nang makarating sa kanilang kwarto inayos na agad ni wanson ang mga kagamitan sa lalagyanan..di naman ito ganuon kalakihan sakto narin para sa dalawang tao, si abraham naman ay inilapag lang ang mga gamit sa kama nito at lumabas na

habang nagaayos naman si wanson rinig niya ang mga ingay sa bintana lamang ng kwarto nila..

ingay ng mga batang tila ba may mga kinatatakutan..

"mga batang binubully!"ang sigaw ng utak ni wanson

agad siyang tumingin sa bintana

hindi nga siya nagkamali , may mga batang nakaputi na mukang mga angel at mga mas matatandang bata na gusgusin , tinatakot ng mga batang gusgusin ang mga batang nakaputi

agad na bumaba si wanson at tinunton ang lugar na iyon

nang makarating si wanson sa lugar.. agad niyang sinitsitan ang mga bata

"mag siuwe nga kayo!" ang sigaw niya dito

nang umalis na ang mga batang gusgusin

"ayos lang ba kayo?"tanung ni wanson sa mga batang nakaputi

"salamat po kuya"sabi nito sa kanya

"cge na pumasok na kayo ng kumbento" utos ni wanson sa mga batang ito

pinauna na ni wanson ang mga bata, nangmakapasok na ang mga bata ilang minuto pa na nanatili sa labas si wanson

tinitingnan ang paligid.. nagmamasid...

nang di katagalan ay may narinig siyang mahinang palakpak
at di rin nagtagal ang palakpak na ito ay unti unting bumigat at lumakas

liningon ito ni wanson

nang makita niya ang itsura ng lalake, makinang ,nakakaakit, parang dyamante

"sino ka?!"malakas niyang sambit dito

"ikaw ang dapat kong tanungin niyan?!, sino ka? anong ginagawa mo sa mga bata ko? ikaw nanaman ba ang bagong tagapagtanggol ng mga batang puti?!" galit na sabi nito kay wanson

"ako si wanson tordillas, mga bata mo?... yung mga batang nangbubuly kanina? tingin mo ba kinalulugod ng dyos ama ang pananakit ng kapwa tao?" ang nakataas noong sabi ni wanson

"dyos ama?"sabi nito sabay ng malakas na tawa

"si jesus ang sinasabe mo noh? isa karin pala sa mga bobong uto uto,"sabi pa nito

"a-ano--"sabi ni wanson na hindi naipagpatuloy dahil nagpakilala na ang taong nasa harap niya

"ako si jerson lopez, isang tunay at buong satanista.. taong sumasamba sa panginoon ng kamatayan... taong may tamang utak. at taong may talino, hindi tulad mo.. uto utong bobo!"
pasigaw na sabi nito kay wanson

hindi makapag salita si wanson.. nagkaruon na siya ng ibat ibang balita tungkol sa mga taong sumasamba kay satanas.. puro sa kwento at babasahin niya lang ito nakikita.. at ngayon nga na may tunay na satanista sa harap niya.. hindi niya alam ang gagawin niya

"oh?! wanson ang ngalan mo hindi ba?, bat hindi ka makapagsalita? , natatakot kaba?"sabi ni jerson habang unti unti itong lumalapit kay wanson

sa paglapit na iyon ni jerson unti unti namang umaatras si wanson hanggang sa napasandal na si wanson sa pader ng kumbento

'patay, macocorner niya ko' sabi ni wanson sa kanyang utak

hanggang sa di nga nagtagal na corner ni jerson si wanson sa pader

"lumalakas ang tibok ng puso mo wanson, natatakot kaba? wag kang matakot...."sabi ni jerson at unti unti nang lumalapit ang labi nito sa labi ni wanson

(to be continued)

No comments:

Post a Comment