dumaan ang mga araw, mga linggo.. halos tatlong linggo na ang nakakalipas
na walang jerson na nag papakita kay wanson
bawat araw na dumarating unti unting nawawawalan ng pagasa si wanson na muli pang makikita si jerson
mga araw na tila gabi , kay tagal, kay lungkot, at kay sakit na mga araw..
mga araw na hindi masilayan ang bawat isa...
------------
"tol pano yan?! bukas na kasal mo..."sambit ni kerwin sa kaibigan na nakaupo at nakatanaw sa malayong lugar
"ang swerte mo talaga tol..akalain mo noh? ang anak pa talaga ng pinuno ang mapangangasawa mo!... "pailing iling pang dagdag ni kerwin
tahimik lamang si jerson.. tila hindi naririnig ang mga sinasambit ng kaibigan
tahimik
tila nababasa na ng unti unti ni kerwin ang damdamin ng kaibigan
"tol, ayos ka lang ba?" pagtatanung ni kerwin
kasabay ng tanong na iyon ay ang pagpatak ng masaganang luha ni jerson sa pisngi nito
mula sa pagkakaupo at pagkakatabi ni kerwin sa kaibigan tumayo ito at humarap kay jerson
"pare ano bang nangyayare sayo? hindi kaba masayang ikakasal kana? , sabihin mo. anong nangyayare"sunod sunod na pagaalalang tanong ni kerwin sa kaibigan
halos utal utal si jerson ng ikwento kay kerwin ang lahat ng pangyayari
mula sa unang pagkikita nila ni wanson hanggang sa kasalukuyang panahon.
nang matapos na ang pagkukwento nito
"tol hindi ka sigurado kung mahal ka talaga niya , kay lesita siguradong sigurado ka, simula pa ng bata tayo patay na patay na sayo yon"sambit ni kerwin na taglay sa mga mata nito ang pagintindi sa kaibigan
"mahal niya ko, sigurado ako don, nagiisip lang siya , kung dapat ba naming ipagpatuloy to sa isang relation... hirap na hirap ako sa situation ngayon.. pano kung magpasya si wanson na mahalin narin ako?? pano kung sa mga panahon na iyon kasal na kame ni lesita" buong pagbigay ng suliranin ni jerson
mula sa pagkakatayo.. umalis si kerwin walang pasabi
'kaibigan kita tol, mula pa ng bata tayo, gagawin ko lahat para sa ikaliligaya mo'
(to be continued)
No comments:
Post a Comment