Followers

Sunday, March 27, 2011

demon loves angel (12)

nang sumunod na araw,

nasa dalampasigan muli si jerson

'tang ina ka!, bat ba kita kailangang sundin, sino kaba!,'sigaw ni jerson sa kanyang isip, dala ng inis nito sa mga nangyare

ayaw na ayaw ni jerson ang mga taong nagbibigay ng kautusan sa kanya, yung tipong papagalawin siya ng tao sa pamamagitan ng pagsasalita o utos

pero sa mga panahon na ito, wala siyang magawa, sinasabi ng kanyang utak na wag nang sundin si wanson, at wag narin itong balikan pa sa kombento , ngunit iba ang sinasabe ng kanyang puso

tumayo si jerson at binato sa dalampasigan ang isang piraso ng bato

"kapag lumubog oo, kapag lumutang hindi" tangang sambit ni jerson

alam niyang hindi lulutang ang bato, ginawa niya lang itong pamantayan ng pagpapasya

katulad nga ng sabi, lumubog ito

nang lumubog na ito, binalikan ni jerson sa kanyang ala ala ang mga katagang binasa sa bibliya

'For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life'

ilang oras ring pinagisipang mabuti ni jerson ang mga kataga
hindi normal para sa isang satanista ang kwento ng bibliya
kaya talagang nahirapan si jerson dito

nagsaliksik, nagisip, nagtanung sa ibang kakilala na walang koneksyon sa satanista

pinaghirapan ni jerson ang bawat kataga

hanggang sa..

"ALAM KO NA!" bulalas nito sa tuwa
---------

lumubog na ang araw

nasa kwarto niya si wanson kasama si abraham na natutulog na, mahilikhilik pa ito sa pagtulog

napailing nalang si wanson tuwing maririnig ang hilik ng kaibigan, sanay naman na siya sa paghilik nito, nuon paman na magkabarkada sila ay talagang ganyan na ito kung matulog

nagbabasa na lamang ng libro si wanson at naghihintay ng dalawan siya ng antok

'wanson'sigaw ng tinig sa kanyang isipan

una niyang binalingan ng tingin si abraham
pero tulog na tulog na ito

'wanson'muling tawag nito sa kanyang pangalan

napatayo na si wanson at dumungaw sa bintana

si jerson!

sigaw ng kanyang utak, tila naman napapalundag sa tuwa ang kanyang puso

'sabi ko na nga ba hindi siya susuko ng ganun ganun lang'sambit niya sa kanyang isipan

agad na bumaba si wanson upang kausapin si jerson

nang makalapit siya rito

"pasensya-"naputol na sabi ni wanson

"alam ko na ang ibig sabihin ng mga kataga"ang mabilis na sambit ni jerson at bakas sa mukha ang matinding kasabikan na sabihin ito

wala namang nasabi pa si wanson

tahimik

"mahal ng ama ang lahat ng kanyang nilikha, kaya ibinigay niya ang kaisa isa niyang bugtong na anak upang umako ng kasalanan ng sanlibutan mula sa kamatayan at nagaalab na apoy ng impyerno, si jesus ang nagsagip sa sanlibutan at nagpapako sa crus ng kalbaryo para sa sanlibutan"

ang pagpapaliwanag nito

"pasensya kana wanson, natagalan ako sa pag alam ng ibig sabihin, hindi kase ako sanay sa gantong bagay, basta ang alam ko lang.. utos mo to kaya kailangan kong sundin"sambit ni jerson na bakas sa mukha ang pagkaamo nito

sumasabog sa kaligayahan ang puso ni wanson

"magaling jerson,"ang tanging nasambit nito

"magaling? yon lang? pinagpaguran ko kaya to"pagmamaktol na may kasamang pagiinarte naman ni jerson

natawa na lamang si wanson sa sinabi ni jerson, talagang kinaliligaya niya ang mga inaarte ngayon ni jerson

habang nasa kalagitnaan naman ng katuwaan ang dalawa

2 pares na mata ang sakanila ay nakatingin

sinasabe ng unang pares na

"hindi siya mapapasayo, akin siya mangaagaw ka !"

at ang pangalawa ay may bahid ng ligaya

(to be continued)

No comments:

Post a Comment