habang nakain ang tatlo , si wanson naman ay di parin matigil sa paglilinga
inaasam na muling masilayan ang lalakeng nais tulungan
nang maisip niyang wala nang panahon, at wala na ring pagasa
pumikit si wanson at nagdasal
'ama nais ko siyang tulungan, matutulungan ko siya lalo kung akin siyang makikita , ama tulungan nyo ho akong mahanap siya' buong pusong pagdarasal ni wanson
nang idilat nila ang mga mata
napansin niya ang lalakeng nakatayo sa labas ng kainan
alam niya ang presensya ng lalakeng ito..
'lumingon ka'nasambit ni wanson sa kanyang isipan
tila naman narinig ito ng lalaki
"siya nga!"nasambit ni wanson
"sinong siya?"pagtatanung ni abraham
"ha? ehh wala , cge kain lang tayo" sambit ni wanson
------------
nagtambay ang dalawang magkaibigan sa labas ng kaninan.. sina kerwin at jerson ng gabing iyon, ipaguusapan ang tungkol sa mga bagong kautusan
"tol anong balak mo dun sa mga bagong kautusan?"pagtatanung ni kerwin kay jerson
"wala kana don tol, tsaka tingnan lang naten kung lahat sumunod sa mga bagong kautusan nayan, kung ako nga isang kataas kataasang pinuno sinusuway ang kautusan , ang mga miyembro pa kaya?" mayabang na pananalita ni jerson
"ewan ko sayo tol, makaalis na nga rito, lakas ng hangin eh"ang sambit ni kerwin at sabay ng pagalis sa lugar
nanatili sa labas ng kaninan si jerson mag isa
naghihithit ng yosi
nang maubos ang dalawang stick, duon na nakaramdam ng magaang presensya si jerson, kakayahan ni jerson ito bilang isang satanista... ang maramdaman ang presensya at aura ng isang taong malapit o nagiisip sa kanya
maya maya pay narinig ni jerson ang isang tinig
'lumingon ka' sambit ng boses na ito, isang malumanay ngunit nagbibigay ng matibay na kautusan
napalingon si jerson, hinahanap ang presensya
'ok kaya ko tong hanapin, hinga ng malalim'sambit ni jerson sa kanyang sarili
pumikit siya at pinakiramdaman ang presensya hanggang sa matuon ang kanyang isipan sa lalakeng nasa loob ng kainan
"u-huh!, sabi ko na nga ba eh, magkikita ule tayo"nasambit ni jerson na nakatitig sa lalakeng nasa loob ng kainan
-----------
pansin ni wanson na titig na titig na sa kanya ang lalakeng kanina pa niya nais na makita
'anong gagawen ko alam na niyang narito ako'buong pangambang takot ni wanson
palapit na ng palapit sa kanya ang lalakeng nais niyang makita, kumakabog na ng sobra ang kanyang dibdib
-----------
pinasok ni jerson ang kainan, ramdam ni jerson ang pagkabog ng dibdib ng lalakeng tumawag sa kanya
ang pinagtataka lang ni jerson ay, bakit pati yata siya ay kinakabahan sa paglapit niya sa lalakeng ito
'ano bang meron sayo'tanung ni jerson sa kanyang isipan
nang malapit na si jerson sa kinalalagyan ng lalake muli niyang narinig
'jan ka lang'utos ng boses
"huh?"pagtatanung ni jerson
pinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki
'jan ka lang sabe eh!, wag kang lalapet'sigaw ng boses sa kanyang utak
wala nang nagawa pa si jerson kundi sumunod alam niyang hindi ordinaryong tao ang lalakeng ito
----------
dahil sa takot halos mamutla na si wanson sumisigaw ang kanyang utak na wag lumapit ang lalakeng ito
nang tingnan niya itong muli
hindi ito gumagalaw at nakasandal nalang ito sa pader
'naintindihan niya ang sinasabe ng utak ko?'buong pagtataka na sambit ni wanson sa kanyang utak
maya maya, nakaramdam ng pagputok ng pantog si wanson, dahilan siguro ng sobrang takot
"ahmm abraham michael pupunta lang ako ng palikuran"paalam nito sa dalawa
tumungo tungo naman ang dalawa pagbigay ng pahintulot
tumayo si wanson at tinunton ang palikuran
----------
'haha, pagkakataon ko na'sambit ni jerson sa isipan ng makita na papunta ang lalake sa palikuran
---------
nang makapasok si wanson sa palikuran walang tao rito, pumasok na agad siya sa isang cubicle
inilabas ang lahat ng naramdaman takot at pagkatapos ay lumabas na siya mula sa cubicle
nang buksan ang pinto laking gulat niya
(to be continued)
No comments:
Post a Comment