Followers

Thursday, December 15, 2011

angel of mine (5)

CHRISTIAN BALLATORES

Samakas breaktime

nagenjoy ako ng sobra sa office hahah!

So dahil breaktime nga, bumaba ako sa groundfloor, ang company kase namen sa labas, mall na agad so it means na ilang lakad lang may mga restaurant na

So yon nga..

When I entered the restau, same as before,

pagkaupo na pagkaupo ko, di naman sinasadya , (o malay ko bang sadya ng tadhana)
nahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na lalake sa kabilang table lang, at first hinayaan ko lang. hindi naman kase ganon ka kapal ang muka ko na perket ba namumukaan ko eh, lalapitan ko na at babatiin..,

So yon I ordered food,

Habang nakain ako,I heard a little noise ,

Like someone is pleading, saying sorry basta
nung nilingon ko, yung lalakeng nasa kabilang table


Pinakinggan ko ng mabute.. aba mukang nawawala raw ang wallet , by then nilongon ko na talaga ng todo laking gulat ko, si Mr. bulabos pala

ewan ko sa sarili ko, pero parang may isang malakas na force na nagsasabi saking.. stand up ,puntahan mo yon.

So yon nga, tumayo ako,, sakto namang pagtayo ko, may isang kantang pamilyar saken.. isang kantang naging parte na ng buhay ko



Habang papalapit ako non sa kinaroroonan ni mr bulabos parang napaka gaan ng pakiramdam ko , I feel like everything around me is perfect, papalapit palang ako sa kanya non ,.

Nang tuluyan na kong nakalapit don , perfect ang feeling ko, I looked at him, and he stared at me I cant understand it,

The next thing I knew I was speaking

“how much is it?” matigas kong tanong sa manager

Nakatulala lang saken non si mr. bulabos, the girl gave me the receipt pati narin ang receipt ko kinuha ko na at binayaran... I cant understand parang hindi ako ang gumagalaw, pagkatapos kong bayaran, I grabbed mr bulabos at lumabas na kame sa restau still the music was playing

“I look at you, lookin' at me
Now I know why they say the best things are free
I'm gonna love you boy you are so fine
Angel of Mine"

Nang nasa labas na kame ng restau

“teka nasasaktan ako, masyado naman yatang higpit ng hawak mo saken” sambit ni mr bulabos ng makalabas na kame

“ano bang pumasok sa kokote mo at pumasok ka sa isang restaurant ng wala kang dalang pera”, matigas kong sambit sa kanya

Kita ko ang pamumula ng mga pisngi niya, tila yata nainsulto ko, nong nakita ko yong ganong itsura niya, hindi ako natakot eh. Instead , parang nahabag pa ko sa mga sinabe ko

“mr ballatores , nawawala ang wallet ko , hindi ako tanga para pasukin ang isang restau na alam kong wala akong dala” matigas na sambit saken ni bulabos

“at teka nga , alam mo, kanina kapa sa interview eh , kala mo di ko pansen?!”

Sa oras na to iba na talaga tono ng boses niya

“kung tingin mo tanga ako, pwes nagkakamali ka, may utak rin naman ho ako, tao rin ho ako” matigas niyang sambit

At lumakad na siyang palayo mula sa kinatatayuan ko,

At Ako iniwan niyang nakatanga,

Hays alam nyo ba yung pakiramdam ng.. ikaw na nga tong tumulong, ikaw na nga tong nag mala saket, ikaw pa tong masama hays

So yon. Dahil naren sa nangyare nawalan na ko ng ganang pumasok sa opisina, kaya tinawagan ko nalang ang secretary ko , madali lang saken yon., anak ako ng may-are,,, mahirap magtrabaho kapag di na maganda pakiramdam mo

Nong natawagan ko, pumunta ako ng parking lot para kunin ang kotse ko, nong palabas naman ako ng parking lot, nakita ko si mr bullabos nakatayo sa waiting shed,

Naisip ko,

‘since may kasalanan naman ako dito, cge ill just give him a ride , sana naman mapapayag ko’

Pinarada ko sa tapat mismo ng waiting shed ang kotse, at lumabas ako,

“sinusundan mo ba talaga ako mr. ballatores!” galit na sabi niya

“hey look, kasalanan ko na, let me make it up to you.. ill give you a ride”

“I don’t need it,” ma pride yang sinabe

“nawalan ka ng wallet, at sa tingin ko nandon lahat ng pera mo… so im offering you a ride, pumayag kana, kesa naman maglakad kapa” pagpilit ko sa kanya

Maya maya biglang dumilim ang kalangitan, pati ba naman kalikasan kakampi ko eh haha!

“uulan pa yata” dagdag ko pa

“bakit mo ginagawa to? … tinulungan mo na ko sa restaurant kanina.. and now you want to give me a ride, you don’t even know me”

“actually tanong ko rin sa sarili ko yan” sagot ko

Napatingin siya saken… nagtapat ang mga mata namen, ngumiti lang ako sa kanya at ngumiti nalang rin siya sken

Hindi ko maintindihan, pero ibang iba talaga yung pakiramdam ko eh. Hndi ko maipaliwanag, iba siya… ive encountered different persons pero ngayon lang ako nakaencounter ng tulad niya,sa ngiti niyang binigay,di lng hudyat yon ng pagpayag niya, hudyat naren yon ng pagsisimula namen bilang magkaibigan

So I gave him a ride,, on the way sa bahay nila, puro kame sharing pagpapakilala sa isat isa, ibang iba ang mundo niya sa mundong ginagalawan ko,

“your too happy enjoying your life, at ako, namomoblema sa future ko” katagang mga sinabe niya ng nakangiti, pero alam ko talagang malaking problema sa kanya ang future niya…

I opened the radio , syempre sa favorite station ko.

Tahimik

Hanggang sa nakita ko siyang ngumingiti

“oh? Ngiting ngiti ka jan ah?” pagbigay pansin ko sa kanya

“hmm, don’t tell me, nakikinig karen kay papa jack?” tanong niya saken

“aba syempre, idol ko yan eh” sagot ko

“so we do have something in common mr ballatores”

Tumingin ako sa kaniya.. nakangiti siya saken ganon rin naman ako sa kanya

Tahimik nalang kame non malapit lapit narin kase sa lugar nila

Hanggang sa pinatugtog ang isang kanta ng radio station na yon



“oh! I love that song,” he said

Then he started singing it

“You came into my life sent from above When I lost all hope boy, you showed me love I'm checkin' for ya, boy you're right on time Angel of Mine”

Natawa tawa nalang ako sa kanya, may ibang parte na wala siya sa tono

“so you know that song?” tanong ko sa kanya ng nakangiti

“I know that song?! … I love that song!”pagbigay emphasize niya pa sa pagkagusto niya sa kantang yon

Nagtatawanan nalang kame

Maya maya,

“chris, jan nalang ako sa kanto”he said

Nabigla naman ako sa pagtawag niya saken

He looked at me at mukang nahalata niya ang pagkabigla ko

“opps. Sorry, mr ballatores jan nalang po ako sa kanto”pagbawi niya sa tinawag niya sken kanina

Natawa naman ako sa inasal niya

And I said

“ayos lang rj, call me chris if that’s what you want” and smiled at him

“ok, tnx for the ride chris, see you around” he said and hop out the car

I turned the car, sa paalis kong yon I still can see his smile waving for me….

No comments:

Post a Comment