CHRISTIAN BALLATORES
“where have you been ?”tanong ng mama pagdating ko sa bahay
Nang mga oras na to parang nasa ecstacy ako, ewan ko ba sa sarili ko , tuwang tuwa ako na nakasama ko siya,
Dirediretso lang ako non, parang walang narinig mula kay mama
“chris, kinakausap kita”
“huh?”
“ayos ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo,”
“ayos lang ma,”pagsagot ko
“ok?... sabe ng secretary mo, umalis kana raw at hindi kana bumalik sa office? Ano bang nangyare?”pagtatanung ni mama
“I just had some headache ma , kaya I dicided na umuwe”pagpapaliwanag ko
“ahh cge cge, aalis kame ng papa mo, enjoy your night ha”sambit ni mama sabay ng pagtalikod patungo sa pinto
Tumalikod narin ako patungo sa kitchen,
“oh, gusto mo bang kumaen?”pagtatanong ni manang
“hindi na po manang, iinom lang ako ng tubig”
“ parang may kakaiba sayo ah?”sambit ni manang ng nakangiti
“huh?... wala ah”pagkakaila ko
Ang hirap kaseng itago yung mga kakaibang ngiti na meron ako eh, eh itong si manang simula bata ako kasama ko to, kaya alam na alam nito ang mga bagay bagay na tungkol saken
“talaga?, sigurado kaba?”
“manang naman, mangungulit paba?”
“naninigurado lang, malay ko ba kung may napupusuan ka nanaman”sabay tingin niya saken at ngiti
“napupusuan manang?,, wala ah,”
Ng mga oras na to, gulo pa ko eh, hindi ko pa maintindihan ang mga nararamdaman ko, oo nga nagkaron na ko ng mga seryosong karelasyon non, pero itong nangyayare ngayon kakaiba eh, basta, hindi pa ko sigurado ng mga oras na to
At dahil hindi pa ko sigurado, hindi ako papasok sa mga kung ano anong pagpapasya
Unang una, ayokong magmadale, ayokong pasukin ang isang bagay ng hindi ako sigurado, lalo na sa pagibig, ayokong makasakit, at ayoko ring masaktan
Sisiguraduhin ko muna bago ko pasukin
“osige sabe mo eh, balita mo nalang saken iho kapag nabingwit mo na ah?”sambit ni manang na parang nangaasar pa
Natawa nalang ako sa sinabe niyang yon,
‘ nako!, kung malaman nyo lang to magwawala ang buong pamilya hahaha! ‘
Yan ang nasa isip ko nong mga panahon nayon, kase, unang una, hindi pa nila alam na ganto ako, na isa akong,,,,, bakla
Ingat na ingat rin kasi akong hindi nila mahalata hehe
Pagkainom ko non ng tubig umakyat na agad ako at pumasok sa kwarto ko
Nagbihis at humiga,
Halos papikit na mata ko non ng mag ring ang phone ko
Ang secretary ko tumatawag,
I answered the phone
“sir good evening po, sorry sa istorbo, tatanong ko lang po yung papers ng mga new applicants naten, should I prepare it all for you for tomorrow?” she asked
“yes, prepare it all, and umm,, ifax mo saken yung information paper for the applicant named , RJ BULABOS, “ sagot at pagutos ko na ren
“yes sir, right away”
No comments:
Post a Comment