Hi im rj bulabos age of 24 , isang call center agent , sa buhay ko, halos completo na ,
HALOS,
ang kulang nalang saken.,
ang taong makakasama ko pang habang buhay......
Bata pa lang ako ng lisanin ng mga magulang ko ang mundong to, kaya naiwan ako sa pangangalaga ng isang bahay ampunan
Pinagaral nila ako, pinalake, at tinuruan ng tamang asal, at ngayon ngang kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, tumutulong rin ako ng kahit papano sa bahay ampunan na yon
Ayos na sana lahat sken eh, kompleto na, ang kulang nalang… yong taong makakasama ko pang habang buhay, yung taong mapapakasalan ko
Sabihin nyo man hong tanga,. O duwag ,, pero takot akong mabuhay ng magisa, lahat ho ng tao sa mundong to nawawala. At ayokong maiwang magisa....
Dumating sa buhay ko si dianna
Pero nang gabing yon
Nakipagbreak siya saken. Sumama sa iba, di ko na siya hinabol ,noon pa man alam kong ayaw niya saken.. umasa lang ako na baka nga maging akin siya, pero wala rin
that time ,nong brinake ako ni dianna, wala narin akong trabaho, kaya ito. Balik sa pag hahanap at pag aaply
hanggang sa
“good morning sir” pagbati ko sa nakatungo na trainer sa harap ko
Nang tumingala siya saken at napatingin. Tila laking gulat ko, at pansin ko ring nagulat siya
Maya maya ay ngumiti siya na parang nakakaloko
‘shit’ sambit ko sa utak ko
“good morning” pabalik niyang pag bati saken
Tahimik
“so Mr. bulabos,” banggit niya ng pangalan ko sabay tingin saken
Tae , parang bigla yatang uminit yong office
“galing ka date sa companya ng ******** , ang alam ko napakagandang companya non, bakit naman umalis kapa ?”una niyang tanong saken
Sa isip isip ko, pati ba yon. Kailangan nitong alamen? .. personal na dahilan ko na yon ah?
Tahimik
Maya maya ay nagsalita na rin ako..
“sir everyone has their own personal reasons , and my reason is love” walang tumpik tumpik kong sagot sa kanya
Tila yata natawa ang bata sa sagot ko, minamaliit yata nito ang salitang love ah?... grrr!
“about love?!” sambit niya na parang pinipigil ang tumawa ng malakas
“yes sir ,about LOVE” muli kong sambit , bigay emphasize naren sa salitang love
“alright, Mr. bulabos, since maganda naman ang records mo, at mukang masipag ka namang magtrabaho ill just ask you one last question,” sambit niya sabay ng isang di ko talaga maipaliwanag na tingin
Pero seryoso asar na ko, ako kase yung taong madaling maasar, asar talo ba …
“if your going to marry someone, would it be a girl, or a man?...” ang sobrang pang gagong tanong niya
Nong narinig ko tong tanong niya.. parang gusto ko nang tumayo, sabay labas, pero wala choice ito na ang huling companya na talagang kilala na napuntahan ko, alangan sayangin ko yong oppurtunity
So ito na sinagot ko na yung tanong
“sir, in my opinion, it doesn’t really matter whoever or what gender youll fall inlove with, as long as care, unity and pure love is mutual for the both sides well then it should be called as perfect relationship” sagot ko sa kanya na talagang nakangiti, tae halatang bakla pa sagot ko grrr !
(to be continued)
No comments:
Post a Comment