sa buong hapon ng araw ng kasal na iyon
napakaraming paghahanda ang inayos at isinagawa sa lugar ng mga satanista
isang princesa ang ikakasal
ikakasal sa isang prinsipeng hindi nagmamahal rito
---------
walang magawa si jerson kundi sumunod sa mga sinasabe ng mas matataas na tao sa kanya
wala namang ginagawa ni lesita kundi ngumiti at titigan ang kanyang mapapangasawa
maya maya at lumapit si lesita sa mapapangasawa
"sinabi ko na sayo.. akin ka lang"pabulong na sambit nito kay jerson
at sabay ng pagalis sa tabi nito
kumukulo ang dugo ni jerson
nagngangalit, nagaalab at puno ng hinanakit ang puso ng binata
--------
sa kumbento
nasa harap ng altar si wanson
nakapikit ,nakayuko at mataimtim na nagdarasal sa kanyang dyos na si jesus
'ama alam kong napakarami kong kasalanan sa iyo... alam kong bawal ang pagibig na ito.. ngunit ama , tao lang rin ho ako... may puso at nagmamahal...
ama kahit hindi na mapasaakin si jerson.. bastat wag lang siyang makasal sa mata ni satanas, ama nagmamakaawa ho ako... isalba mo mula sa naglalagablab na apoy ng impyerno si jerson'
----------
alasais ng gabi... lumubog na ang araw ng binaybay ni wanson ang daan patungo sa lugar kung saan ang kainan
nang makarating rito si wanson..
hindi tulad ng dati na napakaraming tao..
halos kokonti ang mga taong nakasasalubong niya sa daan
nang marating ang kainan.. agad na nasilayan ng kanyang mga mata si kerwin
"bakit wala halos tao sa daan?"agad na naitanong ni wanson kay kerwin
"ang lahat ay nasa kasalanan na magaganap.. ang anak ng pinuno ang ikakasal kay jerson.. natural na ang lahat ay dadalo"paliwanag nito kay wanson
"tara na.. wag na tayong magaksaya pa ng panahon"sambit ni kerwin at sabay ng paglalakad
sumunod naman rito si wanson
----------
sa mismong kasalanan
nasa isang silid si jerson , hindi maaaring lumabas at magpakita sa ibang tao hanggat hindi pa nagsisimula ang kasalan
kinuha ni jerson ang maikling minuto na ito upang magdasal, tinuruan na siya nito ni wanson kung paano ang magdasal kay jesus
'parang nakikipag usap ka lang'sambit ni jerson na pagulit sa mga salitang sinambit nuon ni wanson ng tinuturuan pa siya nito
pumatak ang mga luha ni jerson gawa ng alaala ni wanson
'jesus, nasa kalagitnaan ako ng isang nagaaalab na impyerno.. at isang napakagandang hardin, hindi ko alam kung saan ako at kung ano ang dapat kong unang gawin.. hindi ako makagalaw ng dahil sa mga taong nasa paligid ko... wala akong magawa...
alam kong inalipusta kita nuon.. tinaboy at hindi pinaniniwalaan.. pero ngayong kilala na kita at mahal na kita, nakikiusap ako.. tulungan mo ko... hindi ko mahal si lesita masasaktan lamang siya sa piling ko... si Wanson ang mahal ko.. siya ang nakapagbago ng buhay ko,,,
nakikiusap ako sayo... tulungan mo ko'
Tadhana – Up Dharma Down Song and Lyrics Code
Sa hindi inaaasahan
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta
Bakit hindi pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga at kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Bakit hindi pa sabihin
Ang hindi mo aminin
Ipaubaya na lang ba ito sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýo
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
Hooohh… hoooohh…
Lalalala…
Listen to Songs: http://videokeman.com/updharmadown/tadhana-up-dharma-down/#ixzz1IXLUY41g
(to be continued)
No comments:
Post a Comment