Followers

Sunday, October 23, 2011

angel of mine (3)

hi im, christian ballatores, 19 year old, may stable job here sa Makati, in this time of my life, parang ayos na lahat eh noh?... I have everything that I need to live in this cruel world

I have everything....

Fame, perfect looks, and money

What could I ask for more..

Yan ako, mayabang mahangin, at higit sa lahat, spoiled brat, galing kase ako sa kilalang pamilya, pamilyang kayang bilhin ang lahat ng kakailanganin ko,

“tol we`re having a night out mamaya sa bar nila chito” txt saken ni baron, isa sa mga classmate ko, kabarkada naren ,

I txt back saying

“cge tol, count me in” sagot ko

Tinxt nalang niya saken ang iba pang info, kung anong oras, sino sino ang mga kasama, atbp

Syempre, heartthrob ako, mahirap nang masira ang imahe ko hehehe,,,

kaya inalabas ko ang pang pormahan ko, pero syempre pormahang disente naman, mahirap na, dala ko pa naman ang pangalan ng pamilya , you know what im saying? Haha!

Nang dumating ako sa bar, syempre all heads up saken,, ako pa hahah!

inikot ko ang paningin ko, hanggang sa nakita ko ang isa sa mga kabarkada ko, ayon kumakaway saken

sumenyas na muna ako nasusunod ako, pumunta ako ng cr, just to exert some fluid out of my body and syempre to freshen up ( alam nyo naman kase tayong good looking, we cant afford to look so haggard sa ibat ibang tao sa paligid hehe)

anyway so I was in the cubicle ng cr, nang may narinig akong boses, it’s a kind of a manly voice actually its my type of a voice it was saying

“kaya ko to, kaya ko to”

Nang makatapos na ko sa cubicle lumabas na ko syempre, yung lalaking nagsasalita kanina.. andon siya sa harap ng salamin, nakatutok ang tingin sa salamin.. ang lalim ng iniisip, pero parang gusto na niyang lumuha

Alam mo yung pakiramdam na parang, alam mo na yung taong nasa harap mo ay malapit nang mabuwag, yung pakiramdam na alam mong iiyak na to,

So yon nga , pagkalabas ko ng cubicle diretso naren sa salaman to freshen up, hugas ng kamay, ng matapos akong maghugas, napalingon ako sa kanya ng di sinasadya

Don nakita ko na ang luhaa niya na pumapatak, di ko maintindihan ang sarili ko .

Mayabang ako, mahangin at minsan gago pa

Pero hindi ko talaga kayang may nakikita akong umiiyak sa harap ko, mapalalake pa yan o mapababae

So ang ginawa ko

“tol, tissue?” alok ko sa kanya

Nung una parang dedma, di niya ko pinapansen,, parang wala siyang naririnig

“tol! … tissue!” pasigaw ko nang alok sa kanya

Don natauhan siya .,. hehe… sigawan ko ba naman eh,

“ha?” una niyang reaction

“tissue tol? .. umiiyak ka eh, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya

For the second time, nadedma ako, naghilamos lang siya sabay kuha ng tissue niya

Seryoso lang ah, napahiya ako don, ako na heartthrob, hihindian nitong , ewan ko kung sinong to!

Nong palabas na siya dahil sa inis na rin, hinawakan ko ang braso niya

“tol nagmamalasakit lang, sa susunod naman wag ka sanang sobrang suplado” sabi ko sa kanya

“WALA KANG PAKEELAMAN , TOL, KAKABREAK LANG SAKEN, KUNG PWDE LUBAYAN MO KO KUNG SINO KA MAN” matigas na sambit ng lalakeng nasa harap mo habang tumutulo na ang luha niya sa mga mata, sabay ng kabig ng kamay ko, at labas mula sa cr

Seryoso ah, kahet napag supladuhan nya ko.. iba nakita ko sa kanya eh, basta iba, di ko lang maipalinwanag, (hanggang ngayon) parang ang liwanag niya, parang iba siya.

Hinayaan ko nalang, sinabe ko nalang sa sarili ko na, sasusunod na magkita kame nito. May paglalagyan to saken

No comments:

Post a Comment