Followers

Tuesday, November 16, 2010

manhid

Nais ko lang sanang itanong… minsan naba kayong umibig sa isang taong manhid? , yung isang tao na labis mo nang binigyan ng pansin at pagpapahalaga ngunit tila bulag at bingi ito na di na papansin ang pagibig na iyong iniaalay sakanya?



Hi, ako nga pala si macky... nasa tamang edad na ako ngayon… isang bisexual na tulad ninyo,., nais ko lang sanang ipamahagi ang aking karanasan noong unang pagkakataon akong umibig magsisimula ang aking kwento nuong nasa highschool ako



Noon paman hilig ko na talagang magikot ikot sa internet, yung tipong makipagkilala sa ibat ibang tao sa pamamagitan ng internet… nasa labing limang taong gulang ako nuon… mulat narin ang aking kaalaman sa tunay na ako… kung baga natanggap ko na ang tinakdang kasarian para sa aken Mahilig rin akong magbasa ng ibat ibang storya.. bata palang ako yan na ang hilig ko , para sa akin kasi. Sa pamamagitan ng pagbabasa napupuntahan ko ang ibat ibang lugar na nais kong puntahan..



Hanggang sa isang araw



“oi!? Bhest!! Gising kana??... puntahan mo tong site na to!”ang txt saken ni Maxine



Isa si Maxine sa matalik kong kaibigan … isang babae na kung umarte ay daig pa ang baklang sumasayaw sa bar



“anung site to?... baka nanaman kung anong Makita ko ah!”ang reply ko



“di noh!,, next time nayun mas malaki hahaha”reply niya



“sira!... anu nga to?”pagtatanung ko



“blogsite yan ng pinakamagaling na author sa internet, iopen mo na!”



Alam kasi ng buong barkada ko na talagang mahilig akong magbasa ng ibat ibang libro… (pwera lang yung bold magazine! Ahihihi)



Di na ako nagreply pa at binuksan ko na ang loptap… agad kong pinuntahan ang site… nangmakita ko ang mga stories agad na akong nagbasa, maya maya ay talagang seryosong seryoso na ako sa pagbabasa at pansin ko na ang storya ay tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan na parehas ang kasarian… ilang oras pa ay natapos ko na ito… at talagang iyak ako ng iyak dahil sa storyang ito…



Nangmatapos akong magbasa , napansin ko na may chatbox sa itaas mismo ng storyang iyon… at pansin ko rin ang mga taong naguusap sa pamamagitin nuon… maya maya ay di ko na napigilan pa at sumali na ako sa kanilang usapan…



Mababait ang mga tao ruon napaka heart warming ng welcome nila sa akin , at lalo na ng mismong author ng mga stories …pero ang talagang nakakuha ng aking pansin ay ang taong nagngangalang LEImabait siya at siya ang unang una na nagbigay ng pansin sa akin at talagang nakagaanan ko siya ng loob



Simula nuon talagang araw araw na akong naruruon sa blogsite naiyon… araw araw na akong bumibisita at nagbabasa ng mga kwento …



Di tumagal ay nakilala na ako sa blogsite naiyon…Isang araw , nagol ako sa blogsite na iyon walang masyadong nakaol isa lamang… si lei.. bale dalawa lang kame duon.. ako at siya



“yeheyyyyyyyyyyyyyy maykasama na akong magjajakul”ang type niya



“ano? “Reply ko…



“samahan mo naman ang gwapong si ako… nagiisa lang ako dito eh”ang mahangin niyang pakikipagusap saken



Nagtagal rin ang usapan namen duon.. at talagang pati ang mga email address namen ay binigay namen sa isat isa…



Simula nuon.. nagging close narin kame ni lei…nagchachat kame sa ym.. friend kame sa fb.. connected kame sa isat-isa , bawat araw nagiiba ang feeling ko.. yung feeling na parang ang saya saya ko na kasi kausap ko siya…minsan nga kapag nagool ako winiwish ko na sana naka ol din siya… sana I pm niya ako.. sana sana…Nung mga panahon na yon.. hindi ko pa talaga naiintindihan ang feelings ko.. bata pa ako nuon walang kamuwang muwang sa ikot ng pagibig…basta ang alam ko.. Masaya ako kasi meron kameng connection sa isat isa



Sa school“tingnan nyo yan.. nakatulala nanaman”pagbulong ni Maxine kila aileen



**sabay batok si aileen**



“aray ko ah!, lakas ng trip nyo!”pasigaw kong sabi



“kanina pa kame nandito ikaw nakatunganga lang.. anu bang tinitingnan mo sa langit at parang abot tenga yang ngiti mo!”



Di ko na namalayan nakangiti pala ako.. naisip ko lang kasi ang mga panahon na yon ang pinagusapan namen ni lei kagabe…



Malapit na ang get together ng blogsite na iyon… at talagang excited akong Makita ang lahat ng taong nabibilang sa blogsite naiyon.. pati na rin syempre si lei



“basta”ang naisagot ko nalang kay aileen



“aba?! Wag mong svhing inlove ka!.. my goodness!! Sinu ang malas na tao?”



Ewan ko kung matatawa ba ako sa sinabing iyon ni Maxine



“ako? Inlove? To who?”



“ganyan kasi daw yung mga ngiti ng taong inlove eh”



Sa panahon na to tanggal na ang aking ngiti



‘inlove nga ba talaga akO?... kanino? Sa kanya?’ ang tanong ko sa aking sarili



“hay nakowh wag mo nang kulitin yan Maxine walang alam sa love yan baog yan … halika na gutom nako” sabay hila saken ni aileen nakatunganga parin ako at iniisip ang sinabi ni Maxine



“ganyan ang ngiti ng taong inlove”



Nang makauwe sa bahay.. computer agad ang inatupag ko.. binuksan ko agad ang ym at facebook … maya maya naka ol na si lei!!!



Maya maya siya na ang nagpm saken



“musta ang school?”tanung nito



“grabe! Kakapagod!”reply ko



“excited na ako sa get together!”reply niya



“ako rin eh!...”



“may kasama kabang pumunta dun sa venue?”pagtatanung niya saken



“wala eh, ikaw?”



Sa mga time na to iniisp ko na sasabihin niya na susunduin niya ako ditto sa bahay para magsabay na kameng pumunta ruon hehehe



“meron yung crush kong magiging artista na”sabi niya



Nagulat naman ako.. may na crushan siya?.. di ko yata alam yun ah



“aba? Sinu naman tong crush mo?”pagtatanung ko



“basta. Sobrang gwapo ahihihi.. yummy to”sabi pa niya



Tila naman isang libot isang pana ang tumisok sa aking puso… di ko rin alam kung bakit ganun angpakiramdam ko… pero parang ang sakit na malaman na may iba siyang gusto



“ah ok”ang naireply ko nalang



Marame pa kameng napagusapan nun… puro tungkol sa crush niya.. di ko na kinaya at talagang ako na ang unang nagsabi na kailangan ko nang mag out at nag alibi na lang ako na may dapat akong gawin…Nangnapatay ko na ang loptap pumunta ako sa kama ko..di ko na namalayan ang mga luha ko na dumadaloy sa aking mga mata … ang sakit…sa mga oras na ito sure na ako.. mahal ko nga si lei



‘ang tanga mo!! Bakit mo pa kasi kailangang mahalin yung gagong yun!... eh sa chat ko lang naman nakilala!!’ ang sigaw ng utak koDumaan ang mga araw , nakikipag chat parin saken ni lei katulad parin ng dati ang kakulitan , kayabangan , kahanginan at kalibugan niya Hanggang sa dumating ang araw ng get together



“mack!. Asan ka?”txt saken ng unknown no.



“whos dis?”reply ko



“si lei to!!...yung pinakagwapo mong kachat, asan ka?”reply niya atBinigay ko ang location ko..



“bakit mo ba tinatanung?”“susunduin na kita jan sabay tayo!”sabi nito



Napangiti naman ako sa aking nabasa… kasabay ko ang taong mahal ko.. yihi!! HahahaDi nag tagal may isang motorbike na pumarada sa harap ko mismoTalagang astig na astig ang motor na iyon… pang rocker talaga hahahaNang bumaba ang nagdadrive nito sabay naman ang pagalis niya ng helmet niya



“tara na!”sabi nito saaken



Ako naman tulala hello naman kasi!! Ang gwapo kaya !! hahaha astig na astig siya sa paningin ko.. Binigyan nya ako ng isang helmet at sinuot ko ito…bago kami umandar



“kala ko ba yung crush mo ang kasabay mo?”



“may rehersal daw sila sa studio nila eh”sabi nito sa akin na malungkot ang mukha…Tila naman tinusok ang aking puso sa nakitang mukha ng aking minamahal



“to naman!.. wag nang sad.. dito naman ako”ang nasabi ko.. tila naman nagulat ako sa salitang lumabas sa bibig koNapangisi naman si lei sa narinig mula sa akin



“tnx ah!... atleast kay friend akong nanjan para saken”sambit niya



Ngumiti nalang rin ako…Nangmakarating kame sa venue ang dame naring tao… May special seats para sa amen na talagang masuyong nagbabasa at palaging nagcocoment at nakaol sa blogsite naiyonNapaka saya ng party naiyon puro tawanan sayawan… wala narin ang lungkot sa mukha ni lei kaya talagang masasabi ko na Masaya ang araw na iyonNangmatapos ang kasiyahan isa isa nakaming nagpaalam sa isat isa…



“mack!.. hated nakita sa inyo”sabi ni lei



“ha? Sure ka?”pagtatanung ko



“oo dali na sakay na!”



Sumakay narin ako sa motorbike ni lei… di tulad kanina.. masmabilis ang pagpapatakbo niya… at syempre dahil sa bilis nito napapayakap ako sa kanya talagang napakasarap yakapin ni lei ang bango bango



Nangmakarating na kame sa bahay… -mahirap man pero byebye na sweetie lol-Sinundan ko pa ng tingin ang pagalis niya … ng makaalis siya… sabay naman ang aking pagtili.. nasa isip ko na baka pwde nga kame, baka mahal rin niya ako.. baka baka bka… for short umaasa ako



Kinabukasan



“ano!!...”ang tili ni Maxine



“so tama si Maxine? Inlove ka nga? Ganun?”pagliwanag ni aileen



“parang ganun na nga”sabi ko



“my gosh!! Kanino?!”sambit ni Maxine



“sa isang guy na nakilala ko lang sa blogsite na binigay ni maxine. Pero! Nagkita na kame sa get together” sabi ko



“anu ngang name!!”sigaw ni Maxine na may ngiti sa labi



“lei”sambit ko



Sabay naming tumili ang mga demonyita….



“my gosh!! Inlove na siya!!.. uyyyy dalaga na!”sabi ni Maxine



“dalaga nga wala namng menstrual..”banat ni aileen



“sira ulo!, nung una naman kasi di ko akalain na magiging ganto eh… “ sabi ko



“teka!... tingin mo ba gusto Karin? May chance?”tanong ni maxine



“ewan ko”ang naisagot ko na lamang sa tanung ni Maxine



Natapos ang conversation namen na iyon



Dumaan ang mga araw na . computer at cellphone nalamang ang connection namen ni lei, at bawat araw na iyon ay lalo na siyang nagkakaruon ng puwang sa aking puso...Dumating ang isang araw na naka ol si lei… hinihintay ko siyang mag pm saken pero hindi siya nagppm ,, natagalan na ako sa paghihintay kaya di ko na napigilan pa at ako na mismo ang nag pm sa kanya



“hi”sabi ko



“im not feeling well ilang araw na akong maysakit”reply niya saken



“ha? Eh may nagaalaga ba sayo jan? did you try to take some medicines?”buong pagaalala kong pagtatanung



“dapat wag ka nang magol matulog ka nalang magpahinga ka nalang”ang muli kong pagtype at send



“wala akong kasama ditto sa bahay eh ako lang..”reply nito..



Lalo naman akong kinabahan may sakit siya tapos walang nagaalaga sa kanya… nung mga oras naiyon.. pinilit ko siyang mag out na lamang sa ym… nag out naman siyaSa txt kame nag usap , pinilit ko siyang magpahinga ,,kahit manlang sa ganuong paraan maalagaan ko siya maipakita ko na pinapahalagahan ko siya na may puwang siya ditto sa puso ko



Halos araw araw ay ganuon ang settings...tumagal rin kasi ito ayaw naman niyang pumunta sa ospital… nagalaga ako sa kanya sa pamamagitan ng txt at chat…pinakita ko sakanya na mayhalaga siya ditto sa puso ko na nagcacare ako sa kanyaHanggang sa dumating ang isang araw



“hi!!”txt niya saken



“hi.. ok kanaba?”pagtatanung ko



“yup ok na ko.. galing kasi ng nurse ko eh”sabi niya



“hehe…thank you”reply ko



“bute nalang talaga noh? Nandito yung crush ko galing talaga niyang nurse ko”sabi niya



Natulala naman ako nung nabasa kong to… ang crush niya ang pinupuri niya? Wala man lang bang thank you? Hello! Nag alaga rin ako!



“ahh ganun ba?”“oo.. lagi nga siyang nandito nun nung nalaman niyang may sakit ako eh inalagaan niya ko”



Muli ay talagang nasaktan ang puso ko…para itong winasak sa piraso… ni hindi manlang niya binigyang pansin ang pagbigay ko ng care sa kanya.. ang paaalaga ko sa kanya… ang manhid niya!!



“ah ok”ang tanging naireply ko



Sa buong pagtitxt namen puro ang crush niya nalang ang napagusapan namen… na mahal na daw niya… na napaka good looking daw at may face value talaga… aaminin ko hindi naman talaga ako ganun ka good looking at alam ko rin na wala akong ilalaban sa artista niyang crush… kasi nga mas good looking ito at may face value.. samantalang ako? Isang simpleng tao lang na walang face valueSobrang sakit nun para saken… first time kong magmahal tapos masasaktan lang ako ng ganito parang gusto ko nang mamatay… Pansin ng lahat ng kaibigan ko ang pagiging balisa ko ng mga nakaraang araw



“hoy!... kanina pa kame nagsasalita dito di mo kame pinapansin !!”ang paggising saken ni aileen



“oo nga!”pag sang ayon naman ni Maxine



Maya maya ay di ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko..nakita ko naman na biglang nagiba ang itsura ni Maxine… na parang naaawa ito saken



“ano bang nagyare?”pagtatanung ni aileenKinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyare… ang artistang crush ni lei at ang hindi pagbigay ng halaga ni lei sa pagaalala ko sa kanya nuong may sakit siya…



“ang kapal naman non!!. Ikaw walang fes value? Baka gusto niyang sipain ko ang anu niya”ang nanggagalaiting sabi ni aileen



“alam mo gago rin yan eh… paki sabi sa kanya ah….HINDI LANG SA FACE ANG VALUE NG ISANG TAO… ANG TUNAY NA VALUE NG ISANG TAO AY IYONG MAKIKITA SA PUSO NITO…oo nga may itsura yang lei nayan pero fyi sa kanya ah… may face value nga siya wala nang heart value!”ang sabi ni Maxine



“hay nakowh! Kalimutan mo nasiya!... hindi siya kawalan sayo leche siya…. His not worthy to have your love.. wag kang magemote ng ganyan punyeta siya!”ang talagang galit nag alit na sabi ni aileen… habang pinipunasan ang mga luha ko..



Imperness naman kasi sa dalawa kong friends… talagang dadamayan talaga nila ako sa oras na may problem ako…



“halika na nga! Kumain nalang tayo … treat ko!”ang sabi ni Maxine



So yun na nga… ilang araw uli ang nakalipas… ganun parin ang turingan namen ni lei.. tuwing mag oonline ako at kapag naka ol rin siya… magppm siya saken at makikipag usap… pero kung tungkol na sa crush niya ang usapan.. minsan iniiba ko nalang.. ayokong masaktan nanaman at mag emote.. at ayoko rin namang malaman niya na mahal ko siya



Isang araw nung kachat ko si lei bigla niya nasabi saken na…



“kame nung crush ko, kasama ko siya ngayon dito sa kwarto ko.. may nangyare na samen”ang sabi niya



Nang mabasa ko to.. hindi ko alam kung nasa loob paba ng katawan ko ang kaluluwa ko.. hindi ko alam kung nahinga paba ako…hinayaan ko siyang sabihin ang lahat ng nangyare…



Pero ang pinakamasakit ay yung idetalye pa niya sa aken kung pano ang ginawa nilang pagtatalik,,, ang sakit sakit… yung taong mahal ko at pinapahalagahan ko… first love ko!... nakipag talik sa iba at dinetalye pa saken kung pano siya nasarapan sa ginawa niya…



At dahil nga sa sobrang kasiyahan niya hinayaan ko nalang siyang magkwento ng mag kwento… habang nag kukwento naman siya ang di ko mapigilan ang sariling lumuha ng lumuha “anjan kapa ba?”ang sabi niya nung di na ako makpag type dahil sa kakaiyak



“oo”ang naireply ko



Patuloy naman siya sa pagkukwento…hanggang sa sabihin niya



“magkita tayo mamaya sa mall magcecelibrate kame ng mahal ko , gusto kong makilala ka niya as my bestfriend”ang sabi niya



Gusto kong sabhing ayoko.. pero pinilit nya ako ng pinilit… di niya ako tinigilan maski sa cellphone.. wala na akong nagawa kundi ang umoo



Alauna ng hapon ang usapan… sa mall of asia… sa skating rink…late akong dumating nun kasi ayoko naman talagang pumunta ayokong Makita ang kasweetan nila ayokong maluha sa harap nila…



Pagdating ko dun… hindi ko sila Makita… hanggang sa matanaw ko ang isang lalake na nakatayo at nakaharap sa skating rink… nilapitan ko siya .si lei



“hi”ang sabi ko



“hi”ang sabi niya



“asan na yung mahal mo?”ang pagtatanung ko



Tila naman badtrip na badtrip ang itsura niya…



“di makakarating eh… may rehersal raw ule sa studio..”



“so pano yan?uuwe nalang tayo?”ang sabi ko



“hindi..”



Tahimik



“anong gagawin naten?”tanung ko



“basta, kumain kana?”tanung niya



“di pa”sagot ko



Hinila niya ako papunta sa pinaka malapit ng food court… siya na ang umorder ng pagkain namen habang nakain



Tahimik



“ok ka lang?”ang tanung ko at pagbasag narin sa nakakabinging katahimikan naming dalawa



“oo ayos lang”Di ko na napigilan ang sarili ko…. Ayoko rin namang Makita ng ganyan ang taong first love ko, pagkatapos naming kumain kinulit ko siya at pumunta kame ng arcade zone… naglaro kame ng kung anu anung games dun… nagpakasaya kame nang tumagal pansin ko na sa mga labi niya ang napakatamis na ngiti… napangiti ko na siya wala nang inis at lungkot sa mukha niya



Nangmatapos ang laro namen ang dame naming nakuha ng tickets pinapalitan namen iyon at nakakuha kame ng isang halfsize teddy bear



“oh sayo nato ah”sabi niya saken



“tanda ng pagkakaibigan naten”pagpapatuloy niya pa



Ang saya ng araw naiyon para saken kinabukasan kinuwento ko uli kila Maxine ang nangyare



“tanga ka talaga !”ang bulalas saken ni aileen



“nagpapakatanga ka nanaman! Tapos ano? Sasusunod sasaktan ka nanaman niya? At mageemote ka nanaman samen?”ang pagpapatuloy niya



“eh hindi ko naman kayang Makitang ganun yung mahal ko”ang sabi ko



“at hindi rin namen kayang Makita na umiiyak ka ng dahil sa gagong yon!”ang sabi ni



Maxine



Di naman na ako nakasagot…



Dumaan muli ang ilang mga araw… nagonline ako sa ym at naka ol rin siya maya maya ay tiningnan ko ang facebook niya



“married”Ang lovestatus niya



Ang alam niya kaibigan ko siya kaya siguro dapat na sumuporta ako bilang kaibigan…nilike ko yon…



Maya maya nagpm siya sa ym“tnx sa like”ang sabi niya



“congrats”ang reply ko



“actually may away nga kame ngayon eh, wala nasi siyang time masyado saken”



Ang sabi niya di ko naman alam ang susunod kong irereply… maya maya ay… ininvite niya ko para magcam



Inaccept ko naman.. kitang kita na dumadaloy ang luha sa knyang mata…



Di ko alam ang gagawin ko… ininvite ko rin siya para I view ang cam ko…Nangnaviview na niya na ako.. nag funny faces ako.. sinubukan ko siyang patawanin.. kitang kita ko naman ng unti unti nagssmile siya..



“kayong talagang mga walang face value ang galing galing magpatawa”ang sabi niya



Di ko naman alam kung anung irereply ko..is that a compliment o nangiinsulto siya…



“that’s not what I mean”ang sabi niya



“ok”ang reply ko



Sa mga panahon narin nayon.. nagpm bigla saken ni Jason…



“hi”ang sabi niya



“pwede pa view?”ang request niya saken



“sure”



Isa si Jason sa mga baguhan sa blogsite… nang Makita na niya ang itsura ko



“ang cute cute mo kuya!”ang sabi niya



Isang taon ang agwat namen pero hinahayaan ko siyang tawagin nalang akong kuya



“thanks.. bute kappa naaapreciate mo”



Alam rin ni Jason ang tungkol sa feeling k okay lei.. kilala niya si lei



“si kuya lei po ba?”



“oo eh..”



“sabi ko naman kasi sayo kuya eh… ako nalang mahalin mo”ang sabi niya sabay send ng ilang laughing smile



Noon paman sinasabi saken to ni Jason.. pero ang tingin ko lang sa ginagawa niya ay mga biro…kaya hinahayaan ko nalang at di ko na pinapatulan



Muli ay nagpm si lei



“uy sorry ah..”sabi niya



“ok lang I understand wala naman talaga akong face value kaya nga hindi ako ang minahal mo”ang sabi ko



Di ko naman agad na realize ang sinabi ko hule na nung na realize ko at naisend ko na



“ha?... is that means?”



“ha?”ang reply ko



“you like me?”ang reply niya



Di naman ako makasagot.. mukang ito na nga ang araw na malalaman niya na mahal ko siya



“or do you love me?”ang muling tanung niya



Di ako makasagot …



“anyway kung mahal mo man ako.. wag monang ipagpatuloy yan… walang chance na maging tayo”



Tila naman isang libot isa ang mga panang tumusok sa aking puso… ang sakit ng sinabi niya… nag out nalang ako bigla…



Muli ay kinuwento ko ang nangyare kila Maxine at aileen pansin kasi nila ang lungkot sa aking mata… lalo na nung maluha luha ang aking mga mata… kahit kasi anung tao ko dito… lumalabas parin ang lintek na luha nato..



“punyeta siya! Wag siyang magpapakita saken lintek siya”ang nang gagalaiting sabi ni aileen



“cool down sister!...”ang sabi ni Maxine



“anyway punyeta nga naman siya… taena niya”ang sabi ni Maxine



Kala ko pa naman mahinahon si Maxine isa rin palang tao na mumurahin ang mahal ko



“kasi naman eh!!... sinabihan kana namen ng itigil nayang nararamdaman mo!...”ang sabi ni aileen



“kasi …. Ang hirapp…. Eh… first love.. ko yun”ang utal utal kong sabi gawa ng pagiyak ko



Di na nagsalita pa sila Maxine at aileen at niyakap nila ako



“hahanapan kita ng bago! “Ang sabi ni Maxine



“ha?”



“blind date!”ang sigaw naman ni aileen



“ha?ehh!!”



“wala!! kasado na!...”kinuha ni Maxine ang cellphone niya at sinimulang mag dial ng no.



Maya maya ay may nakausap na siya at



“may ka date kana!”ang sigaw nito saken



Wala naman akong magawa kundi ang sumangayon nalang… kahit pa kasi kaladkarin ako ng dalawang to gagawin nila para lang masunod ang gusto nila



So yun nga…sa isang not so fancy restaurant ang date ko…nangmakarating ako dun…laking gulat ko kung sinong lalake ang ka date ko



Si Jason!



“hi kuya”ang pagbati niya saken



“hi?”



“hehe.. ako yung sinetup ni ate para sayo”ang sabi niya



“ate??...”



“ate Maxine.. pinsan ko yun eh”saby smile niya



Imperness ah!... ganda ng smile ni Jason nun.. talagang nakakatuwang tingnanSo yun nga…nag date kame dun.. after naming kumain



“ahmm… mack.. maaga pa baka gusto mo munang magstay muna tayo sa condo ko.. para naman makilala mo ko hehe”ang sabi niya



Pansin ko na ngayon na parang tila nawawala na ang pagtawag niya saken ng kuya at ang pagopo niya saken



“sure”ang sagot ko.. maaga pa nga naman kase that time and wala akong gagawin for tomorrow…



Kaya yun.. mabait si Jason,.. super gentleman.. at talagang gentleman… di tulad ni lei na face lang ang mahalaga…si Jason.. ang mahalaga daw sa kanya ay mabait at magaling magmahal ang taong mapapasakanya…yung mga tipo daw na



KATULAD KO



So yun …natapos ang gabi ng hinatid ako ni Jason sa bahay… imperness ang sarap niyang kausap… hindi siya yung sobrang hangin … hindi siya yung sobrang yabang .. at hindi rin naman malibog hahaha’



Simula ng gabing iyon..mas lalo ko nang nabigyan ng pansin si Jason… at di nagtagal.. naging kame… ang saya saya ko kasi nakatagpo ako ng taong para saken at alam kong mamahalin ako



At si lei naman?...



One night nag txt saken ni lei.. kung pwde raw magkita kame .. nung time nato kame na ni Jason nung makapunta ako sa lugar nasinabi niya agad namang siyang lumapit saken at niyakap ako



“ok ka lang?”ang tanung ko



“yeah namiss lang kita…”ang sabi niya



At umupo na kame sa isang bench



Tahimik



“kamusta na nga pala kayo ni Jason? Balita ko kayo na ah”ang sabi niya



“oo”ang maikli kong sagot



“alam mo nagkamali ako eh”ang mahina ngunit malumanay niyang sabi



“bakit?”



“marame pala kameng nasa puso ng mahal ko”



Nabigla naman ako sa sinabi niya hanggang sa susunod na sinabi niya ay lalo pa akong nabigla



“ang tanga ko.. dapat ikaw nalang yung minahal ko”ang sabi niya saken



Maya maya nag ring ang phone ko si Jason tumatawag…sinagot ko yun



“hello?”ang pagsagot ko



“hello babe?”ang sabi ni jason



“yes babe?”



“I love you.. I just called to say I love you”ang sabi niya saken



Nailoud speaker ko ang phone ko kaya narinig ni lei ang lahat ng sinabi ni Jason



“I love you too babe…”



At binaba na niya ang phone



Nangbumaling ako ng tingin kay lei… kitang kita ko ang mga luha sa mata niya…tumayo siya at niyakap ako ng pagkahigpit higpit…



“mahalin mo ule ako mack please”ang bulong niya sa tenga ko



“sorry lei.. hule na eh… hindi na kita mahal… nasaktan mo na ako …date”



“sorry… bulag ako nuon…”



“sorry rin lei… hindi na ikaw ang mahal ko”



At sabay ng walk out ko. Iniwan ko siya ruon na dumadaloy ang mga luha niya… at ako?? Umalis ako ruon ng masaya..kasi I made him realize how idiot he is...

(the end)

No comments:

Post a Comment