Followers

Friday, November 5, 2010

hindi ako susuko

this story is for the students and for all the persons in our community na kahit anung hirap o kahit anung sakit pa ang kanilang dinaranas nanjan parin sila at proud na proud sa kanilang sarili at hindi sumusuko
saludo po ako sa mga tulad ninyo

*the speech is not mine
* the songs is not mine
* the names that has been used in this story is not mine

purpose is to entertain at magbigay aral sa iba
pa follow naman po sa blog ko please ang thanks!
------------------------------------------------

“Ano ka ba namang bata ka!... nakakailang ulit kana sa year nayan hindi ka manlang makaalis alis!”

Yan po ang bulyaw ni mama saken nung araw na umuwe ako ng bahay dala-dala ang aking report card

Bago ko ho muna I pagpatuloy ang mga pangyayare sa aking buhay, nais ko ho muna sanang ipakilala ang aking sarili…

Ako ho si carlo,nasa tamang edad na ako ngayon,nagtatrabaho ako sa isang magandang companya, at tulad ninyo isa rin akong bisexual…

Siguro ho ang iba rito sa inyo ay hindi nakaranas ng mga bagay na dinanas ko.
Aaminin ko ho sa inyo hindi ho kasi ako tulad ng iba na matalino,may-alam, at madaling maturuan..

Pwde na rin nateng sabihing… slow ako… o kung minsan pa nga ang tawag saken ng iba.. tanga… lalong lalo na ng pamilya ko…

Nasa highschool ako nuon ng maramdaman ko na ang lahat ng mabibigat na pressure… ang pagkainggit.. ang panlalait ng iba… at ang masakit na salita galing mismo sa aking pamilya

“ano ka ba namang bata ka!...bat ganto ang mga grado mo!!...hirap na hirap ang ama mo sa kakakayod buong araw”ang sabi ni mama na umuusok na sa galit

Lumapit saken si mama, at ang kasabay ng paglapit na iyon ay isang malakas na sampal

“naghihirap kame ng papa mo sa kakakayod buong araw tapos ito? Itong grade lang ang ipapakita mo samen?”ang pagpapatuloy na sabi ni mama kasabay ng panduduro niya saken

“anak nga ba talaga kita? Kasi pagkakaalala ko wala akong anak na bobo na tulad mo!”ang sabi ni mama sabay ng panduduro saken

Tinitiis ko ang lahat ng iyon mula kay mama… ako naman kasi ang may kasalanan.. kung matalino lang sana ako.. kung hindi lang sana ako bobo.. hindi ko mararanasan to…

Kaya lang hindi ko talaga kaya eh , hindi ko kayang pantayan ang mga kaklase ko… hindi ko sila kayang sabayan, masyado kasi akong mahina…

Wala na akong nagawa ng gabing iyon kundi matulog habang lumuluha… inilalabas ko sa pamamagitan ng pagiyak at pagluha ang lahat ng sakit na nararamdaman ko…

Kinabukasan… parang walang nangyare… papasok parin ako ng skwela…binigyan parin ako ng baon ni mama at isang madiin at matalas na paalala…

“kung hindi mo pa maaayos yang pagaaral mo itatakwil kita!”

Ang madiin na sabi ni mama

Pagpasok ko ng skwela…

Tila lahat ng mata ay nakatingin saken… sa school wala akong masyadong ka-close.. may mga friends ako.. pero tingin ko lahat ng iyon ay kasama ko lang sa sarap…

Naglalakad ako nun sa hall , habang sa paglalakad ko tila naman mga bubuyog ang mga studyante na nakakasalubong ko..

Kahit pa nagbubulungan ang iba sa kanila.. narinig ko parin ang sabi ng isa

“diba yan yung tanga sa last section?..ang kapal naman pumasok parin? Ang lakas ng loob”ang sabi ng isang studyante

Masakit.. kasi nakikilala nila ako bilang bobo… bilang tanga… pero tingin ko wala ring magbabago eh… ganun talaga ang tingin nila sa mga studyanteng tulad ko
Nakarating ako sa class room nang matiwasay at walang gulo akong kinasangkutan…
Pero ganun parin eh… mula sa hall… hanggang sa class room.. lahat sila nakatingin saken…

Hanggang siguro,…hindi na kayang makatiis nung isang chismoso..

“tol bat pumasok kapa?”ang tanung saken nung lalakeng lumapit..

Nakaupo na ako nuon sa proper chair ko

Di ko siya sinasagot , wala akong pakeelam sa kung anu mang iniisip nila.. basta pursigido akong matapos ko ang pagaaral ko.. kahit pa sobra ang panlalait nila…
Maya maya

“mr matugas… hinahanap karaw ho ni mam bantog sa faculty”ang sabi ng isang studyanteng inutusan ng class adviser namen

Dali dali naman akong tumalima at tumayo.. iniwan ko ang mga gamit ko sa class room at bumaba para puntahan ang faculty room…

Pagdating ko run.. nandun ang class adviser namen tila talagang naghihintay para sa aking pagdating at pakikipag usap sa kanya

“good afternoon mr matugas”ang pagbati nito saken nang akoy Makita

“good afternoon mam”ang pabalik kong pagbati

“nakita mo naba ang iyong mga grado?”ang pagtatanung nito saken

Tumango ako ng ilang ulit.. hudyat na nakita ko na ito

“oh eh bakit kapa pumasok?”ang mataray na tanung nito saken

“mam its not too late… 3rd grading palang po.. kung sakaling makapasa ako hanggang 4th grading kakayanin pong makatuntong ako ng entablado”ang sabi ko sa kanya na maiyak iyak

“kakayanin mo kaya?”ang sabi nito…

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at bumagsak na ito… napakaliit ng tingin nila saken… napakasakit…dahil ba sa mahina ang kokote ko? Kailangan bang gantuhin ako!

Lumabas ako ng faculty na iyon na tumutulo ang luha ko…

Umakyat ako ng class room at pinunasan ko ang lahat ng luha ko

Wala pang bell nun kinuha ko ang mp4 na dala ko.. pinatugtog ko ang isang kantang nagbibigay ng lakas saken para magpatuloy pa kahit na hirap na hirap na ako…



Do you ever feel like a plastic bag drifting through the wind
Wanting to start again?
Do you ever feel, feel so paper thin like a house of cards
One blow from caving in?
Do you ever feel already buried deep six feet under scream
But no one seems to hear a thing
Do you know that there's still a chance for you?
'Cause there's a spark in you
You just gotta ignite
The light and let it shine
Just own the night
Like the Fourth of July

Cause, baby, you're a firework
Come on show 'em what you're worth
Make em go oh, oh, oh
As you shoot across the sky
Baby, you're a firework
Come on; let your colors burst
Make em go oh, oh, oh
You're gonna leave em fallin down oh oh

You don't have to feel like a waste of space
You're original you cannot be replaced
If you only knew what the future holds
After a hurricane comes a rainbow

Maybe you're reason why all the doors are closed
So you could open one that leads you to a perfect road
Like a lightning bolt your heart will blow
And when it's time you'll know
You just gotta ignite
The light and let it shine
Just own the night
Like the 4th of July

Cause, baby, you're a firework
Come on show em what you're worth
Make 'em go oh, oh, oh
As you shoot across the sky ey ey
Baby, you're a firework
Come on; let your colors burst
Make 'em go oh, oh, oh
You're gonna leave 'em fallin' down oh oh

Bridge
Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon
It's always been inside of you, you, you
And now it's time to through, ooh, ooh

Cause, baby, you're a firework
Come on show em what you're worth
Make 'em go oh, oh, oh
As you shoot across the sky ey ey
You're a firework
Come on let your colors burst
Make 'em go oh, oh, oh
You're gonna leave 'em fallin down oh oh

Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon
Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon

Hindi ako susuko!...kakayanin ko!... ipapakita ko sa kanila na hindi ako tanga!.. na hindi ako bobo!... na kaya kong lumaban!...na kaya ko ring pantayan kung anu ang kaya ng iba!

Nang natapos ang kantang iyon… siya namang pagring ng bell hudyat para sa pagsisimula ng first period

Pumasok ang class adviser namen na may ngiti sa mga labi.. at bumati,pagkatapos nun , bago siya maglesson

“nakita naman na siguro ninyo ang lahat ng inyong grado…”ang panimulang sabi nito

“at hindi rin naman siguro lingid sa inyong kaalaman na talagang bagsak kayo, class adviser nyo lang ako.. teacher,… tagacompute ng grade,syempre naiintindihan naman siguro ninyo na hindi kayo pwdeng pumasa ng wala kayong ginawa…”

“ocge! Sabihin nateng may ginagawa… nagpapasa ng project… nagtatake ng test`s and quizzes,… pero lahat ba ng test`s at quizzes na iyon.. pasado? Perfect? O mataas ang equivalent?”

“do more!...kulang pa eh… sagarin mo”ang madiin na sabi ng teacher na nasa harapan habang nakatingin mismo saken..

Nasyang nagging dahilan para pagtinginan rin ako ng iba pang mga studyante, wala na akong nagawa kundi ang tumungo

Natapos ang lahat ng lessons ay umuwe na ako sa bahay… pagdating ko ng bahay.. gumawa na kaagad ako ng plano para makapasa ako sa lahat ng subject…

Ang sabi ng teacher namen…. Puro test`s ang batayan ng grade namen ngayon 3rd grading..

Nabuo na ang plano ko… sa library ako dapat palagi at palaging magreview ng magreview
Yun nga ginawa ko kinabukasan…

“good morning mam”ang pagbati ko sa teacher na nasa library…

“good morning iho, tila yata ang aga ng isang studyanteng tulad mo..mamayang pang 12 ang pasok mo pero 11 palang ah”ang sabi nito na nasa mahina na boses at sabay ng isang matamis na ngiti

“kailangan lang ho magreview”ang sabi ko

“sige iho pumasok kana”ang sabi nito

Pumasok na nga ako… pagpasok ko sa library… walang ibang tao… maliban sa isang studyante na nasa isang table rin at mukang nagbabasa ng libro..
Hindi ko na lamang ito pinansin masyado at umupo na ako sa tabing table at nagsimulang magreview

Nasa science na ako… may part kasi sa science na kailangan na mathematical arrangement… hirap na hirap ako ditto… ang hirap intindihin lahat… talagang nahihilo na ako…hanggang sa nabali ko na ang lapis na hawak ko…

Mangiyak ngiyak ako nung mga oras na iyon… tila naaawa ako sa sarili ko…pero hindi parin ako sumuko… tinasahan ko ang lapis na iyon at nagsimula muli…

Nagsisimula na ako ng may naramdaman akong lumapit saken…

“need some help?” ang sabi ng boses nito saken

Nang tingalain ko ang malalim na boses na iyon… tumambad sa aking harapan ang mala angel na mukha ng isang lalake

“ahmm”ang tangin naisagot ko

“sorry ah… lumapit agad ako, ako nga pala si atriu, napansin ko kasi na parang nahihirapan ka eh”ang sabi nito saken sabay ng pagabot niyo ng kamay niya

Kilala ko ang pangalan ng lalakeng iyon.. matunog ang pangalan niya lalo na sa mga kataas taasan ng first section….

“carlo”at sabay naman ng pagkamay ko sa kanya

Umupo siya sa tabe ko…

“so san kaba nahihirapan?”ang mabilis na sabi nito

“ahmm ok lang ba talaga saiyo na lumapit saken?”ang tanung ko

“oo naman”ang sagot niya

“eh diba first section ka?”ang sabi ko

“oo, bakit? May rules ba na hindi pwdeng tumulong ang first section sa mga nangangailangan”ang sabi niya

“wala”ang sagot ko

“edi simulan nanaten to”ang sabi niya

Nagumpisa uli kame mula sa umpisa… pinaintindi niya saken ng maigi ang lahat ng dapat kong maintindihan… nakagaanan ko agad siya ng luob…nang matapos na kame nun pasado 12… science at English lang ang naituro niya pero malaking tulong na rin iyon saken

“salamat ah”ang sabi ko

“anytime.. kung may problem kapa sa iba pang subject hanapin mo lang ako”ang sabi niya

“ahmm atriu.. nasa last section kasi ako.. ako yung—“

Di ko na natapos pa ang sasabihin ko

“ikaw yung sinasabi nila na bobo?, wag kang magpapadala sa sinasabi nila,… kaya mo yan!”ang sabi niya saken

“salamat talaga atriu”ang sabi ko

“wala yun… o pano?? Kapag may kailangan ka ah!, sabihin mo lang ready ako maging free tuitor mo”ang sabi niya saken at nakangiti pa

Umalis na siya ng library nuon at ako naman naiwan para ayusin ang mga gamit ko na ginamit sa pagrereview…

Paglabas ko ng library.. ganun parin… nakatingin parin saken ang mga studyante, pero di na tulad ng date ang sinasabi nila, ang naririnig ko naman na usapan nila

“ang kapal talaga.! Ang kataas taasan pa talaga ng first section ang nagtuituitor sa kanya ah!”ang sabi ng isang babae na nasa mataray na boses

Ang bilis nga naman kumalat ng balita.. biruin nyo ah… nasa library lang kame kanina nagrereview..paglabas na paglabas ko lang… kalat na agad…

Pumunta na agad ako ng class room dahil ayoko nang mapaaway pa ako…
Pagakyat ko run..bigla namang linapitan ako ng isang bakla na nakamake up, na classmate ko

Si john acuesta

“oi! Bekimon ka!... yung pogi raw ng first section ang nagtuitor sayo? Grabe ka ah… ang taas mo rin … eh samantalang mahina yang kokote mo!”ang sabi nito saken sabay ng tawanan ng iba ko pang kaklase

Aktong paalis na ako nuon sa harapan ng baklang yon at tinalikuran ko na siya ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at sinabing

“oi! Malandi ka!.. kinakausap pa kita!... o baka naman hindi mo naiintindihan ang mga sinasabi ko,,, kasi wala kang alam!”ang sabi nito saken

Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko tila naman na out of balance ang baklang mataba at nalaglag sa sahig

“aba!.. gago kang feelingerong itsusera ka!”ang sabi niya sabay ng pagtayo.. ang ibang kaklase namen ngayon ay seryoso nang nakatingin samen at tila handang handa sa mapanonood na sakitan

Ako naman ay hinawakan ang kanyang kamay para tulungan siyang makatayo..
Nang nakatayo naman siya… tinulak niya ako.. na siya namang dahilan para malaglag ako sa sahig…

“oh anu?... filingerong to…di perket tinutuitor kana nung kataas taasan ng first section aasta asta kana saken ah!”ang sabi niya saken at aktong palapit para sampalin ako

“STOP THIS!”ang sigaw ng boses.. nang tingnan ko kung san galing ang boses na iyon…
Nakita ko ang guro namen

“mam he started it.. yan!.. yang tangang yan po ang nagsimula at hindi ako!”ang sabi ni aquesta

“I saw and heard everything mr aquesta, wag mong baliktarin… I want to see you in detention after my class”ang sabi nito kay aquesta

“and for you mr matugas… take your seat”ang sabi nito saken

Tumayo ako mula sa pagkakalaglag sa sahig.. at tinunton ang aking proper chair

Nangnatapos na ang class ng teacher namen , sumunod naman si aquesta.. papunta sa detention room

Ang totoo nyan? Kahit na sinaktan niya ako… nahahabag parin ako sa kanya… kung di lang sana ako tanga di ako tutulungan ni atriu.. at kung hindi ako tinuruan ni atriu edi sana hindi siya nagreact ng ganun at na detention

Dumating ang period time for science katulad nga ng sabi ng teacher namen may test kame

Ginalingan ko at talagang binigay ko ang lahat ng makakaya ko...

nang matapos namen ang test agad na chinekan ito

Laking tuwa ko… nang Makita na ang lahat ng scores

Ako ang highest!!.. ako ang may pinakamataas na score…!!

Laking gulat din ng iba kong mga kaklase ang iba ay natuwa.. ang iba ay nagtaas ng kilay…

“congratulations mr matugas.. ipagpatuloy mo lamang iyan”ang sabi ng subject teacher namen na si mam estanislao kasabay ng isang matamis na ngiti

“thank you mam”ang sabi ko

Natapos ang period namen nun ng science sunod ay ang English…

Bago mag test ay nagkarun muna ng discussion at konteng recitation

Tuwang tuwa ang guro namen ng makitang nagrerecite ako… tila bagong bago sa kanilang paningin ang aking mga ginagawa

Nangmag test… katulad kanina sa science ginalingan ko rin at binigay ko ang lahat ng makakaya ko…

Nang magtsek na… hindi man ako ang pinakamataas.. pangalawa lang.. pero maganda naring improvement un para saken…

Nang matapos ang lahat ng lessons sa lahat ng period… agad akong pumunta sa labas ng ground ng school.. pumunta sa pinaka malapit na chocolate store… bumili ako ng isang malaking chocolate bar… at thank you card

Ibinigay ko iyon kay atriu… bilang pasasalamat narin…

“marameng salamat po talaga”ang magaling kong pasasalamat

“to naman… nagpopo pa… magkasing edad lang naman tayo ah…”sabi niya

“tawagin mo nalang akong atriu..ok?”ang pagpapatuloy niya

“ok atriu”ang sabi ko

“wow… na tsambahan mo ah… favorite chocolates ko to eh… with almonds”ang sabi niya sabay ng isang napakatamis na ngiti

Kinatuwa ko naman iyon… ibig sabihin lang kasi non ay na parehas pala kame ng favorite na chocolate!

Habang saya na saya siyang nilantakan agad ang chocolate na iyon…

“..uwian na diba?... pinalabas naba kayo?”ang tanung niya

tumago ako bilang pagsagot

Binalot niya yung chocolate na binigay ko

“mamaya ka nang chocolate ka, lagot ka saken mamaya”ang sabi niya

Na siya namang kinangiti ko… ang sarap malaman na naaappreciate nya yung binigay ko sa kanya at hindi ito baliwala para sa kanya


“sabay na tayo?... malapit lang naman ako sa inyo eh”ang pagtatanung niya saken

“sigurado kaba? Baka may practice pa kayo?”ang sabi ko

“wala na… natapos nanamen lahat ng dapat tapusin kagahapon… sandali lang ah jan kalang kukunin ko lang yung gamit ko”ang sabi niya, sabay ng pagtalikod niya para kunin ang gamit niya

Wala na akong nagawa kundi hintayin siya…

So yun nga kasabay ko siyang umuwe…

Habang nasa daan puro tawanan ang namutawi sa aming dalawa… kwento tungkol sa sariling mga buhay buhay…

Ibang iba si atriu sa iba eh… hindi siya yung tulad ng iba na nagmamaliit ng mga tulad ko…na para sa iba ay walang alam.. tanga o bobo… binibigyan niya ako ng halaga kahit na marameng masasamang sinasabi saken ang iba…

Humarap saken si atriu

“oh? Bat natulala ka jan?”ang tanung niya saken

“salamat talaga”sabi ko sabay ng pagtungo

“kanina ka pa nagpapasalamat ah”ang sabi niya sabay ng pagakbay saken

Di nag tagal ay nasa harap na kame ng bahay ko

“so panu?andito na kana”ang sabi niya at sabay ng parang pag-iba ng timpla ng itsura niya

Di ko iyon maintindihan pero iwas nalang ako sa pag-intindi,… baka mamisinterpret ko pa

“so bukas sabay tayong pasok ah!...magreview ule tayo.. ang alam ko may test kayo sa geometry bukas at kame naman sa livelihood”ang sabi niya

“ok…”sabi ko sabay ng isang matamis na ngiti

Ng gabing iyon… natulog ako ng may ngiti saking mga labi…

Pagkagigising ko ng umagang iyon… nagayos na agad ako ng kama at naligo.. pasado 10 na nun ng magising ako…

Natapos ko nang gawin ang lahat ng dapat ayusin ko papunta ng school… ng mga 10:45 ng may biglang nag door bell sa pinto…si mama na ang pumunta duon para tingnan kung sino ang nasa gate…

Nagulat nalang ako ng sabihin ni mama

“may bisita ka”ang sabi nito saken

“iho pasok ka”ang sabi ni mama na nakangiti sa taong nasa gate

Nang makapasok na ang taong ito… laking gulat ko nalang na si atriu ang pumasok mula sa labas…

“good morning”ang bati niya saken ng may ngiti sa mga labi..

Pagkasabi niya nun dun ko na naalala ang sabi niya kagabe na kasabay ko siya para sa pagreview…

“good morning rin”pabalik kong pagbati..

“so ready kana?” ang tanung niya saken

tumango ako bilang pagsagot

Kinuha ko na ang mga libro ko na nasa center table at aktong paalis na kame

“ma aalis na po kame”ang paalam ko kay mama

Tumungo nalamang si mama hudyat ng pagsabi ng oo

Katulad kagabe puro ngiti at tawa ang namutawi sa aming pagpunta sa skwelahan

Maya maya ay nagging tahimik tila may isang angel na dumaan

Napansin yata niya na nagging tahimik na ang paligid namen…kinuha niya ang cellphone niya at may pinatugtog siyang kanta

“okay ako by gloc 9”

Wala kaming kasalanan dahil

Hindi naman namin ginusto ang buhay na my sabit
Sadyang ganito lamang kami halika na’t lumapit
Nang makilala ng lubusan ang mga sunud-sunuran sa iba kaya
Ayoko na ohh tama na!
Kailangan bang baguhin ang sarili sa iba
Kailangan bang intindihin ka nya
Pero wala naman pake di ako mapakale oh ayoko na!
Galit ba sakin ang mundo?
‘di ko malaman kung ano ang gagawin ninyo
Sana ay makilala kung sino na nga ako
Bakit di nyo ma-gets
Try to understand me and you know me well
Chorus:
Try to understand me
This is just the real me
Why can’t i just me my self and be accepted can’t you see
Di na kailangang magkunwari kung minsan
Wala naman masama sa ginagawa
Diskarte ko’y iba ang kailangan
Ako’y pagbigyan
Tumundig sa sarili supports what i need
Sa aking barkada sa aking pamilya
H’wag ipilit sa’kin ang hindi ako
Ok ako!
Ok ako (6x)
Verse 2:
Kapag kasama ko sila
Buhay ko’y nag-iiba
Hindi naman ibig sabiihin ay my pinaggagawa kami na kakaiba
Walang iwanan, nagtutulungan, walang gulangan, palaging nandyan
Kilala na namin ang bawat isa kahit ano pa man ang sabihin ng iba
Sa inyo
Kaya’t napipilitan pa
Magkunwaring sunod sa kagustuhan ng iba
Ngunit hindi ko na makayanan na itago pa
Itago ang sarili ko at sabihin ang gusto
Magugulat ka
Ako ay kausapin mo
At makikita mong pareho lang naman ito
Kakaiba lang talaga ang mga diskarte ko
Kung tingin mo’y mali, nagkakamali oh ay naku!
Repeat chorus
Bridge:
Di kailangang mag balat kayo
Upang maka sagip
Heto kami kami sige sabay sabay nating sabihing
Repeat chorus

habang tumutugtog ang kanta pinaliwanag niya saken kung anu ang ibig sabihin nuon

“alam mo ba yung feeling na , sunod sunuran ka sa kagustuhan ng iba… yung pakiramdam na hindi ka makakilos ng mag-isa”ang sabi niya saken habang diretsong nakatingin sa kalsadang aming nilalakaran


Tiningnan ko ang itsura niya…tila paiyak na siya…ayoko namang makitang naiyak ang kataas taasan ng first section kaya inakbayan ko siya kaagad…at sinabing

“atleast hindi ka hinahamak ng ibang tao… atleast sayo ramdam mo na may humahanga at nagmamahal sayo”sinabi ko iyon para naman marealize niya na may mga taong mas mabigat pa ang problema kesa sa problema niya

“alam mo?, pwde mo namang gawin ang gusto mo eh… hayaan mo ang mga matang nakatingin,, basta ang mahalaga Masaya ka” ang muli kong pagsasalita

“salamat ah”ang sabi niya saken

Ako naman magshare ng song, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang loud speaker
nito… pinatugtog ko ang kanta ni katy perry firework

Do you ever feel like a plastic bag
Drifting throught the wind
Wanting to start again

Do you ever feel, feel so paper thin
Like a house of cards
One blow from caving in

Do you ever feel already buried deep
Six feet under scream
But no one seems to hear a thing

Do you know that tehre's still a chance for you
Cause there's a spark in you

You just gotta ignite the light
And let it shine
Just own the night
Like the Fourth of July

Cause baby you're a firework
Come on show 'em what your worth
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
As you shoot across the sky-y-y

Baby you're a firework
Come on let your colors burst
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
You're gunna leave 'em fallin' down-own-own

You don't have to feel like a waste of space
You're original, cannot be replaced
If you only knew what the future holds
After a hurricane comes a rainbow

Maybe you're reason why all the doors are closed
So you can open one that leads you to the perfect road
Like a lightning bolt, your heart will blow
And when it's time, you'll know

You just gotta ignite the light
And let it shine
Just own the night
Like the Fourth of July

Cause baby you're a firework
Come on show 'em what your worth
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
As you shoot across the sky-y-y

Baby you're a firework
Come on slet your colors burst
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
You're gunna leave 'em fallin' down-own-own

Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon
It's always been inside of you, you, you
And now it's time to let it through

Cause baby you're a firework
Come on show 'em what your worth
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
As you shoot across the sky-y-y

Baby you're a firework
Come on slet your colors burst
Make 'em go "Oh, oh, oh!"
You're gunna leave 'em goin "Oh, oh, oh!"

Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon
Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon

“ang kantang to ang nagbibigay ng pagasa saken.. tuwing pakiramdam ko na wala na akong pagasa… tuwing pakiramdam ko na lulubog na ako ng tuluyan… papatugtugin ko lang ang kantang ito… at maya maya sasabihin ko na sa sarili ko na kaya ko… kung kaya ng iba kaya ko rin!... hindi ako dapat sumuko”

Tiningnan ko siya nagtama ang aming mga mata nakatitig pala siya saken

“alam mo proud ako sayo”ang sabi niya saken

“ha? Bakit?”ang tanung ko

“kasi kahit naiisip mo na wala nang pagasa yan ka parin at lumalaban at hindi sumusuko… proud na proud ako sayo”ang sabi niya saken

“salamat atriu ah… dahil sa mga tulong mo lalo akong nabubuhayan ng pagasa na bakasakaling makaalis ako ng highschool… salamat talaga”ang sabi ko sakanya

“yan ka nanaman! Kagabe kappa nagpapasalamat ah!”ang sabi niya saken sabay ng isang malakas na tawa

“ocge! Bibilhan nalang ule kita ng chocolate with almonds mamaya”ang sabi ko

at sabay ng malakas ring tawanan namen

Di nagtagal nasa labas na kame ng gate ng school namen

Sa labas palang ng school namen pinagtitinginan na kame…

“ahmm atriu mas ok yata kung mas mauna ka nang maglakad”ang pabulong kong sabi sa kanya

“diba sabi mo kanina pwde kong gawin ang gusto ko… bastat nagiging Masaya ako dito?”patanung niyang sabi saken

“oo”ang sagot ko

“edi hayaan mo kong sabayan ka hanggang sa library at magbell Masaya akong kasama ka eh”ang sabi niya

So yun nga ang nangyare kasabay ko siya hanggang sa pumasok na kame ng library… tila napakarameng mata ang nakatingin samen… may ibang mata na nagtaasan ng kilay… may mga mata na nagtataka pero parang wala lang yun kay atriu…

Nang makapasok kame ng library

“mam good morning po”ang bati ni atriu sa teacher na nagbabantay ng library

“good morning rin mga iho”ang pabalik na bati nito

“magrereview lang po kame mam”ang paalam namen

Pagkatapos nun ay pinirmahan na ang students attendance of library process at pinapasok na kame, pagkaupo palang namen agad ko nang nilabas ang lahat ng dapat kong ireview ang lahat ng dapat kong ayusin,…at ganun rin naman si atriu

Nagtulungan kameng dalawa… may alam naman ako sa livelihood

Tinuruan namen ang isat isa…magaling rin si atriu sa geometry kaya marame siyang naituro saken… kahit pa na super hilong hilo ako sa pakikinig sa subject na iyon at talagang super hirap akong turuan sige parin siya sa pagturo saken..

Binigyan niya ako ng isang problem at sinagutan ko iyon…nangmatapos ko nang sagutan… tila mapalundag ako ng sabihin niya sakeng….

“perfect lahat ng sagot mo”ang sabi niya ng may malaking ngiti sa kanyang mukha…

Nangmatapos na ang pagrereview namen pasado 12 na…talagang pinagbute namen ng todo ang pagrereview…

Nangmakaakyat ako ng room…nasa pintuan palang ako nuon ng may biglang kumalabit saken

“ahmm pinapatawag daw po kayo ni mam bantog”ang sabi saken ng isang studyante na nasa 2nd section

“cge paki sabi pupunta nalang ako.. aayusin ko lang tong gamit ko..”ang sabi ko

Pagpasok ko.. matalim ang tingin saken ni aquesta di ko na ito inintindi maski pa ang mga pagpaparinig niya

“ang bobo naririto na… hay nakowh!!”ang sabi niya ng palabas na ako ng classroom

Pumunta ako ng faculty para puntahan ang class adviser namen

“mam good afternoon po”ang sabi ko

“good afternoon mr matugas, take a seat”ang sabi niya saken sabay ng pagturo ng upuan

“so pinatawag kita dahil sa may nabalitaan ako,ang kataas taasan raw ng first section ang nagtuituitor sayo?”ang sabi nito sa mataray na boses

“yes mam” ang sagot ko

“well sa ilang mga test na dumaan nitong nakaraang mga araw mukang nagbubunga nga ng maganda ang pagrereview nyo ng sabay, sana lang ay hindi mo siya masyadong pinahihirapan”ang sabi saken ng guro ko

“don’t worry mam ,hindi po”ang sabi ko habang nakatungo

“do your best mr matugas.. sagarin mo kung may maisasagad at may maipipiga pa jan sa utak mo”ang sabe ng ng guro ko

Pagtapos ng usapan naming iyon agad na akong bumalik ng class room,at di nag tagal ay nagbell na hudyat para sa pagsisimula ng klase

Pagkatapos ng first period ,second period na geometry

“good afternoon class, ngayong araw na ito na ninyo itetake up ang test”ang sabi samen ng aming guro

Di nagtagal ay pinakalat na ang test papers… nang makuha ko ang test papers agad kong tinuon ng lahat ng aking attention dito

Tila naman napansin ng aking guro ang pagiging serious ko..kaya lumapit siya dala dala ang correction paper na naglalaman ng tamang sagot

Tiningnan niya ang mga sagot ko at ang sagot na nasa correction paper..

Nang lingunin ko siya… nasa mukha niya ang isang napakatamis na ngiti..

“ipagpatuloy mo lang mr matugas…”ang sabi niya saken ng may matamis na ngiti

Nang matapos ang test iyon agad naming chinikan ang papers

Laking tuwa ko… kahit na hindi ako ang pinakamataas pangalawa lamang.. mataas parin ang nakuha kong score

“im very happy… dahil mukhang natauhan kana mr matugas”ang sabi saken ng teacher namen sa geometry

Isang matamis na ngiti na lamang ang aking binigay

Nanglingunin ko ang iba kong kaklase.. may iba sa kanila na nakasimangot , ang iba ay may napakatamis na mga ngiti ang iba naman ay nagtataas ng kilay

Nangdumating ang recess

“matugas! May naghahanap sayo!”ang sabi saken ng isa sa mga kaklase ko

Ng tingnan ko sa labas ng pinto tila napaka raming students na nakiki-esyoso

Hanggang mahagip ng aking mata si atriu… bumaba siya mula sa highest level of sections at pumunta sa section ng lowest para lang puntahan ako??

Agad akong lumabas para puntahan siya..

Nanglapitan ko siya

“napasa ko ang test namen!.... ako ang pinakahighest!”ang sabi niya na may malaking ngiti sa kanyang mga labi…

“congratulations!”ang sabi ko na may malaki ring ngiti sa aking labi

“ako naman nakapasa rin… second ako sa highest”ang sabi ko

Nasa kalagitnaan kame ng pagsasaya ng maymarinig na kameng mga bubuyog na nagbubulungan

“ahmm atriu… gusto mo sa canteen nalang tayo magusap?”ang tanung ko

Tumango siya hudyat ng pagsabi ng oo

So yun na nga ang nangyare nagusap kame dun sa canteen tila isang celebration narin iyon.. dahil alam namen na hanggang sa dulo kameng dalawa ang magkasama para tulungan ang isat isa

Nang magbell umakyat na kame sa sarili naming mga class room

“akalain mo nga naman… super taas na ng bobong yan at talagang bumaba pa dito ang kataas taasan ah!?”ang sabi ni aquesta saken ng Makita ako sa pinto

Tumango nalamang ako.. at di pinansin ang sinabi niya…

Nangmatapos ang lahat ng periods oras na para umuwe katulad ng date sabay kame ni atriu

Ganun ang settings ng lahat hanggang sa matapos ang 3rd grading

Nasa hall ako nuon at kinukuha ang grades ko ng Makita ko siya napababa ng hagdanan
Nilapitan ko siya

“kamusta ang mga grades?”ang tanung ko

Nagbigay siya ng isang malungkot na mukha na siya naming pinagalala ko

Nangmapansin naman ni atriu na talagang nagaalala na ako

Bigla naman siyang ngumiti at sinabing

“pasado lahat”sabay ng isang malakas na tawa

“kala ko naman kung anu na eh!!”ang sabi sabay ng pagkuha sa card niya

Pasado nga lahat at talagang matataas

Ngayon naman ay ang aking card nalang ang hinihintay ko.. nang marinig ko na ang pagtawag saken ng teacher namen

“mr matugas here is your grades,”sabi saken at sabay ng pagabot nito ay napakatamis na ngiti

Nangbinuksan ko ang card… tila mapalundag ako sa aking nakita halos magcollapse ako!! Hindi ko alam kung nahinga pa ako nung time na iyon…

May 89,may 81 ,83, lahat nasa line of 8 at wala akong bagsak!! Halos lahat ng grade ko ay katulad na ng kay atriu

maiyak iyak ako ng makita ko lahat ng grades ko

“hoy ok ka lang??”ang sabi saken ni atriu ng mahalatang parang hindi na ako humihinga

“hoy!”ang sabi niya sabay ng pagyugyog saken

“is there something wrong mr matugas?”ang sabi samen ng teacher ko…at sabay ng isang malaking ngiti sa kanyang mga labi

Ngayon lahat ng mata ay nakatutuk na saken…

“pasado ako lahat”ang sabi ko ay atriu at sabay ng pagabot ko sa kanya ng card ko…

Tuwang tuwa rin si atriu ng Makita ang card ko… wala akong line of 7!!...tila siya pa ang mas masayang Masaya na naglulundag sa hall

Tiningnan ko ang guro namen at talagang nakangiti parin ito saken

“ipagpatuloy mo lang iyan mr matugas.. makakapasa ka hanggang sa 4th grading..”ang sabi saken

.,.. pasado ako lahat.. pero hindi pa tapos ang lahat… kailangan kong makatapos ng 4th year at makaalis sa highschool

So pagkatapos nang pangyayareng iyon tuloy parin kame ni atriu sa pagrereview araw araw… tulad parin ng dati ang aming samahan…

Ang tanging nagbago nalang ay ang pakikitungo saken ng iba ko pang kaklase… kung dati ay minamaliit nila ako.. ngayon ay nakagain na ako ng konteng respeto sa iba sa kanila…

Wala na ang sobrang bulong bulungan at nabawasan na rin ang masasakit na salita
Ganun ang setting hanggang sa malapit na ang katapusan ng 4th grading… nasa canteen ako nun kasama ni atriu ng may isang student na lumapit samen at sinabing pinapatawag ako ni mam bantog

Pagdating ko sa faculty room..

“your going to pass mr matugas…”ang sabi saken ng guro ko

"Malapit na ang graduation day… at gusto ko.. pagkatapos na magspeech ng valivictorian ay ikaw naman…

Ang valivictorian ay si atriu… "

“mam sure po ba kayo?”ang tanung ko sa kanya, sa mga panahon na ito mangiyak ngiyak na ako sa tuwa

“matugas, pasensya kana sa masasakit na salita na nasabi ko nuon saiyo,”ang sabi sakeng ng guro ko na may malumanay na boses

“mam hindi po kayo dapat magsabi ng sorry… ang totoo po niyan dapat magpasalamat pa ako sa inyo eh… kasi kung di po dahil sa mga salitang iyon… hindi ako matututo , ginamit ko ang bawat masasakit na salita na nanggaling sa ibat ibang studyante at mga guro na nanghamak sa akin bilang tuntungan para maabot ko ang pinapangarap ko..”

Sa mga panahon na ito.. dumadaloy na ang luha ko… napaka sarap ng pakiramdam na lahat ng pinaghirapan ko ay nagbunga

Tumayo mula sapagkakaupo ang guro ko at niyakap ako…

“congratulations iho”ang sabi nito saken

Araw ng graduation

Nasa entablado na si atriu lahat ay tahimik para mapakinggan ang kanyang sasabihin

"Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa paranque national highschool. Sa unibersidad na ito, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 3 units na bagsak, kaikailanganin mong ulitin ang year na iyon

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 2 units ng bagsak. ang mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 1.5 unit. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede nang magrepeat ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa highschool, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “MAY SUMMER KO!!!” o “Pare, SABAY TAYONG MAG REPEAT HA!” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung highschool, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi."

Nangmatapos ang speech na ito ni atriu… nagpalakpakan ang lahat…standing ovation ang binigay sa kanya…isang napakagandang speech iyon…

Nang bumaba si atriu siya namang pagsunod ng aking guro na si mam bantog papunta ng entablado

“a wonderful speech mr atriu… now… I would I like to call on mr matugas… and give him this award , this medal, for being the most changing student here in our university”

Nang tingnan ko ang kinaroroonan ni mama… tila nagulat siya sa narinig.. maski ako!... hindi ko alam na pararangalan ako ng isang medalya…

Agad na akong tumayo at tinunton ang entablado…

Sinuot saken ng aking mama ang medal na iyon ,pagtapos niya iyong isuot saken at bumaba na siya…

“a little speech cant hurt mr matugas”ang sabi saken ng aking guro…

Hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko.. biglaan ang lahat… pero kung kinaya ni atriu kakayanin ko rin…

“isa hong magandang gabe sa inyong lahat…siguro naman ho.. ay kilala ako ng bawat studyanteng naririto…kilala ako.. bilang sa pagiging mahina ng kokote ko…ako ho si carlo matugas…isang studyante na pinilit makatapos at ngayon nga ho.. ay pinarangalan pa ng isang medalya..

Ang secreto ho? Kung pano kong nagawa ang lahat??...

DAHIL HINDI AKO SUMUKO… ANG LAHAT NG MASASAKIT NA SALITA NA NANGGALING SA BAWAT STUDYANTE ,SA PAMILYA KO, AT SA BAWAT GURO AY HINDI KO GINAMIT PARA LALO AKONG BUMAGSAK… GINAMIT KO ANG MASASAKIT NA SALITANG ITO.. BILANG TUNTUNGAN KO PARA MAABOT ANG PINAPANGARAP KONG MAABOT

Ang medalya hong ito… ay inaalay ko.. sa isang kaibigan na hindi ako pinabayaan…

Mr atriu forteza… maraming salamat…utang ko sayo ang lahat ng ito”

Nang matapos ang speech kong iyon ang lahat ay nagpalakpakan ang ibang mga studyante at mga guro ay nagiyakan…

Bumaba ako ng entablado at pinuntahan ang kinaroroonan ni atriu… niyakap ko siya bilang hudyat ng pagpapasalamat…

Natapos ang ceremonyang iyon…taas noo kong sinasabi… na kahit ilang beses akong lumagpak at bumagsak.. eto parin ako.. nakatayo.. at lumalaban

(wakas)

1 comment: