Hindi ko alam ang isasagot
ko
Patuloy na tumutugtog ang
musica na namamagitan sa aming dalawa.
Muli niya akong hinalikan.
Sa pangalawang halik na to
ay lumaban narin ako
Aaminin ko, di lang dahil sa
sarap ng halik niya kung kayat nadala ako nito
May kuryente, may kislap ,
iba ang pakiramdam ko sa halik na ito
At sigurado akong.. ito yung
pakiramdam na matagal ko nang kinalimutan
Pakiramdam ng pagmamahal…
Unti unti sa mga halik na
iyon ni ricardo.. bumalik ang bawat alaala namen ni ken..
Ang pagmamahalan namen.. ang
paglaban ko para sa pagmamahalan namen… at ang masakit na pagsuko niya nito.
Sa gitna ng halik na yon ay
biglang tumulo ang luha ko
Muling tumigil ang aming halikan
“Jamie? … baket?” sambit ni
ricardo ng mapansin ang pagluha ko
“ken” sambit ko
Niyakap niya ako
“Jamie kalimutan mo na si
ken. nAndito na ko… mahal kita Jamie.. at hinding hindi ko gagawin sayo ang
ginawa ni ken… mahal kita Jamie” sambit ni ricardo na ilang ulit sinasambit
saken na mahal niya ako.
Hindi ko alam ang dapat kong
sambitin.
May sinasabe ang utak ko
May sinisigaw ang puso ko.
Ito yung panahon kung saan..
nagkakagulo ang puso at isipan ko sa dapat kong igalaw.. sa dapat kong gawin.
Tanging ang pagtulo lamang
ng luha ko ang siyang tugon sa mga salita ni ricardo.
Patuloy na tumutugtog ang
musica
‘jamie, kaya mo to, malakas
ka jamie’ sambit ko sa aking sarili
Alam kong dapat akong
magsalita, hindi pwdeng hyaan ko lamang si ricardo sa pagmamahal at hindi koi
to tugunan
“ricardo, hindi pa
naghihilom ang puso ko, hanggang ngayon … hanggang ngayon masakit parin ang
ginawa saken ni ken” sambit ko sa kanya habang nakayakap siya saken
Unti unti siyang bumitaw sa
pagkakayakap sakin
“pwes maghihintay ako…
maghihintay ako Jamie” sambit nito
Hinawakan ko ang kanyang
mukha.
Unti unti kong nilapit ang
aking labi sa kanyang labi… hinalikan ko siya
Sa mga panahon na to.. sinusunod
ko ang sigaw ng puso ko.
maganda kahit medyo fast-paced ata..
ReplyDelete