writer: senioritoaguas
blog: www.senioritoaguas.blogspot.com
skype: christian.ballatores1
*currently looking for a writer partner that could help me to finish my next star story project*
this is el senioritoaguas, saying
when you love someone its like a package deal, weather you want it or not, may mga katangian parin siyang hindi mo maiintindihan pero all in all , love is more important above all imperfections
----------------------------------------
Nang gumising ako ng umagang yon , alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal, hindi ko na siya mahal katulad ng date,
Pinapanuod ko siya habang mahimbing siyang natutulog sa tabe ko, ang buong braso niya na nakayakap sa aking katawan at ang maingay niyang paghilik.
Pinilit kong tanggalin ang buong braso niya na nayakap saken, at tumayo ako upang magayos ng aking sarili,
Ako nga pala si kevin rebultan. Isang IT specialist sa isang kilalang companya at siya naman ang kasintahan ko . si chris santos,
Nang makatayo na ako , dumiretso ako nuon sa c.r at naghilamos at maliligo na rin. Nang bumalik ang tingin ko sa kama, mahimbing parin ang tulog ni chris, nasipa nanaman niya ang paborito niyang kumot ang kalahati nito ay sumasayad na sa sahig at may nakikita pa akong konting linya ng laway mula sa kanyang bibig
Wala siyang saplot nuon, ganon naman kase lage yon., kung may nangyare man saamen ng nakaraang gabe o wala , natutulog talaga siya ng walang saplot sa katawan at ang tangi niyang ipangtatakip sa sarili ay ang paborito niyang kumot
Malakas kong pinipigilan ang sarili na lumapit at ayusin ang pagkakahiga niya. Pero sa lalo kong pagtingin sa taong ito, aaminin ko, nandon paren ang libog ko sa kanya, pero ang pagmamahal ko, unti unti nang nawawala
Hindi pa siya gigisng hanggang 7:30. Tatlong oras bago ang pasok niya sa gym. Isa siyang gym instructor. hahalikan agad ako niyan sa labi, kahit di pa siya nag gagargle o nagtutootbrush man lang, bago siya umupo sa hapag kaninan, he had a terrific appetite. Palaging fried rice , eggs, sausage or sometimes pork liempo at isang malaking baso ng pineapple juice. Kailangan daw niya yon para sa trabaho niya. Pero para saken? .. kung hindi dahil sa work out niya… baka obese na siya ngayon.
Kinakain niyan lahat ng lulutuin ko, even that sisig experiment. Matagal na yon na ngayon nga ay na perfect ko na
Pero sa araw na yon. Walang pagluluto na mangyayare saken. Kung gusto niyang kumaen para sa araw na yon. He must cook it by his self
Nang matapos akong magayos at maligo bumalik ako sa kwarto namen, himbing parin siyang natutulog, kalahati ng kumot na paborito ay nakasayad sa sahig.
Habang tinitingnan siya, I felt nothing but delight . arousal.
Naaalala ko nuon na gumising ako ng ramdam ko ang stiffness niya na idinidikit niya sa thighs ko, and we would make love as if we didn’t the night before.how I love him back then.
Nagbihis na ko, tahimik . tahimik hindi dahil ayoko siyang magising. Kundi ayoko lang na makausap ko pa siya. Nagsasawa narin ako sa walang kwenta niyang mga kwento.
Ng makapagbihis na ko. Kinuha ko susi ng kotse at nagdrive na ako . habang nagdadrive sa kahabaan ng edsa na aamoy ko siya, sinabe ko na sa kanya nuon na wag masyadong gamitin ang pabango na paborito raw niya. Dahil kapag nasobrahan sa pag gamit nuon ay masangsang na ang amoy. I stoped using that brand months ago, pero hanggang ngayon I could still smell him , on my cloths, at sa kotse ko, nasa cubao na ako nuon nagiisip ng paraan para mawala ang amoy na iyon, nang mapansin ko ang isang karatula, isang Julia Roberts movie ang kasalukuyang palabas.
Naisip ko nuon na panunuorin ko yon. Because she was my favorite actress,and im not going to take him with me para panuorin yon. Kapag nanunuod kame ng movies na gusto ko , ang tangi lang niyang gagawen at yayakapin ako at matutulog sa tabe ko, kahit kailan hindi niya na aapreciate ang magandang movie, at kapag natapos na ang movie at nagoopen ako ng topic tungkol dito ang tangi lang niyang isasagot ay
“ahh yon ba? .. ahh oo”
Mas preferred niyang manuod ng mga movie na may karate, like jacky chans movies, or something like that.
This day I told to myself, I will never fall for a gym instructor again.
Pagdating ko sa opisina, Samantha, my secretary was on the phone. Sinabi niya na nasa telephono raw si chris, I told her to tell him na I wasn’t in yet. Nang maupo ako sa upuan ko pinilit kong burahin sa isipan ko siya. Pero parang oras ng trabaho tatawag at tatawag yan sa opisina kakamustahin ako, o kung minsan magpapahatid sa gym. tatawag yan. Kaya niyang magdrive ng sarili niya pero mas preferred niya ang mag take ng cab, isa sa mga stupid jokes niya na feeing hari raw siya habang nakapo at pinagmamaneho.
God!, if I could only make him disappear!
Pero I can’t sa ikat long beses bago ako mag lunch pumasok sa opisina ko si Samantha at sinabe na nasa kabilang line raw si chris, I had no choice but to answer it.
Kinausap ko siya pero hindi manlang niya napansin ang pagkairita ko, ganun siya, he never know when to be sensitive at the right time. Nagagalit siya sa napakaliit ng bagay pero pagdating sa mga bagay na kailangan ng buong attention niya di niya napapansen, katulad nalang ng lumalaki kong dislike para sa kanya
Talagang ganun siya.
Pagkatapos nameng magusap lumabas na ako ng opisina para kumaen
Pagbalik ko, ready na ang mga new applicants para sa job interviews, I went to the washroom and shake him out of my head. I decided that I wouldn’t let him affect me this way again.
Pero kapag sinuswerte ka nga naman, tanging siya lang ang naaalala ko lalong lalo na ng humarap saken ang isang applicant . tense but trying really hard to hide it that’s how he was when we first meet, naaalala ko pa non. Ilang coke nga ba natapon niya non sa sobrang tense niya.
Although the applicants transcript and background training were exemplary. I didn’t like him, ang pagkatulad niya siguro kay chris ang dahilan kung baket. Sinabe ko nalang sa applicant na yon plainly, na bumalik siya para sa second interview, a step closer to being hired.
Pagkaalis ng applicant nayon sinabe ko kay samantha na ayoko munang maistorbo ng sinoman. I sit back to my chair , trying, but not succeeding to relax. My mind is full of thoughts about him. Those times he was accusing me of infidelity when in fact he was the flirt. When he got that way he was worse than my mother and my father left her. Naisip ko ng mga panahon na yon na this got to stop,
Nasa akin ang lahat ng karapatan para maging masaya kahit pa ang maging kabayaran nito ay ang iwan siya.
Ng gabing yon, I told myself, ‘im going to break it up to him’
Pauwi na ko nuon at nagaayos na ako ng mga gamit ko, nang damputin ang ilang papelas may nalaglag mula dito, I retrieve it and saw what it was, it was his picture, nung nasa tagaytay kame, a think a year ago pa ito, he was smiling as he sat on the grass after trying and failing to mount the horse three times, his eyes turned to narrow slits because of that smile,
Hilig ko siyang asarin ng dahil sa mata niya, tuwing ngingiti kase siya tila nawawala ang mga mata niya, his eyes were almond-shaped, the pupils bluish gray.
Naaalala ko tuloy yung mga panahon na yon , pumunta kame nuon ng tagaytay 1 week before our anniversary. Mga panahon kung kailan, isa lang talaga kameng normal na lovers,
Lovers, he was so proud of me
“this is my lover” he says, sa mga friends niya sa clients niya, at specially sa family niya
Confident siya sa relationship na meron kame, isang bagay na wala ako, oo , mahal ko siya, pero hindi ako kasing confident na katulad niya , na tipong ipakikilala sa lahat,
I was never proud of him, he didn’t even go well with my friends, nagkaron nga ng gulo before when he said na snob raw ang isa sa mga friends ko, my friends told me before na ang layo raw niya sa aken. Complete opposite raw kame , your so different from him one said, but my friends and I didn’t influence each other. We support each other , console, but when It comes to decision making we didn’t impose our will to each other.
Habang nag dadrive na ako pauwe naisip ko na we are unlike any lover, I prefer dark suits and he prefer his gym attire just anywhere he is, he ate a lot of meat I like fish better, i drank coffee, he didn’t like coffee, I smoke he didn’t, : he drank and I didn’t.
As I go pass cubao again I saw the billboard of Julia Roberts, at ngayon napansin ko ang katabi na ad nito isang jet lee movie, naisip ko kung kasama ko lang siya ngayon he would drag me to watch that movie with him,
I told him before na tutulugan ko siya sa sine katulad ng ginawa niya saken pero I couldn’t, I could only sleep if all the light are off, at siya naman he coudnt sleep if all the lights are off
Kaya bago kame matulog, hinihintay ko muna na makatulog siya, para mapatay ko ang dim light at makatulog narin ako, I used to like to watch him as he fall as sleep even do he snored, sometimes he would do so in my arms and I would just look at him.
Am I going to miss him when we are apart? .. I thought so
Nang makarating ako sa garahe , nireherse ko muna ang mga sasabihin ko, para maging ready ako sa oras ng pagdating niya ng 8:00.
Pagbaba ko ng kotse nakita kong nakabukas ang ilaw ng bahay, mukang nakalimutan nanaman niyang patayin. Pumasok na agad ako ng bahay, pagpasok ko naamoy ko agad ang isang pamilyar na pagkain, pumunta ako ng kitchen at nakita ko ang niluluto na adobo, the only food na alam niyang lutuin. Luto narin ang kanin pero chris is not in the kitchen, I called out pero walang sumasagot sa mga tawag ko.
Pinatay ko ang gas stove bago pa tuluyang matuyo ang adobo, I went up to our room
Habang tinatanggal ko ang sapatos ko bago pumasok ng kwarto namen napansin ko ang tsinelas niya na nasa tapat ng bathroom door , I shaked my head , and went inside our room , I change into my shorts and white tshirt. Wala siya sa loob ng kwarto sa bathroom siguro.
I knocked and called out his name, may narinig akong groan, tinulak ko ang pinto pero hindi mabuksan ng tuluyan I saw his legs na nakaharang sa pinto
Siniksik ko ang sarili ko sa pinto para tuluyang makapasok, nang nakapasok na ko. Nakita ko si chris na naka handusay sa tabe ng toilet bowl
I checked him for any injuries bute naman at wala pero mainit ang katawan niya, sinabe niya saken na bigla siyang nahilo at natumba,
“you have a fever” I said, he nodded.
Tinulungan ko siyang tumayo at pinasok sa kwarto at nang maihiga ko na siya sa kama, bumalik ako ng bathroom at kinuha ang thermometer, and put it in his mouth
May sinasabe siya pero dahil nga nakasalpak sa kanya ang thermometer I cant understand anything he says, I took the thermometer out, and it read 40 deg. Centi. Naisip ko nuon paano pa siyang nakapag luto sa gantong temperature.
“dinners ready babe” he finally manage to say
“yes I saw it” I smiled “ looks good”
“only dish I know”
“and my favorite”
Ngumiti siya , isang napakagandang ngiti, may nais pa sana siyang sabihin pero sinabe ko sa kanya na magpahinga nalang siya , I asked him if he wanted or needed something, bigla niya akong niyakap ang init ng katawan niya ay tila naging waves na halos nakikita ko na , mas mainit ang hininga sa side ng neck ko and he said
“I love you”
Those words almost made me cry
“I know” I replied
I let go of his hug and touched his forehead, he said that my touch was his medicine
Tinanong ko siya kung gusto pa niyang kumaen, he said na masakit raw ang lalamunan niya
By then naalala ko na ang asthma niya umaatake nanaman ,
“then let’s go to doctora silvia” his doctor
“her prescriptions are in the bag” he replied
I went to his bag and took it, he managed to purchased his own medicines, tablets for the fever and capsules for his sore throat.
Naisip ko how long had he been feeling this way? Itong morning ng hindi ko siya pinaghanda ng breakfast? … itong hapon ng hndi ko pinapansin ang mga tawag niya? ..
Bumaba ako para kumuha ng tubig. Bumalik ako ng kwarto at pinainum ko sa kanya ang medicines niya, and ikinumot ko sa kanya ang favorite kumot niya. Turned the lamp on and left the room.
Nang dumating ang ala una ng madaling araw oras na para sa next dose ng medicines niya
Pagbalik ko ng kwarto , mahimbing siyang natutulog, napalitan ko na ang damit niya kanina na basang basa ng pawis niya. , his mouth half open, ang maingay niyang paghilik at ang pagsipa niya sa paborito niyang kumot.
Same thing this morning, pero ngayon all that I could see and feel was love, hindi ko alam kung baket , sa napakarame ng imperfections niya at mga dislikes ko sa kanya, I couldn’t seem to fully hate him. Nang makita ko siya sa sahig ng cr, ng kargahin ko siya , nang painumin ko siya ng gamut, I knew then na talagang mahal ko siya. Nothing less
Maybe Im stupid, for feeling this way. Pero I don’t care, im going to concentrate now on loving him the way he loves me , even do he didn’t please me all the time.
Cause now I remembered, kaya ko nga pala siya minahal , hindi lang dahil sa gwapo siya, hindi lang dahil sa mga perfect things sa kanya,
Kundi dahil rin sa mga imperfections niya, mahal ko siya, kahit ano pa siya….
No comments:
Post a Comment