“hey fag, feel so perfect?, well let me break it up to you, you’re not who you think you are, you’re ugly and you’re so not perfect!” sambit ng isa sa mga mahilig mambully saken, at patuloy pa ito sa pagtawa na lalong nakakapagpababa ng pagktao ko
“kasalanan kayo sa diyos, babae at lalake lang ang ginawa ng dyos, walang ginawang bakla ang dyos. Gawa kayo ng demonyo! Mga anak kayo ng demonyo” sambit pa ng iba at tuluyang pangduduro saken
“isa kang salot sa lipunan, alam mo ba na ang mga katulad mo ?, mga AIDS CAREER KAYO!, salot kayo!” dagdag pa ng iba
Yan ang mga bagay na laging binabato saken, lalong lalo na po sa lipunang ginagalawan ko
Ako ho si chris, chris santos, labing anim na taon, may tangkad na 5”, 4th year highschool po at nagaaral ho ako sa isang kilalang Christian school , kung saan sinasabing ang dyos ay ang tagapag ligtas, taong perpekto , at taong puno ng pagmamahal
Pero ang mga taong mismong naririto, ay tila taliwas mula sa paniniwalang ito,
Araw ng biyernes , kakauwe ko lang non sa bahay, at katulad ng date, nabully nanaman ako,
Umuwi ako ng araw na yon na pilit na tinatago mula sa mga magulang ko , mula sa kuya ko na, sinaktan, nasaktan, at naalipusta nanaman ako
“tol, ayos ka lang?” tanong saken ni kuya ng napadaan ako ng salas
Isang pekeng ngiti ang binigay ko , ayokong magalala sila, ayokong magkagulo pa, kaya tinatago ko nalang, pilit kong tinatago at hindi sinasabe sa kanila, kung anong nangyayare saken
“ayos lang ako kuya” sambit ko kasabay narin nuon ay ang pagngiti ko
Pagkatapos nuon ay tuluyan na akong umakyat sa aking kwarto
Doon , sa aking kwarto, tuluyan kong inilabas lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat lahat
Kailangan kong gawin ang pagluhang ito, sa ganuong paraan , kahit na wala akong pinagsasabihan ay nailalabas ko parin ang sakit at pighati na nasa aking puso
Dahil alam ko, sigurado ako, pagdating nanamn ng kinabukasan, mauulit at mauulit nanaman ang mga pangyayaring ito...
Kinabukasan….
Nasa canteen ako ng school ng nuon
Magisa,
Nang may biglang lumapit saken
“hey fag,”
“aids career”
“salot”
“and most of all satans son”
Sambit ng grupo nila leah , leah gepilano
Si manuel, leah, rod, at si Hannah
Ilan lamang sila sa mga grupong hilig akong pabagsakin, grupong hilig mangalipusta ng mga tao sa kanilang paligid.
Nakatungo lamang ako noon ayokong lalo pang mapansin ng iba
“oh common little fag, wag mong sabihing hanggang jan kana lang talaga,” sambit ni leah
Wala parin akong imik, ng ilang saglit lang , naramdaman ko na ang tila malamig na likido na dumadaloy mula sa aking bunbunan papunta sa aking mukha
Nang matapos ang pagbuhos ng likido
Narinig ko sinambit ni leah
“next time, kapag kausap kita wag mo kong binabalewala, im the highest ranking in this food chain keep that in mind ,salot” sambit niya
Sabay ng pagalis ng grupo nila….
Sa class room
“good morning class, so today, im going to announce our top rankings” sambit ng madre na masigla sa harap ng buong klase namen.
From bottom to top ang pag announce nito
Sakin nong mga panahon na to, hinihiling ko na.. sana… sana hindi ako ang ranking # 1 … dahil pag nangyare yon, saken nanaman mapupunta ang mata ng lahat, lalo na ng mga grupong hilig akong bullyhin
Pero hindi natupad ang hiling ko
“and for our top 1. Congratulations again mr chris santos, you’re the top 1” sambit saken ng madre na nasa harapan
Ngumiti lamang ako bilang pagtugon sa sinabe niyang yon, may konting tuwa akong nadarama, pero mas malaki at nananalo saking damdamin ang takot…
Takot sa kung anong gagawin nila…. Ng mga bully
Pagkatapos ng announcement na yon
Naghihintay nalang kame ng oras, oras para sa pagring ng bell
lumabas na rin noon ang madre na kanina lang ay nagaanounce saamen
Classmate ko si kuya, tumigil kase siya sa pagaaral nuon at ngayon nga ay nagpatuloy , isang taon lang naman ang agwat namen, kaya hindi naman alangan saken na classmate ko siya
Habang naka upo ako nuon sa upuan ko, katabi ang mga libro sa aking desk,
Narinig at napapansin ko ang halakhakan ng iba, ang tawanan at ang kakaibang pagtingin saken
Nang lumingon ako, nakita kong may hawak na papel si kuya, hindi ko alam kung anong nakasulat don , pero nang magtama ang mata namen, nagaalab ito … puno ng inis, galit, lalo akong natakot, bumaling ako pabalik sa maayos kong pagkakaupo
Maya maya pa. nahagip muli ng aking mata ang puting papel, hawak na ngayon ito ng aking katabi
“bigay nyo sa kanya” narinig kong sambit ng nasa likuran ko
Binigay saken ang papel.
“CHRIS IS GAY, A SLUT, AIDS CAREER, SATANS SON, SALOT” yan ang mga katagang nakalagay doon
Lalong naghalakhakan ang lahat ng makitang hawak at binabasa ko na ang papel
Maya maya nag ring ang bell
Nagtayuan ang lahat, ako nanatiling nakaupo, nanatiling nanliliit sa sarili
Akala ko don na matatapos yung tipong mananahimik nalang ako at lalabas na sila ng tumatawa pero hindi pa pala…
Ilan sa mga kaklase ko mismo, ang bumatok nagtapon ng libro ko, at bumato pa saken ng papel
Nakita ko non si kuya, nakatingin lang siya saken. Galit, hiyang hiya, inis na inis
Tumungo nalng ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko….
Isa isang nagalisan ang lahat, natira akong nagiisa,
Napansin ko ang babae ng kabilang section . nakatingin lang ito saken. Alam kong awa ang namumutawi sa kanya, pero wala akong emosyon na inilabas upang hindi na siya maawa pang lalo
PAGUWE KO SA BAHAY
Nasa sarili kong kwarto ako nuon , nakahiga, nagiisip, lumuluha…
Nang maya maya, narinig kong may kumakatok sa pinto ng aking kwarto
Pinunasan ko ang aking luha, inayos ko ang sarili ko , nang sa tingin ko na ayos na ko
Tinunton ko ang pinto.
Binuksan ko ito, laking gulat ko ng kung sino ang kumakatok
Si kuya
Agad siyang pumasok sa kwarto ko
Nang makapasok na. sinara ang pinto at matalim na nakatingin saken
“totoo ba?” agad na tanong niya saken… sa tono ng boses na maya maya lang ay parang sasabog na
Nakatungo lang ako nuon , walang salita, takot at nanginginig
“PUTANG INA MO CHRIS , MAGSALITA KA! TOTOO BANG BAKLA KA?!” PASIGAW NA NASABI NI KUYA
Sound proof ang buong kwarto ko kaya kahit magsisigaw siya hindi maririnig sa labas
Nakayuko parin ako, tahimik walang salita, takot at nanginginig
Unti unti tumulo ang luha ko ng dahil sa takot,
Agad narin ng pagtulo ng luhang iyon ay ang malakas na pagsapak saken ni kuya
Isang sapak na dahilan upang bumagsak ako sa aking kinatatayuan
Nang mapaupo na ko sa sahig
“TANG INA KA, WALA AKONG KAPATID NA BAKLA TANDAAN MO YAN!” sambit ni kuya at agad nang lumabas ng kwarto ko
Ang kaninang konting luha koy naging hagulgol , at ang tanging postion ko nalang nuon ay ang sarili kong puso, hindi ko na alam kung sino at saan ako kakapit
Kung saan at paano ang hahakbang patungo sa kaluwalhatian…
Ng gabing yon, sinaktan ko narin ang sarili ko, katulad ng matagal ko nang ginagawa, ang paglalaslas, ito nalang siguro ang tangi kong paraan para tumakbo sa sakit na nasa dibdib ko…
Kinaumagahan….
Nasa kitchen si mama, maaga siyang nagigising.. sila kuya at si papa ay tulog pa
“ma” pagtawag ko rito
“oh anak? … ang aga mo yata?” sambit nito saken
“ma ayoko nang pumasok, gusto ko nalang dito sa bahay” sambit ko sa kanya
Tila naman naginit ang tenga ni mama, tumaas ang kilay niya
“nababaliw kanaba? … ang gaganda ng grado mo tapos sasbihin mo sakeng ayaw mo nang pumasok , sasayangin mo ba ang buhay mo?... intindihin mo ang mga kailangan mo chris, hindi ang mga gusto mo” sambit nito saken
Wala narin akong nagawa, alam kong di ako mapapakinggan ni mama
Pumasok ako sa araw na yon.
Tulad ng date, ako parin ang sentro ng pambubully pero mas malala ngayon. Mas sobra
“hey fag,”sambit ni leah ng makita akong nasa canteen
Nakatungo lang ako walang laban. At mahina
Umupo siya sa tabe ko
“alam mo fag, kung ako sayo magpakamatay ka nalang, kase kahet sa college, hindi ka titigilan ng mga bullies, mahina ka, lampa, at higit sa lahat, bakla ka pa” sambit nito na dahilan ng pagtawa ng kanyang mga kagrupo
Tumayo siya
“isipin mo yung sinabe ko fag ha? … pakamatay ka nalang” sambit nito
Bago siyang tuluyang umalis, isang malagkit ng slime ang binuhos niya saken, mukang galing pa yon ng science laboratory namen, sobrang lagkit , nakakadiri…
Nang makaalis na sila
Siya namang paglapit saken ng babaeng nuong nabully ako sa classroom eh nandon siya at nakatingin
“are you ok? .. here let me help you” sambit niya sabay ng pagpunas saken gamit ang towel na hawak niya, pero lumayo ako, inisip ko nuon na baka ang pagtulong nito ay may malaking kapalit.,
Lumayo ako at umalis
Nang sa paguwe ko non. Pasado alas otso na ng gabe, nasa LRT station ako non, naghihintay ng padating na tren,
Umuugong sa utak ko nuon ang sinabe ni leah ,
“MAGPAKAMATAY KA NALANG, MAMATAY KA NALANG” unti unti dumaloy ang luha ko, hawak ko ang isang papel
Papel kung saan nakasulat ang sakit at hinanakit ko,
Nakita ko ang pagdating ng tren, ang liwanag nito mula sa malayo,
Unti unti itong lumalapit , unti unti itong nagkakaron ng koncretong itsura
Ako ilang sa ilang dipang layo nito saken, akoy tumalon sa riles
Ang huli kong narinig ay ang sigaw ng ibat ibang tao at ang malakas na hampas ng tren…..
Araw ng sabado
Nasa burol ako nuon ng isa sa mga studyante na nakaranas ng sobrang pambubuly mula sa ibat ibang tao,
Isang studyante, isang bata na nasa edad ng labing anim o labing limang taon na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa riles ng tren
Ako ho si madelene , madelene lou tagle, isang babae na nakita at namasdan ang lahat ng pangyayare..
Pero wala akong ginawa, naging bulag bingi at tuluyan akong manhid, hindi ako nakielam dahil takot ako, takot akong madamay sa mundo na ginagalawan niya
Pero ngayon nagsisisi ako, nagsisisi ako na hindi ako nakielam, kung tumulong lang sana ako, kung may ginawa lang sana ako,
Sana nasalba ko pa ang buhay ng batang ito
Nakikita ko ang nanay ng batang ito nasa gilid pilit na pinatatahan ang kanyang sarili mula sa sakit na nadadama,
Ang buong paligid ay puno ng tao, matapos malaman ang buong storya ng batang ito.
Nakaupo lang ako nuon sa gilid, tahimik na pinagmamasdan ang lahat
Nang maya maya
“chris patawarin mo si kuya, kapatid kita, imbis na protectahan kita, sumama pa ako sa bigat na dinadala mo… patawarin mo kuya chris. Patawarin mo ko.” Sambit ng kapatid ng batang nasa loob na ng puting kahon.
Kasabay ng mga katagang yon ay ang masmalala na paghagulgol nito.
Malapit pa naman na ang graduation namen, 2 araw mula ngayon graduation na, ang pagakyat sa entablo, ang pagsabit ng ibat ibang medalya yan sana ang naghihintay na mga karangalan para sa batang ito
Pero lahat ng iyon mababalewala, dahil patay na siya…..
Unti unting lumalim ang gabi para sa araw na iyon, unti unti ring nagsialisan ang mga tao
Dumaan ang ilang araw
Hanggang sa dumating ang araw ng graduation
Halos matatapos na ang buong ceremonya ng graduation nayon ng pumunta sa entablado ang aming punong guro
“magandang araw ho sa lahat, bago ho tuluyang magtapos ang ceremonyang ito , isa ho munang speech ang ating maririnig, atin hong pakinggan ang sasambitin ng ating… valedictorian” sambit nito
Agad na nagtaas ng kilay ang lahat, alam ng lahat na si chris ang valedictorian., pero patay na ito, sino ang magsspeech?
Yan ang tanong ng lahat hanggang sa mahagip ng lahat ang isang babae, ang nanay ni chris
Tuluyan itong tumuntong sa entablado at nagsalita sa microphone
Tahimik ang lahat, naghihintay sa sasambitin ng babae
“ikaw? ….” Sambit nito
“oo ikaw…” sambit nito ng may pilit ng ngiti
“masaya kaba sa ginagawa mo? … Masaya kaba sa ginawa mo?” patuloy na pagsasalita nito
“bakit nga ho ba no? .. dito sa ating mundong ginagalawan.. hindi makakilos ng maayos ang sinoman kung hindi ito mangmamata ng iba,”
Kinuha ng babaeng ito ang mikrophono at pumunta sa gitna ng entablado
“daily routine? .. hindi kayang mabuhay ng walang napapabagsak? … yon ba yon? …”
“pareparehas tayong tao na pilit na kinakamit ang kaluwalhatian…!! Kaya bakit kilangan mong manulak ng isang tao papunta sa impyerno!”
“aaminin ko.. may kasanan rin ho ako sa pagkawala ng valedictorian ng skwelahang ito, hindi ako nakinig sa anak ko eh
Dumating ang oras kung kailan lumapit siya saken at sinabing
‘ma ayoko na pumasok ayoko nang magaral,’ hindi ko man lang ho tinanong sa anak ko nuon kung bakit, sa halip pinagalitan ko pa siya” sambit ng babae sa garargar na boses
“isa ho yon sa pagkakamali ko” sambit niya at tuluyan nang humagulgol
May tumayong isang magulang, hawak rin ang isang mikrophono at itoy nagsalita
“alam mo palang ikaw ang nagkamali, oh ano pang ginagawa mo rito? Diba dapat sisihin mo ang sarili mo ng magisa?” sambit nito
“narito ho ako, para ipamahagi ang bagay na to…”
“walang lakas ng loob ang anak ko para lumaban mahina siya, lampa, alam ko ho, marami pa rito ,sa bawat studyante na to, sa bawat kabataan na to, ang katulad ng anak ko, na nabubully at nasasaktan at naaabuso sa ibat ibang paraan. Gusto kong malaman ng bawat kabataan na to na
THINGS WILL GET BETTER, PEOPLES MIND WILL CHANGE AND SOMEDAY EVERY PAIN THAT YOU ARE FEELING WILL TURN TO HAPPINESS AND PEACE
SOMEDAY IT WILL,
AT PARA MASAKSIHAN MO ANG PAGBABAGONG YON, DAPAT BUHAY KA, DAPAT NAKATAYO KA AT BUHAY KA,
YOU SHOULD BE ALIVE TO SEE EVERY PERFECT CHANGE” sambit nito ng humahagulgol
Tumayo ako pumunta ako ng intablado kumuha ng mikrophono at nagsalita
“NAKIKITA KO ANG BAWAT PANANAKIT AT PAMBUBULLY, PERO WALA AKONG GINAWA PARA TULUNGAN SI CHRIS, YON ANG PAGKAKAMALI KO, KUNG SANA TUMAYO AKO AT SUMAMA SA LABAN NIYA SANA, MAY NASALBA AKONG BUHAY,
GUSTO KO LANG HONG SABIHIN SA ARAW NA TO NA, TAMA NA ANG PAGIGING BULAG PAGIGING MANHID AT PAGSAWALANG BAHALA SA MGA BAGAY NA NASA PALIGID NATEN
Kailangang maisalba ang buhay ng bawat isa” sambit ko ng tuluyan naring tumulo ang aking luha
--------------------------
Ako ho si madelene lou tagle, nasa college ho ako at nagaaral sa UP diliman, at pilit na lumalaban kasama ang ibat ibang grupo, lumalaban laban sa BULLYING!
Sama sama po, magagawa nating mabago ang mundo
The end
No comments:
Post a Comment