Followers

Friday, May 11, 2012

love circle (14)


Hindi ko alam ang isasagot ko

Patuloy na tumutugtog ang musica na namamagitan sa aming dalawa.

Muli niya akong hinalikan.

Sa pangalawang halik na to ay lumaban narin ako

Aaminin ko, di lang dahil sa sarap ng halik niya kung kayat nadala ako nito

May kuryente, may kislap , iba ang pakiramdam ko sa halik na ito

At sigurado akong.. ito yung pakiramdam na matagal ko nang kinalimutan

Pakiramdam ng pagmamahal…

Unti unti sa mga halik na iyon ni ricardo.. bumalik ang bawat alaala namen ni ken..

Ang pagmamahalan namen.. ang paglaban ko para sa pagmamahalan namen… at ang masakit na pagsuko niya nito.

Sa gitna ng halik na yon ay biglang tumulo ang luha ko

Muling tumigil ang aming halikan

“Jamie? … baket?” sambit ni ricardo ng mapansin ang pagluha ko

“ken” sambit ko

Niyakap niya ako

“Jamie kalimutan mo na si ken. nAndito na ko… mahal kita Jamie.. at hinding hindi ko gagawin sayo ang ginawa ni ken… mahal kita Jamie” sambit ni ricardo na ilang ulit sinasambit saken na mahal niya ako.

Hindi ko alam ang dapat kong sambitin.

May sinasabe ang utak ko

May sinisigaw ang puso ko.

Ito yung panahon kung saan.. nagkakagulo ang puso at isipan ko sa dapat kong igalaw.. sa dapat kong gawin.

Tanging ang pagtulo lamang ng luha ko ang siyang tugon sa mga salita ni ricardo.

Patuloy na tumutugtog ang musica

‘jamie, kaya mo to, malakas ka jamie’ sambit ko sa aking sarili
Alam kong dapat akong magsalita, hindi pwdeng hyaan ko lamang si ricardo sa pagmamahal at hindi koi to tugunan

“ricardo, hindi pa naghihilom ang puso ko, hanggang ngayon … hanggang ngayon masakit parin ang ginawa saken ni ken” sambit ko sa kanya habang nakayakap siya saken

Unti unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin

“pwes maghihintay ako… maghihintay ako Jamie” sambit nito

Hinawakan ko ang kanyang mukha.

Unti unti kong nilapit ang aking labi sa kanyang labi… hinalikan ko siya

Sa mga panahon na to.. sinusunod ko ang sigaw ng puso ko.

Friday, May 4, 2012

love circle (13)


Nang matapos ako sa pag kanta.

Hindi ko agad tinunton ang lamesa kung saan ako dapat maupo.

Linapitan ko ang kinaroroonan ni mokong.

Nang makalapit ako rito

“magandang gabe po seniorito” pagbati nito saken sabay ng isang nakakalokong ngisi

“anong ginagwa mo rito” sambit ko sabay ng pagtingin sa kanya

Ngayon napansin ko pa ang suot nito.

Suot ni mokong ang isa sa mga toxido ng papa. Napakaastig tingnan ni mokong

“at talagang suot mo pa ang damit ni papa ah?” sambit ko

“pinahiram eh, ang pogi ko noh?” sambit ni mokong sabay ngiti

Napangiti ako, halos matawa na

“taas ng apog mo noh?!” sambit ko

Nasa kalagitnaan kame ng paguusap ni mokong ng.

“Jamie?” sambit ng boses na nasa aking likuran

Kilala ko ang boses na to… si ken

Nang lingunin ko ito

“yes mr gallatores?”

Nang tingnan ko siya napansen kong nakatingin siya kay ricardo

“anong ginagawa niyan rito?” sambit ni ken

“hoy, ikaw, hindi ka naman invited dito sa party na to ah? .. ang kapal ng mukha mo , gate crasher!” sambit ni ken habang dinuduro na si ricardo

“excuse me?” sambit ko na dahilan upang mapatingin saken si ken

“alam mo ken, wala kang karapatan na sambitin yan. Dahil first of all, hindi ikaw  ang gumawa ng party na ito. And Mr. Ricardo here is oblige to be here, dahil siya lang naman ang aking body guard na sinisiguradong… HINDI AKO MASASAKTAN” sambit ko

Wala nang nasambit pa si ken

“mr ricardo lets go, I will be glad to introduce you to the BPC” sambit ko sabay hila na kay ricardo.

Iniwan si ken na nakatanga lang roon.

Ng makarating kame sa table

“guys” pagtawag ko ng pansin nila

“this is ricardo, my personal body guard” pagpapakilala ko kay ricardo

“uhhhh” sambit ni nikko

Tila nangati ang bakla bigla

“nikko ah, tigil tigilan mo yang kamandag mo” sambit ko ng nakangiti

Natawa silang lahat.

“anyway, mr ricardo it’s our pleasure to meet you” sambit ni joanne

“please take a sit” sambit nito muli

Tumingin siya saken, nahihiya si mokong. Ngumiti ako sa kanya hudyat ng everything is ok.

Umusog ng konti si nikko

“ricardo dito ka nalang umupo oh” sambit nito sabay ng turo sa katabing upuan nito.

“salamat nalang” sambit ni ricardo sabay ng isang malumanay na ngiti at sinundan ako ,

Umupo siya sa tabi ng aking upuan.

“hmmm! Suplado pero type ko yang ganyan!” sambit ni nikko na parang na ngangate

“tarantado napaka lande mo nikko!” sambit ni joanne sabay ng malakas na tawanan ng lahat

“eh bakit ba… ang gwapo kaya ni mr ricardo” sambit ni nikko

“nikko tigilan mo na, tinatakot mo eh” sambit ni pinkish ng tumatawa

“oho!” sambit ni nikko

Maya maya pay tumugtog na ang musica, oras nang pagindak!


“oh tayo na!, tara na!” sambit ni Dianne

“potsa sandale naka takong pa ko eh!” sambit ni pinkish

“mag paa kana tara na!” sambit naman ni mikko at hila kay pinkish.

 Patayo na ko ng nakita kong biglang hinila ni Dianne si ricardo

Agad namang napatingin saken si ricardo, nginitian ko muli ito hudyat ng pagsabi na ayos lang ako dito.

Sa pagindayog ng musica tila kay saya

Napapasayaw narin ako.

“sir?” sambit ng isang boses

Nang lingunin ko isa ito sa mga babaeng bisita ni Dianne

“pwde po ba kayong maisayaw?” sambit nito saken

“sure” sambit ko at tinunton na ang center

Nasa katuwaan ako ng pagsayaw non ng mapansin ko ang hiyawan ng mga babae at halakhakan sa kabilang banda ng center.

Nang tingnan ko, si ricardo ibat ibang babae ang sinasayaw.

Pinanuod ko siyang umindak.

Aba si mokong marunong rin palang sumayaw.
tila bawat indayog ng musica ay alam niya.

Lumapit kame ng kasayaw ko at sumabay sa indayog ng musica

Nakatingin samen si mr ricardo habang sabay kame ng aming mga kapareha na umiindak.

Maya maya naisip ko

‘cge nga, tingnan naten kung hanggang san ito’

Sa isang indak, nagbitaw kame ng kapareho at tinunton ang isat isa.

“cge nga mokong, tingnan naten kung magaling ka talaga” sambit ko

“you bet” sambit nito sabay ng isang nakakalokong ngiti

Sa indayog ng musica sabay ang aming mga katawan sa musicang ito

Parehas kameng nakangiti at umiindak

“ay potsa, matik na” narinig kong sigaw ni nikko.

Tiningnan ko ito sabay sigaw

“gago bigay malisya ka!” sambit ko sabay ng isang tawa

Nasa kalagitnaan kame ng pagindak ng maya mayay nagbago ang musica


Napasigaw sila Dianne rito, si nikko naman ay biglang tili.

Nakangiti lang ako, agad na lumayo sa kanyang paghawak.

“oh, lets go back na sa table sumakit na paa ko” sambit ko

Nag boo sila joanne Dianne at iba pa

“taena mo Jamie ang KJ mo!” sambit pa ni nikko.

Tumalikod na ako non at aktong papunta na ng table ng biglang may humila sa braso ko

“aray!” sambit ko

Malakas ang pwersa na siyang dahilan para sa paglapit ng aking katawan sa taong humili mismo saken

Nang tingnan ko kung sino ito… si mokong.

“masakit ah!” sambit ko

“sorry naman, pagbigyan mo na sila sayaw pa tayo” sambit ni mokong

Tumingin ako sa kanya ng mata sa mata, kumikinang ang kanyang mga mata, napakagandaa rin ng kanyang mga ngiti.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin sa kanyang mga mata ng bigla kong naramdaman ang mas mahigpit pang hawak

Pero maagap si ricardo, hinawakan niya akong mabuti upang di ako malayo sa kanya.

Nang tingin ko ang mukha ng taong humawak rin sa akin.

Si ken.

Tiningnan ko si ken, nagmamakaawa ang mga mata niya, pero wala akong binigay na katiting na awa, tinabig ko ang mga kamay niya sa braso ko.

Muli akong tumingin kay mr. ricardo.

“im really tired, mabilis akong mapagod ricardo, ill just go back to my chair.” Sambit ko at umalis na sa kinalalagyan nila.

Nang makaupo ako sa aking kinauupuan.

Nakita kong patuloy parin ang pagsayaw nila.

Nasa kalagitnaan ako ng panunuod sa kanila ng may

“excuse me?” sambit ng babaeng boses

Nilingon ko ito at isang napakagandang babae ang nasa harap ko. 

Parang pamilyar saken ang mukha nito. Hindi ko lang matandaan kung san ko siya nakita noon

“yes miss?” sambit ko

“oh im not a miss anymore, mrs. Mrs gallatores.” Sambit nito
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang asawa ni ken ang aking nasa harapan. At ano naman kaya ang kailangan nito sa aken?

“your Jamie? … Jamie ballatores? Tama ba?”

“yes I am, ahmm please,,, take a seat”

“I don’t need to, hindi naman ako magtatagal eh , I just want to say na alam ko naman kung ano ang namagitan sa inyo ng asawa ko, at sasabihin ko sayo , akin siya , hindi na sayo.” Matigas na sinambit nito.

Nabigla ako sa sinabe niya pero agad kong binuhat ang sarili ko.

“alam mo mrs gallatores, hindi mo naman kailangang matakot o magalala na lalayo sayo ang asawa mo, dahil unang una, wala na akong kahit katiting na pakeelam sa kanya.” Sambit ko sabay ng isang matalim na ngiti

Maya maya pa ay dumating na sila ate selly.

Tumingin ito saken at tumangin sa asawa ni ken,

“is there something wrong?” tanong nito

Tahimik

Maya maya pay tumalikod na lamang bigla ang asawa ni ken

Agad ko namang naramdaman ang paghawak ni ricardo sa beywang ko

“are you ok?” sambit nito.

Hindi ako sumagot sa kanya at tinanggal ko ang kamay niya sa beywang ko

“ate selly, I think I better go home now, im really sorry” sambit ko

Agad naman na nalungkot ang mukha nila, pero wala narin silang magagawa

“cge cge bunso, ihahatid na namen kayo sa parking lot” sambit ni nikko.

Nang makaalis na kame ni ricardo sa lugar.

Tahimik.

Siya na ang nagmaneho, talagang nawalan ako ng lakas, hindi ko alam kung baket, pero talagang nabigla ako sa pangyayare kanina

Katulad ng date, hindi kaya ni mokong na tagalan ang katahimikan.

Kaya nung una, nagsisipol sipol ito

“ricardo parang awa mo na, tigilan mo yan” sambit ko sa tono na malumanay pero may dalang matinding paguutos

Tumigil nga sya pero nagtagal lang iyon ng ilang minuto.

Binuksan niya sa mahina na volume ang sound system ng kotse ko
At pinatugtog ang kantang.


Tiningnan ko siya,

Nakangiti lang ito, diretso ang tingin sa kalsada

“papatayin ko na yang sounds” sambit ko at aktong papatayin na ang tugtog

Pero pinigilan niya ang kamay ko

“wag maganda yung kanta eh” sambit niya

“ricardo ano ba! Hindi mo ba naiintindihan wala ako sa mood na makipag lokohan!” sigaw ko sa kanya

Sa pagsigaw kong yon agad naman niyang pinahinto ang kotse sa tabi ng kalsada.

Madilim doon, wala narin kaseng mga kotse na dumaraan.

Natatakot ako.

“ricardo ano ba?! Paandarin mo nga tong kotse!” sambit ko

Pero wala parin siyang sagot.. ang tanging ingay lang na namamagitan samen ay ang tunog ng musica

Tumingin siya saken

Unti unting lumapit.

“ricard—“ hindi ko na nasambit pa ang sasambitin ko

Hinalikan niya ako

Sinubukan kong pumiglas . pero hawak ng isang kamay niya ang ulo ko at ang isang kamay ay ang aking kamay.

Sa huli ay nadala narin ako sa maluwalhati niyang halik.

Nang matapos ang halik na yon.. idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo. Ilong sa ilong.. .

Mata sa mata kameng nagtinginan … katulad kanina, kumikinang ang mata niya

“mahal na kita Jamie” sambit niya
(to be continued)

Thursday, April 12, 2012

love circle (12)

writer: senioritoaguas.
blog: senioritoaguas.blogspot.com

do follow my blog :D

happy reading! :D

______________________________________________

Araw ng party ng BPC.

Gaganapin ang party nayon sa isang kilalang hotel

Ng araw na to ayaw kong may body guard ako o maski manlang alalay na umaaligid at sumusunod sunod saken.

Maski si jinky ay hindi ko balak na isama.

Pero alam kong magpupumilit ng babaeng yon kaya mabilis akong umalis ng mga oras na wala sila…

Pagdating ko sa venue ng lugar.

Mukang handang handa na ang party na yon, isang formal party iyon. Pero I doubt sigurado akong muka nanaman kameng mga animal nito ng BPC

Pagpasok ko ng lugar na iyon… umaalingawngaw ang tunog ng musica, isang melo acoustic song ang tumutugtog

hinagilap ko agad ang babaeng may pakana ng party na ito.

Hanggang sa mahagip ng aking paningin ang isang babaeng nakaasuot ng asul na cocktail dress.

Patakbo itong palapit saken rinig ko paren ang tili nito sa gitna ng alingawngaw ng musica

“JAMIEEEEEEEEEEEEEEEEE!!” sigaw nito palapit saken

Ng makalapit ito saken.

“kanina kappa namen hinihintay noh!” sambit nito sabay ng pagangkla ng kamay nito sa braso ko

Habang naglalakad

“its been a long time Jamie, grabe you’ve been so busy with your career” sambit nito

“oh? Nagseryoso bigla teh?!, ang mahalaga andito na ako” sambit ko

“oo andito kana at miss na miss kana nameeeennn!” tili niya sabay ng pagkurot saken

Halos ilang hakbang pa ang layo namen sa dapat na table ng marinig ko ang mga pamilyar na hiyaw at tili.

Unti unting nasipat ng aking paningin ang mga taong pinanggagalingan ng mga hiyaw at tili na ito.

Sila nikko, sila pearl ,sila joanne, sila mikko, pinkish, Julie , at si gynlyn.

“jamieeeeeeeeeee!!! Impaktito kaaaa!!” sigaw nila , nakasarap tingnan, ito ang mga minamahal kong mga kaibigan ng nuong nasa putikan akoy nakasama ko, nakatuwaan at kung ano ano pa.

At eto kame, patuloy sa pagsasaya

Nang makalapit ako sa kanila, agad silang nagtayuan at isang group hug ang nangyare.

Nang makaupo kame tuluyan namang pumunta ng entablado si Dianne.

“magandang gabe ho sa lahat, salamat ho sa pagdalo sa aking inbitasyon, ang totoo ho nito wala naman hong occasion o kung ano pa man, inimbitahan ko lang ho kayo para magwitness ng pagsasama muli ng BPC.” Sambit ni Dianne

Sa isip isip ko.. loka loka talaga tong babaeng to.

“pero seryoso ho, ang bawat tao ho na nandito ay napakahalaga para sa aken. Mga taong naging parte ng buhay ko.,,,”

Habang nagsasalita si Dianne sa harapan narinig kong tumunog ang upuan lamang na nasa tabi ko, di ko alam sa sarili ko pero malakas ang enerhiya na nagsabi saken na lumingon ka.

Nang lingunin ko ito.

Nakita ko ang malaanghel na mukha ni ken.

Matagal akong nakatitig sa kanya at alam kong napansin niya yon at ng iba, pero sinigurado kong siya iyon.

Sa huli ay ngumiti siya saken.

Doon ako natauhan.

Nakalimutan ko na naging parte nga rin pala ng BPC si ken.

“muli ho maraming salamat sa pagdalo” huling salita na narinig kong sinambit ni Dianne at bumaba na ng entablado.

Napapansin ko ang pagtingin saken ni ken… pero iwas ako rito. Ayoko na. ayokong makasira ng pamilyang meron siya ngayon.

Pagbalik ni Dianne sa table

“oh andito na pala si ken eh”sambit nito

“oi oi oi!.. ihanda nyo ang dancing shoes nyo ah.. lets change mamaya, matinding sayawan itech!” sambit ni nikko.

“check na check yan bakla!,” sambit ni Dianne at sabay ng pagapir kay nikko

“ay nga pala!, ken sabe mo kakanta Karen kasama ng banda na hinire diba?, kausapin mo nalang sila sa song ah andon sila sa tabe ng stage” sambit ni Dianne

Tumango tango lang si ken at ngumiti at napansin kong balik nanaman ang tingin nito saken pero katulad kanina iwas parin ako.

Napansin yata iyon ni joanne

“hay nakowh” sambit nito

Maya maya ay tumayo si ken at pinuntahan na ang banda.

Sa gitna ng entablado ay nagaayos na ng mga instrumento

Maya maya ay narinig ko ang simpleng pagtugtog ng gitara at ang simula ng musica , musica ng nakaraan, isang musica na nakatatak sa isip at puso ko.

Nasa gitna si ken. Ramdam na ramdam ang pagkanta.. ang boses na malalim , ang boses na nakakaingganyong pakinggan. Ang boses na aking minahal nuon, at higit sa lahat ang boses na nakapankit sa nagmamahal kong puso…

“Jamie gusto mo ring kumanta mamaya?” sambit ni nikko ng nakangiting aso.

“oo nga Jamie!, kakanta ka mamaya!” pagsangayon ni Dianne.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa suwistyon nila.

Pinalapit ni Dianne ang mc at sinabing kakanta ako. Sa isip isip ko ng mga panahon na iyon.. bahala na si batman .

Nang matapos sa pagkanta si ken.

Bumalik sa entablado ang mc. At sinabe ngang ako ay kakanta.

‘jusko po!’ sambit ng isipan ko

Nang makarating ako ng entablado.

Ni wala akong minus one .

Agad ko nalang kinanta ang kantang nasa isipan ko

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkanta, tulad ng pagkanta ni ken. Dinama ko rin ito. Inangkin ko rin ito. At nasasaktan ako rito.

Habang ang bawat letra ay lumalabas sa aking bibig. Paminsan minsan ay akin siyang tinitingnan.

Hanggang sa nagsawa na akong saktan ang sarili at inilihis ko ang aking tingin sa ibang lugar.

Nagulat ako ng mahagip ng aking maningin ang isang lalakeng. Pamilyar sa aking isipan.. nang tingnan koi tong mabuti….

Si mokong!.

(to be continued)

Wednesday, April 11, 2012

love circle (11)

ito na po ang matagal nyo nang hiling, pasensya na po at natagalan, im currently fixing the other parts , alone kase eh!! hehe.

anyway please do follow my blog :D

writer: senioritoaguas
blogger: www.senioritoaguas.blogspot.com

___________________________________________

“san mo ba nakuha yung body guard na yon? … walang modo” sambit ni ken ng makapasok na sa opisina ko

Hindi ako sumagot, nang makaupo ako , kinuha ko agad ang mga papeles na hawak ni ken ,

Binuksan ang drawer at hinanap ang official stamp ko.

Pero wala ito sa drawer ko,

Tinawagan ko si jinky sa labas

“jinks , san mo nailagay yung stamp ko? …” tanong ko rito

“anjan sa drawer mo” sagot naman niya saken

“wala dito eh”

“cge cge, papasok ako jan”

At binaba ko na ang telephono

Sa labas

“ricardo.. papasok ako” sambit ni jinky, hindi pa niya tuluyang nabababa ang telephono sa labas kaya naririnig ko ito

“cge pasok ka na” pag sagot naman ni mokong

“hindi mo ko kakap kapan?”

“pasok kana”

“kapakapan mo ko!” narinig kong pamimilit ni jinky

Nilabas ko nga

Pagbukas ko na pinto

“hoy babae, pasok, anlande lande mo jan”

“hmp!, ayaw ako kapkapan oh!” pagmamaktol niya

“hampasin kaya kita ng table?”

“sabe ko nga papasok na eh”

Pagpasok niya agad na niyang kinuha sa pangatlong drawer ko ang stamp

Agad ko naring inapprobahan ang papers na hawak kanina ni ken

Nang lumabas na si jinky

“mr gallatores, everything is settled , you may go”

“ganto nalang ba talaga Jamie? .. hindi mo na ba ako mahal?”

sambit nito

“lumabas kana ” tanging sagot ko

Pero sa loob loob ko non? … mahal ko pa siya oo , pero ayoko nang maalala lahat ng sakit, ayoko nang balikan ang lahat , lalo na at may asawat anak na siya.

Nang matapos ang lahat ng Gawain ko sa opisina

Naisip ko na agad na bumalik sa bahay

Paglabas ko ng opisina ko

Nakita ko na nakatayo paren don si mokong , medyo humuhugab hugab na

Naisip ko non, ‘aba ang tibay mo ah’

Nang makita niya ako agad siyang lumapit saken

Nang tuluyang makalapit saken

“ang sakit ng paa ko” sambit ni mokong

“sino ba nagsabing magbantay ka ng nakatayo” sambit ko ng nakataas ang kilay sa kanya

“sabe nyo seniorito magbantay ako”

“oo pero di ko sinabeng tumayo ka buong hapon jan”

“ricardo pagpasensyahan mo na, buwanang dalaw eh” pagsali ni jinky sa usapan

“che!” sambit ko

Nauna na akong maglakad tungko sa kotse,

Ilang minuto lang akong naghintay at maya maya ay naroon na rin sila sa harap ng kotse

“akin na yung susi” sambit ko

“baket?” tanong ni mokong

Tiningnan ko siya… tingin ng naiinis

“isasaksak ko sa ngala ngala ko, gutom ako eh!”

“weee” sambat ni mokong

“ang panget mo pag nagwewee . akin na! ako magmamaneho masakit paa mo diba. ” sambit ko

“aahh,:” sambiit niya sabay hagis ng susi

Nang masalo ko

“nagmamalasakit ka pa pala saken” sambit ni mokong na parang nakakaloko

“tigil tigil mo ko ricardo ah” sambit ko

“wow first name ko yon oh” sambit niya ng nakangisi

“first time matawag sa first name? , pasok na,” sambit ko at inistart ko na ang kotse

Habang nasa kotse kame.

Narinig kong nagring ang phone ni jinky.

“yes tito?” pagsagot nito

Tiningnan ko siya sa pamamagitan ng salimin

Maya maya pay nangingiti ngiti na ito na animoy may kalokohan nanamang binabalak

“ocge po tito. Sasabihin ko po kay Jamie..” sambit nito

“opo babye po” dagdag pa nito

Nang maibaba na niya ang telephono

“oh anong sabe ni papa?” tanong ko sa kanya

“uwi na raw tayo” sambit nito ng tumatawa

“loka loka ka ah …jinky ah!,yang mga katarantaduhan mo wag mong pairalin saken ngayon yan ah!” sambit ko

“ito naman, minsan na nga ako magpakaloka loka eh” sambit nito

Naging tahimik ang loob ng kotse habang nagmamaneho ako.

Ngayon napansen ko ang pagiging tahimik ni ricardo.

Nang masayad ang mata ko sa kinaroroonan niya.

Napansin kong nakapikit ito at ang kanyang ulo ay nakasandal sa windshield ng kotse ko

‘Napaka amo ng pagmamakha ng mokong na to pagtulog, pero pagising mukhang loko loko’ nasambit ko sa isipan ko..

At di ko napansing nakangiti na pala ako.

“Jamie?” pagtawag saken ni jinky

“hmm?”

“nakainom kaba ng gamot mo ngayon?” tanong nito

“gamot?”

“oo, gamot mo, ngumingiti ka nanaman sa sarili mo eh” sambit niya sabay ng hagikgik

“loka loka tigilan mo ko ah” sambit ko na napapatawa narin.

“uy Jamie, tingnan mo si ricardo oh. Bagsak na bagsak” sambit ni jinky na tumatawa

“engot kase eh, sino ba namang nagsabing buong hapon siyang tumayo sa labas ng opisina ko ” sambit ko

“hindi mo rin naman kase sinabihang umupo siya diba?”

“aahh ganon so kailangan lahat ng sasabihin ko lang ang gagawin niya,”

“oo bodyguard mo yan eh”

Maya maya ay nagising si mokong

Nang naimulat na niya ang mata niya.

“mokong kain ka ngang tae” sinambit ko out of nowhere

“huh, ano po seniorito?” sambit ni ricardo

“ay potsa” sambit ni jinky sabay ng isang malakas na tawa

Pagrating namen ng bahay.

Gising pa ang mama at papa

Agad ko silang nilapitan at nagmano ako.

Nang makaupo na ako

“hows your day anak?” tanong saken ni papa

“ayos lang pa, It was same as old”

“ah nga pala anak” sambit ni mama

“may invitation letter na dumating kanina eh” sambit muli ni mama at tumayo para kunin ito.

Nang makuha ko ito, isang invitation letter, galing kay Dianne. Ang BPC. Ang dating grupo ko noong nagaaral palng ako. Ang Baklang Pachupa Cachupepe.

Napangiti ako, hindi parin pala nila ako nakakalimutan.

(to be continued)

Sunday, March 25, 2012

the reason of love (short story)

writer: senioritoaguas

blog: www.senioritoaguas.blogspot.com

skype: christian.ballatores1

*currently looking for a writer partner that could help me to finish my next star story project*

this is el senioritoaguas, saying

when you love someone its like a package deal, weather you want it or not, may mga katangian parin siyang hindi mo maiintindihan pero all in all , love is more important above all imperfections

----------------------------------------

Nang gumising ako ng umagang yon , alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal, hindi ko na siya mahal katulad ng date,

Pinapanuod ko siya habang mahimbing siyang natutulog sa tabe ko, ang buong braso niya na nakayakap sa aking katawan at ang maingay niyang paghilik.

Pinilit kong tanggalin ang buong braso niya na nayakap saken, at tumayo ako upang magayos ng aking sarili,

Ako nga pala si kevin rebultan. Isang IT specialist sa isang kilalang companya at siya naman ang kasintahan ko . si chris santos,

Nang makatayo na ako , dumiretso ako nuon sa c.r at naghilamos at maliligo na rin. Nang bumalik ang tingin ko sa kama, mahimbing parin ang tulog ni chris, nasipa nanaman niya ang paborito niyang kumot ang kalahati nito ay sumasayad na sa sahig at may nakikita pa akong konting linya ng laway mula sa kanyang bibig

Wala siyang saplot nuon, ganon naman kase lage yon., kung may nangyare man saamen ng nakaraang gabe o wala , natutulog talaga siya ng walang saplot sa katawan at ang tangi niyang ipangtatakip sa sarili ay ang paborito niyang kumot

Malakas kong pinipigilan ang sarili na lumapit at ayusin ang pagkakahiga niya. Pero sa lalo kong pagtingin sa taong ito, aaminin ko, nandon paren ang libog ko sa kanya, pero ang pagmamahal ko, unti unti nang nawawala

Hindi pa siya gigisng hanggang 7:30. Tatlong oras bago ang pasok niya sa gym. Isa siyang gym instructor. hahalikan agad ako niyan sa labi, kahit di pa siya nag gagargle o nagtutootbrush man lang, bago siya umupo sa hapag kaninan, he had a terrific appetite. Palaging fried rice , eggs, sausage or sometimes pork liempo at isang malaking baso ng pineapple juice. Kailangan daw niya yon para sa trabaho niya. Pero para saken? .. kung hindi dahil sa work out niya… baka obese na siya ngayon.

Kinakain niyan lahat ng lulutuin ko, even that sisig experiment. Matagal na yon na ngayon nga ay na perfect ko na

Pero sa araw na yon. Walang pagluluto na mangyayare saken. Kung gusto niyang kumaen para sa araw na yon. He must cook it by his self

Nang matapos akong magayos at maligo bumalik ako sa kwarto namen, himbing parin siyang natutulog, kalahati ng kumot na paborito ay nakasayad sa sahig.

Habang tinitingnan siya, I felt nothing but delight . arousal.

Naaalala ko nuon na gumising ako ng ramdam ko ang stiffness niya na idinidikit niya sa thighs ko, and we would make love as if we didn’t the night before.how I love him back then.

Nagbihis na ko, tahimik . tahimik hindi dahil ayoko siyang magising. Kundi ayoko lang na makausap ko pa siya. Nagsasawa narin ako sa walang kwenta niyang mga kwento.

Ng makapagbihis na ko. Kinuha ko susi ng kotse at nagdrive na ako . habang nagdadrive sa kahabaan ng edsa na aamoy ko siya, sinabe ko na sa kanya nuon na wag masyadong gamitin ang pabango na paborito raw niya. Dahil kapag nasobrahan sa pag gamit nuon ay masangsang na ang amoy. I stoped using that brand months ago, pero hanggang ngayon I could still smell him , on my cloths, at sa kotse ko, nasa cubao na ako nuon nagiisip ng paraan para mawala ang amoy na iyon, nang mapansin ko ang isang karatula, isang Julia Roberts movie ang kasalukuyang palabas.

Naisip ko nuon na panunuorin ko yon. Because she was my favorite actress,and im not going to take him with me para panuorin yon. Kapag nanunuod kame ng movies na gusto ko , ang tangi lang niyang gagawen at yayakapin ako at matutulog sa tabe ko, kahit kailan hindi niya na aapreciate ang magandang movie, at kapag natapos na ang movie at nagoopen ako ng topic tungkol dito ang tangi lang niyang isasagot ay

“ahh yon ba? .. ahh oo”

Mas preferred niyang manuod ng mga movie na may karate, like jacky chans movies, or something like that.

This day I told to myself, I will never fall for a gym instructor again.

Pagdating ko sa opisina, Samantha, my secretary was on the phone. Sinabi niya na nasa telephono raw si chris, I told her to tell him na I wasn’t in yet. Nang maupo ako sa upuan ko pinilit kong burahin sa isipan ko siya. Pero parang oras ng trabaho tatawag at tatawag yan sa opisina kakamustahin ako, o kung minsan magpapahatid sa gym. tatawag yan. Kaya niyang magdrive ng sarili niya pero mas preferred niya ang mag take ng cab, isa sa mga stupid jokes niya na feeing hari raw siya habang nakapo at pinagmamaneho.

God!, if I could only make him disappear!

Pero I can’t sa ikat long beses bago ako mag lunch pumasok sa opisina ko si Samantha at sinabe na nasa kabilang line raw si chris, I had no choice but to answer it.

Kinausap ko siya pero hindi manlang niya napansin ang pagkairita ko, ganun siya, he never know when to be sensitive at the right time. Nagagalit siya sa napakaliit ng bagay pero pagdating sa mga bagay na kailangan ng buong attention niya di niya napapansen, katulad nalang ng lumalaki kong dislike para sa kanya

Talagang ganun siya.

Pagkatapos nameng magusap lumabas na ako ng opisina para kumaen

Pagbalik ko, ready na ang mga new applicants para sa job interviews, I went to the washroom and shake him out of my head. I decided that I wouldn’t let him affect me this way again.

Pero kapag sinuswerte ka nga naman, tanging siya lang ang naaalala ko lalong lalo na ng humarap saken ang isang applicant . tense but trying really hard to hide it that’s how he was when we first meet, naaalala ko pa non. Ilang coke nga ba natapon niya non sa sobrang tense niya.

Although the applicants transcript and background training were exemplary. I didn’t like him, ang pagkatulad niya siguro kay chris ang dahilan kung baket. Sinabe ko nalang sa applicant na yon plainly, na bumalik siya para sa second interview, a step closer to being hired.

Pagkaalis ng applicant nayon sinabe ko kay samantha na ayoko munang maistorbo ng sinoman. I sit back to my chair , trying, but not succeeding to relax. My mind is full of thoughts about him. Those times he was accusing me of infidelity when in fact he was the flirt. When he got that way he was worse than my mother and my father left her. Naisip ko ng mga panahon na yon na this got to stop,

Nasa akin ang lahat ng karapatan para maging masaya kahit pa ang maging kabayaran nito ay ang iwan siya.

Ng gabing yon, I told myself, ‘im going to break it up to him’

Pauwi na ko nuon at nagaayos na ako ng mga gamit ko, nang damputin ang ilang papelas may nalaglag mula dito, I retrieve it and saw what it was, it was his picture, nung nasa tagaytay kame, a think a year ago pa ito, he was smiling as he sat on the grass after trying and failing to mount the horse three times, his eyes turned to narrow slits because of that smile,

Hilig ko siyang asarin ng dahil sa mata niya, tuwing ngingiti kase siya tila nawawala ang mga mata niya, his eyes were almond-shaped, the pupils bluish gray.

Naaalala ko tuloy yung mga panahon na yon , pumunta kame nuon ng tagaytay 1 week before our anniversary. Mga panahon kung kailan, isa lang talaga kameng normal na lovers,

Lovers, he was so proud of me

“this is my lover” he says, sa mga friends niya sa clients niya, at specially sa family niya

Confident siya sa relationship na meron kame, isang bagay na wala ako, oo , mahal ko siya, pero hindi ako kasing confident na katulad niya , na tipong ipakikilala sa lahat,

I was never proud of him, he didn’t even go well with my friends, nagkaron nga ng gulo before when he said na snob raw ang isa sa mga friends ko, my friends told me before na ang layo raw niya sa aken. Complete opposite raw kame , your so different from him one said, but my friends and I didn’t influence each other. We support each other , console, but when It comes to decision making we didn’t impose our will to each other.

Habang nag dadrive na ako pauwe naisip ko na we are unlike any lover, I prefer dark suits and he prefer his gym attire just anywhere he is, he ate a lot of meat I like fish better, i drank coffee, he didn’t like coffee, I smoke he didn’t, : he drank and I didn’t.

As I go pass cubao again I saw the billboard of Julia Roberts, at ngayon napansin ko ang katabi na ad nito isang jet lee movie, naisip ko kung kasama ko lang siya ngayon he would drag me to watch that movie with him,

I told him before na tutulugan ko siya sa sine katulad ng ginawa niya saken pero I couldn’t, I could only sleep if all the light are off, at siya naman he coudnt sleep if all the lights are off

Kaya bago kame matulog, hinihintay ko muna na makatulog siya, para mapatay ko ang dim light at makatulog narin ako, I used to like to watch him as he fall as sleep even do he snored, sometimes he would do so in my arms and I would just look at him.

Am I going to miss him when we are apart? .. I thought so

Nang makarating ako sa garahe , nireherse ko muna ang mga sasabihin ko, para maging ready ako sa oras ng pagdating niya ng 8:00.

Pagbaba ko ng kotse nakita kong nakabukas ang ilaw ng bahay, mukang nakalimutan nanaman niyang patayin. Pumasok na agad ako ng bahay, pagpasok ko naamoy ko agad ang isang pamilyar na pagkain, pumunta ako ng kitchen at nakita ko ang niluluto na adobo, the only food na alam niyang lutuin. Luto narin ang kanin pero chris is not in the kitchen, I called out pero walang sumasagot sa mga tawag ko.

Pinatay ko ang gas stove bago pa tuluyang matuyo ang adobo, I went up to our room

Habang tinatanggal ko ang sapatos ko bago pumasok ng kwarto namen napansin ko ang tsinelas niya na nasa tapat ng bathroom door , I shaked my head , and went inside our room , I change into my shorts and white tshirt. Wala siya sa loob ng kwarto sa bathroom siguro.

I knocked and called out his name, may narinig akong groan, tinulak ko ang pinto pero hindi mabuksan ng tuluyan I saw his legs na nakaharang sa pinto

Siniksik ko ang sarili ko sa pinto para tuluyang makapasok, nang nakapasok na ko. Nakita ko si chris na naka handusay sa tabe ng toilet bowl

I checked him for any injuries bute naman at wala pero mainit ang katawan niya, sinabe niya saken na bigla siyang nahilo at natumba,

“you have a fever” I said, he nodded.

Tinulungan ko siyang tumayo at pinasok sa kwarto at nang maihiga ko na siya sa kama, bumalik ako ng bathroom at kinuha ang thermometer, and put it in his mouth

May sinasabe siya pero dahil nga nakasalpak sa kanya ang thermometer I cant understand anything he says, I took the thermometer out, and it read 40 deg. Centi. Naisip ko nuon paano pa siyang nakapag luto sa gantong temperature.

“dinners ready babe” he finally manage to say

“yes I saw it” I smiled “ looks good”

“only dish I know”

“and my favorite”

Ngumiti siya , isang napakagandang ngiti, may nais pa sana siyang sabihin pero sinabe ko sa kanya na magpahinga nalang siya , I asked him if he wanted or needed something, bigla niya akong niyakap ang init ng katawan niya ay tila naging waves na halos nakikita ko na , mas mainit ang hininga sa side ng neck ko and he said

“I love you”

Those words almost made me cry

“I know” I replied

I let go of his hug and touched his forehead, he said that my touch was his medicine

Tinanong ko siya kung gusto pa niyang kumaen, he said na masakit raw ang lalamunan niya

By then naalala ko na ang asthma niya umaatake nanaman ,

“then let’s go to doctora silvia” his doctor

“her prescriptions are in the bag” he replied

I went to his bag and took it, he managed to purchased his own medicines, tablets for the fever and capsules for his sore throat.

Naisip ko how long had he been feeling this way? Itong morning ng hindi ko siya pinaghanda ng breakfast? … itong hapon ng hndi ko pinapansin ang mga tawag niya? ..

Bumaba ako para kumuha ng tubig. Bumalik ako ng kwarto at pinainum ko sa kanya ang medicines niya, and ikinumot ko sa kanya ang favorite kumot niya. Turned the lamp on and left the room.

Nang dumating ang ala una ng madaling araw oras na para sa next dose ng medicines niya

Pagbalik ko ng kwarto , mahimbing siyang natutulog, napalitan ko na ang damit niya kanina na basang basa ng pawis niya. , his mouth half open, ang maingay niyang paghilik at ang pagsipa niya sa paborito niyang kumot.

Same thing this morning, pero ngayon all that I could see and feel was love, hindi ko alam kung baket , sa napakarame ng imperfections niya at mga dislikes ko sa kanya, I couldn’t seem to fully hate him. Nang makita ko siya sa sahig ng cr, ng kargahin ko siya , nang painumin ko siya ng gamut, I knew then na talagang mahal ko siya. Nothing less

Maybe Im stupid, for feeling this way. Pero I don’t care, im going to concentrate now on loving him the way he loves me , even do he didn’t please me all the time.

Cause now I remembered, kaya ko nga pala siya minahal , hindi lang dahil sa gwapo siya, hindi lang dahil sa mga perfect things sa kanya,

Kundi dahil rin sa mga imperfections niya, mahal ko siya, kahit ano pa siya….