Patuloy na tumutugtog ang
musica na namamagitan sa aming dalawa.
Muli niya akong hinalikan.
Sa pangalawang halik na to
ay lumaban narin ako
Aaminin ko, di lang dahil sa
sarap ng halik niya kung kayat nadala ako nito
May kuryente, may kislap ,
iba ang pakiramdam ko sa halik na ito
At sigurado akong.. ito yung
pakiramdam na matagal ko nang kinalimutan
Pakiramdam ng pagmamahal…
Unti unti sa mga halik na
iyon ni ricardo.. bumalik ang bawat alaala namen ni ken..
Ang pagmamahalan namen.. ang
paglaban ko para sa pagmamahalan namen… at ang masakit na pagsuko niya nito.
Sa gitna ng halik na yon ay
biglang tumulo ang luha ko
Muling tumigil ang aming halikan
“Jamie? … baket?” sambit ni
ricardo ng mapansin ang pagluha ko
“ken” sambit ko
Niyakap niya ako
“Jamie kalimutan mo na si
ken. nAndito na ko… mahal kita Jamie.. at hinding hindi ko gagawin sayo ang
ginawa ni ken… mahal kita Jamie” sambit ni ricardo na ilang ulit sinasambit
saken na mahal niya ako.
Hindi ko alam ang dapat kong
sambitin.
May sinasabe ang utak ko
May sinisigaw ang puso ko.
Ito yung panahon kung saan..
nagkakagulo ang puso at isipan ko sa dapat kong igalaw.. sa dapat kong gawin.
Tanging ang pagtulo lamang
ng luha ko ang siyang tugon sa mga salita ni ricardo.
Patuloy na tumutugtog ang
musica
‘jamie, kaya mo to, malakas
ka jamie’ sambit ko sa aking sarili
Alam kong dapat akong
magsalita, hindi pwdeng hyaan ko lamang si ricardo sa pagmamahal at hindi koi
to tugunan
“ricardo, hindi pa
naghihilom ang puso ko, hanggang ngayon … hanggang ngayon masakit parin ang
ginawa saken ni ken” sambit ko sa kanya habang nakayakap siya saken
Unti unti siyang bumitaw sa
pagkakayakap sakin
“pwes maghihintay ako…
maghihintay ako Jamie” sambit nito
Hinawakan ko ang kanyang
mukha.
Unti unti kong nilapit ang
aking labi sa kanyang labi… hinalikan ko siya
Sa mga panahon na to.. sinusunod
ko ang sigaw ng puso ko.
Hindi ko agad tinunton ang
lamesa kung saan ako dapat maupo.
Linapitan ko ang
kinaroroonan ni mokong.
Nang makalapit ako rito
“magandang gabe po
seniorito” pagbati nito saken sabay ng isang nakakalokong ngisi
“anong ginagwa mo rito”
sambit ko sabay ng pagtingin sa kanya
Ngayon napansin ko pa ang
suot nito.
Suot ni mokong ang isa sa
mga toxido ng papa. Napakaastig tingnan ni mokong
“at talagang suot mo pa ang
damit ni papa ah?” sambit ko
“pinahiram eh, ang pogi ko
noh?” sambit ni mokong sabay ngiti
Napangiti ako, halos matawa
na
“taas ng apog mo noh?!”
sambit ko
Nasa kalagitnaan kame ng
paguusap ni mokong ng.
“Jamie?” sambit ng boses na
nasa aking likuran
Kilala ko ang boses na to…
si ken
Nang lingunin ko ito
“yes mr gallatores?”
Nang tingnan ko siya
napansen kong nakatingin siya kay ricardo
“anong ginagawa niyan rito?”
sambit ni ken
“hoy, ikaw, hindi ka naman
invited dito sa party na to ah? .. ang kapal ng mukha mo , gate crasher!”
sambit ni ken habang dinuduro na si ricardo
“excuse me?” sambit ko na
dahilan upang mapatingin saken si ken
“alam mo ken, wala kang
karapatan na sambitin yan. Dahil first of all, hindi ikaw ang gumawa ng party na ito. And Mr. Ricardo
here is oblige to be here, dahil siya lang naman ang aking body guard na
sinisiguradong… HINDI AKO MASASAKTAN” sambit ko
Wala nang nasambit pa si ken
“mr ricardo lets go, I will
be glad to introduce you to the BPC” sambit ko sabay hila na kay ricardo.
Iniwan si ken na nakatanga
lang roon.
Ng makarating kame sa table
“guys” pagtawag ko ng pansin
nila
“this is ricardo, my
personal body guard” pagpapakilala ko kay ricardo
“uhhhh” sambit ni nikko
Tila nangati ang bakla bigla
“nikko ah, tigil tigilan mo
yang kamandag mo” sambit ko ng nakangiti
Natawa silang lahat.
“anyway, mr ricardo it’s our
pleasure to meet you” sambit ni joanne
“please take a sit” sambit
nito muli
Tumingin siya saken, nahihiya
si mokong. Ngumiti ako sa kanya hudyat ng everything is ok.
Umusog ng konti si nikko
“ricardo dito ka nalang
umupo oh” sambit nito sabay ng turo sa katabing upuan nito.
“salamat nalang” sambit ni
ricardo sabay ng isang malumanay na ngiti at sinundan ako ,
Umupo siya sa tabi ng aking
upuan.
“hmmm! Suplado pero type ko
yang ganyan!” sambit ni nikko na parang na ngangate
“tarantado napaka lande mo
nikko!” sambit ni joanne sabay ng malakas na tawanan ng lahat
“eh bakit ba… ang gwapo kaya
ni mr ricardo” sambit ni nikko
“nikko tigilan mo na,
tinatakot mo eh” sambit ni pinkish ng tumatawa
“oho!” sambit ni nikko
Maya maya pay tumugtog na
ang musica, oras nang pagindak!
“oh tayo na!, tara na!”
sambit ni Dianne
“potsa sandale naka takong
pa ko eh!” sambit ni pinkish
“mag paa kana tara na!”
sambit naman ni mikko at hila kay pinkish.
Patayo na ko ng nakita kong biglang hinila ni
Dianne si ricardo
Agad namang napatingin saken
si ricardo, nginitian ko muli ito hudyat ng pagsabi na ayos lang ako dito.
Sa pagindayog ng musica tila
kay saya
Napapasayaw narin ako.
“sir?” sambit ng isang boses
Nang lingunin ko isa ito sa
mga babaeng bisita ni Dianne
“pwde po ba kayong
maisayaw?” sambit nito saken
“sure” sambit ko at tinunton
na ang center
Nasa katuwaan ako ng
pagsayaw non ng mapansin ko ang hiyawan ng mga babae at halakhakan sa kabilang
banda ng center.
Nang tingnan ko, si ricardo
ibat ibang babae ang sinasayaw.
Pinanuod ko siyang umindak.
Aba si mokong marunong rin palang
sumayaw.
tila bawat indayog ng musica
ay alam niya.
Lumapit kame ng kasayaw ko
at sumabay sa indayog ng musica
Nakatingin samen si mr
ricardo habang sabay kame ng aming mga kapareha na umiindak.
Maya maya naisip ko
‘cge nga, tingnan naten kung
hanggang san ito’
Sa isang indak, nagbitaw
kame ng kapareho at tinunton ang isat isa.
“cge nga mokong, tingnan
naten kung magaling ka talaga” sambit ko
“you bet” sambit nito sabay
ng isang nakakalokong ngiti
Sa indayog ng musica sabay
ang aming mga katawan sa musicang ito
Parehas kameng nakangiti at
umiindak
“ay potsa, matik na” narinig
kong sigaw ni nikko.
Tiningnan ko ito sabay sigaw
“gago bigay malisya ka!”
sambit ko sabay ng isang tawa
Nasa kalagitnaan kame ng
pagindak ng maya mayay nagbago ang musica
Napasigaw sila Dianne rito,
si nikko naman ay biglang tili.
Nakangiti lang ako, agad na
lumayo sa kanyang paghawak.
“oh, lets go back na sa
table sumakit na paa ko” sambit ko
Nag boo sila joanne Dianne
at iba pa
“taena mo Jamie ang KJ mo!”
sambit pa ni nikko.
Tumalikod na ako non at
aktong papunta na ng table ng biglang may humila sa braso ko
“aray!” sambit ko
Malakas ang pwersa na siyang
dahilan para sa paglapit ng aking katawan sa taong humili mismo saken
Nang tingnan ko kung sino
ito… si mokong.
“masakit ah!” sambit ko
“sorry naman, pagbigyan mo
na sila sayaw pa tayo” sambit ni mokong
Tumingin ako sa kanya ng
mata sa mata, kumikinang ang kanyang mga mata, napakagandaa rin ng kanyang mga
ngiti.
Nasa kalagitnaan ako ng
pagtingin sa kanyang mga mata ng bigla kong naramdaman ang mas mahigpit pang
hawak
Pero maagap si ricardo,
hinawakan niya akong mabuti upang di ako malayo sa kanya.
Nang tingin ko ang mukha ng
taong humawak rin sa akin.
Si ken.
Tiningnan ko si ken,
nagmamakaawa ang mga mata niya, pero wala akong binigay na katiting na awa,
tinabig ko ang mga kamay niya sa braso ko.
Muli akong tumingin kay mr.
ricardo.
“im really tired, mabilis
akong mapagod ricardo, ill just go back to my chair.” Sambit ko at umalis na sa
kinalalagyan nila.
Nang makaupo ako sa aking
kinauupuan.
Nakita kong patuloy parin
ang pagsayaw nila.
Nasa kalagitnaan ako ng
panunuod sa kanila ng may
“excuse me?” sambit ng
babaeng boses
Nilingon ko ito at isang
napakagandang babae ang nasa harap ko.
Parang pamilyar saken ang mukha nito.
Hindi ko lang matandaan kung san ko siya nakita noon
“yes miss?” sambit ko
“oh im not a miss anymore,
mrs. Mrs gallatores.” Sambit nito
Para akong binuhusan ng
malamig na tubig. Ang asawa ni ken ang aking nasa harapan. At ano naman kaya
ang kailangan nito sa aken?
“your Jamie? … Jamie
ballatores? Tama ba?”
“yes I am, ahmm please,,,
take a seat”
“I don’t need to, hindi
naman ako magtatagal eh , I just want to say na alam ko naman kung ano ang
namagitan sa inyo ng asawa ko, at sasabihin ko sayo , akin siya , hindi na
sayo.” Matigas na sinambit nito.
Nabigla ako sa sinabe niya
pero agad kong binuhat ang sarili ko.
“alam mo mrs gallatores,
hindi mo naman kailangang matakot o magalala na lalayo sayo ang asawa mo, dahil
unang una, wala na akong kahit katiting na pakeelam sa kanya.” Sambit ko sabay
ng isang matalim na ngiti
Maya maya pa ay dumating na
sila ate selly.
Tumingin ito saken at
tumangin sa asawa ni ken,
“is there something wrong?”
tanong nito
Tahimik
Maya maya pay tumalikod na
lamang bigla ang asawa ni ken
Agad ko namang naramdaman
ang paghawak ni ricardo sa beywang ko
“are you ok?” sambit nito.
Hindi ako sumagot sa kanya
at tinanggal ko ang kamay niya sa beywang ko
“ate selly, I think I better
go home now, im really sorry” sambit ko
Agad naman na nalungkot ang
mukha nila, pero wala narin silang magagawa
“cge cge bunso, ihahatid na
namen kayo sa parking lot” sambit ni nikko.
Nang makaalis na kame ni
ricardo sa lugar.
Tahimik.
Siya na ang nagmaneho,
talagang nawalan ako ng lakas, hindi ko alam kung baket, pero talagang nabigla
ako sa pangyayare kanina
Katulad ng date, hindi kaya
ni mokong na tagalan ang katahimikan.
Kaya nung una, nagsisipol
sipol ito
“ricardo parang awa mo na,
tigilan mo yan” sambit ko sa tono na malumanay pero may dalang matinding
paguutos
Tumigil nga sya pero
nagtagal lang iyon ng ilang minuto.
Binuksan niya sa mahina na
volume ang sound system ng kotse ko
At pinatugtog ang kantang.
Tiningnan ko siya,
Nakangiti lang ito, diretso
ang tingin sa kalsada
“papatayin ko na yang sounds”
sambit ko at aktong papatayin na ang tugtog
Pero pinigilan niya ang
kamay ko
“wag maganda yung kanta eh”
sambit niya
“ricardo ano ba! Hindi mo ba
naiintindihan wala ako sa mood na makipag lokohan!” sigaw ko sa kanya
Sa pagsigaw kong yon agad
naman niyang pinahinto ang kotse sa tabi ng kalsada.
Madilim doon, wala narin
kaseng mga kotse na dumaraan.
Natatakot ako.
“ricardo ano ba?! Paandarin mo
nga tong kotse!” sambit ko
Pero wala parin siyang
sagot.. ang tanging ingay lang na namamagitan samen ay ang tunog ng musica
Tumingin siya saken
Unti unting lumapit.
“ricard—“ hindi ko na
nasambit pa ang sasambitin ko
Hinalikan niya ako
Sinubukan kong pumiglas .
pero hawak ng isang kamay niya ang ulo ko at ang isang kamay ay ang aking
kamay.
Sa huli ay nadala narin ako
sa maluwalhati niyang halik.
Nang matapos ang halik na
yon.. idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo. Ilong sa ilong.. .
Mata sa mata kameng
nagtinginan … katulad kanina, kumikinang ang mata niya